Chapter 31: Shaira's Dad

101 11 0
                                    

Airene's POV

3 days later

"Pinapaalala ko lang ulit na malapit na ang exam. Since christmas break na, may time kayo para paghandaan 'yon. Tandaan niyo, higher section kayo kaya ayokong may babagsak. Maliwanag?"

"Yes Ma'am." sabau sabay naming sagot.

"Okay. Class dismiss." kinuha na ni ma'am 'yong gamit niya saka umalis.

"Girl! What's the plan?" tanong ni Shai. Yes, bati na kami. Ganon naman eh. Dapat ang ang isang maliit na hindi pagkakaintindihan ay hindi na pinapalaki. Natural lang namang magkaroon ng misunderstanding sa isang friendship pero sa huli alam kong magkakabati rin kami. "Mamasyal kaya tayo? Mahaba ang break."

"Oo nga 'no? Nga pala, San kayo mag chi-christmas break?" sabi ni Ash.

"Gosh! Hindi pala tayo makakapasyal. Kina papa ako magchi-christmas eh. Baka doon ako buong christmas break."

"Tignan mo 'to. Nag-aaya tapos pupuntahan pala siya?" sabi naman ni Ash.

"Sorry na. Nakalimutan ko eh."

"Ikaw, Ai? Balak mo?"

"Ewan ko. Sa bahay lang siguro. Mag-aaral na lang ako. Wala naman akong gagawin eh. Siguro okay na 'yon."

"Alam ko na! Pakilala ko kaya kayo kay papa?" tinutukoy niya 'yong real Dan niya. Kilala ko na 'yong step Dad niya pero hindi ko pa nami-meet 'yong real Dad niya. "Alam mo Gail, pareho kayo ng surname ni Papa. Pinapapalitan na nga niya 'yong surname ko eh. Pareho na tayo ng surname kung nagkataon! Hahaha!"

"Talaga?" tanong ko. Tumango lang siya. Ngayon parang gusto ng makita 'yong totoong Dad ni Shai. Kamag-anak ko kaya siya? Grade 7 lang siya nung nakita niya ulit 'yong papa niya.

"Baka magkamag-anak kayo?" sabi pa ni Ash.

Bigla namang dumating sa room si June. Pumasok siya sa loob. Pwede naman kasi Break time na rin naman na eh kaya kami lang ang nandito. Hindi na kami pumupunta ng bench kaya siya na lang ang pumupunta dito sa room namin. "Plano niyo guys?"

"Sama ka ba? Pupunta kami kina Papa." sabi ni Shai.

"Ha? O-okay lang naman kahit hindi niyo na ko isama. Sa ospital kasi ako palagi non eh. Babantayan ko si Papa." napa-'ahh okay' na lang kami.

"Hindi pa ba maayos 'yong lagay ng Papa mo?"

"Ayos nanaman pero kailangan pa daw niya mag-confine para sa mga test."

"Sana tuluyan na siyang gumaling."

"Tara guys. Kain tayo."

Pumunta kami sa may Canteen. Tapos tumingin muna kami ng mga foods na pwedeng bilhin.

"Guys? What you buy?" si Ash nagsabi niyan. Natawa tuloy kami ni Shai. "Bakit kayo tumatawa ha?" nagpout na siya.

"Wala yon. Ang cute mo kasi! Hahaha!" sabi ni Shai. "June! Manlibre ka naman! Wag ka ngang kuripot!" sabi niya naman kay June. Natatawa na lang ako sa kanila. Close na nga sila ngayon eh.

"Aish! Oo na po, Boss." Natawa ulit ako dahil sa reaksyon ni June. Feeling nalugi eh. Ang kuripot talaga!

Napatingin ako sa way nina Baste. Tatlong araw na niya akong hindi pinapansin. Ang cold. Nakakainis siya. Hindi niya man lang muna ako pinatapos non magsalita tapos— Ewan ko sa kanya! Bahala siya sa buhay niya!

Ang alam ko kasi,
Kapag talagang mahal mo ang isang tao, hindi ka susuko.

Siguro nga, tama si Maxine. Hindi naman talaga totoo 'yong nasa post niya. Famous siya kaya siguro mina-micro lang niya ko. Bakit pa nga ba ako aasa? Walang wala naman ako sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Tulad niyan ni Agatha. Queen Bee, maganda, mayaman. Ano bang laban ko? Eh mas mukhang bagay sila?

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon