Chapter 20: Care

136 12 0
                                    

June's POV

"Good Morning!" napatingin ako sa relo. "3:30am pa lang." napangiti ako. "Ngayon, gaganahan na talaga ako gumising sa umaga."

Bumaba ako sa naghanda na ng almusal. "Kuya, aga nanaman ah?"

"Bakit ikaw? Ang aga mo nga rin. Saka, inspired kasi ako, bebe." ginulo ko pa yung buhok nya.

"Kuya! Sinuklay ko na yung buhok ko tapos ginulo mo lang. *pout*  Bakla ka talaga!"

"Ows. Ako? Bakla? Ang gwapo ko kaya. Saka may soon-to-be-girlfriend na ko bebe. Wahaha!"

"T-talaga, kuya? Maganda ba sya? Mabait? Ipakilala mo sya sakin ha?"

Napangiti ako. "Syempre naman."

"Talaga kuya?" tanong ni mama.

"Opo, ma."

"Dalhin mo sya dito at ipagluluto ko sya ng adobo ko.

"Sige po, Ma. Naku! Sakto! Paborito nya yun." natawa naman si mama. "Nga pala Ma, kamusta na si papa?"

Lumungkot yung itsura ni mama pati ni bebe. "Hindi maganda pero magagamot pa naman daw. Kaya lang, lalaki na yung bayarin natin sa ospital, anak. Wala pa naman tayong pera pambayad baka paalisin na tayo ng ospital. Hindi na magagamot ang papa mo." umiyak na si mama. Niyakap ko sya. Alam ko yung bigat ng loob na nararamdaman ni mama. Naaawa ako sa kanya. Dama ko yung paghihirap nya sa mga problema namin.

"Wag po kayo mag-alala. Gagawan ko po ng paraan."

Pagkatapos ko mag-asikaso, nagpaalam na ko kina mama at sa kapatid ko. Habang naglalakad ako papunta kina Love, nakita ko sina Jigs at Anya na magkausap. Nagtago ako sa may likod ng puno para hindi nila ako mapansin.

Nakikita ko silang nagki-kiss. That Fuckin' asshole! He's cheating with Shaira.

"Babes.. Kailan mo ba sya ibe-break? Inip na inip na ko.."

"Hindi ganun kadali yun, Anya. Parang hindi ko na nga kaya eh."

"Bakit, Babes? Gusto mo na ba sya? Mas mahal mo na ba sya kaysa sakin?"

"Hindi sa ganun."

"Eh ano? Bakit hindi mo magawa? Na-fall na sya sayo. Ang kailangan mo na lang, i-break sya!"

"Hindi ko kaya, Anya. Mabait si Shaira. Hindi ko kayang saktan sya."

"Ahh ganun? Ha! Sige, kung hindi mo sya ibe-break. Ipapapatay ko sya. Tandaan mo 'yan, Jigs! Hindi ako nagbibiro. Kilala mo ko."

Teka? Ano 'tong naririnig ko? Tama ba lahat ng 'to? Hindi. Kailangang mag-ingat ni Shaira.

Matapos yun, Dumiretso na agad ako kina Love. Naka-ready na sya. Habang naglalakad kami, nananahimik lang ako. Gusto kong sabihin pero ayoko namang makialam sa kanila. Hahayaan ko na lang si Jigs ang magsabi. Sa ngayon, kailangan kong bantayan si Shaira.

"June? Bakit ang tahimik mo?"

"Wala 'to. Sige na, pasok ka na sa room nyo." sabi ko lang saka binulungan sya. "Bantayan mo si Shaira." tapos umalis na rin ako papunta sa building namin.

Pang-apat na subject na 'to. Nakatingin lang ako sa may wall clock ng classroom namin.

*tiktak.tiktak*

Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Aish! Bakit Antagal ng oras.. Dalian mo na.. Bilis..

*kriiing*

Yes! Break na!

Dumiretso ako sa room nila Love pero wala ng tao. Pagkatapos nun sa bench naman. Si Love lang yung nandun saka Ashley. Nga pala, sa Canteen ang tambayan nila.
Pumasok agad ako sa Canteen. Pagkakita ko. Nakita ko si Shai na nakikipagtawanan lang kina Jigs. Whew! Buti na lang walang nangyari. Kinabahan ako dun ah?

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon