Chapter 19

152 14 0
                                        

Chapter 19: James

Airene's POV

@ Bench

Nandito kami ngayon ni Shai sa bench. Tulad ng text nya kagabi. Wala si Ashley. Ewan ko ba dun at madalas wala.

"Ai-girl. Sorry kung umiral nanaman kahapon yung pagiging moody ko. Ang totoo nyan, hindi pa ko sigurado kahapon eh.. Pero ngayon, okay na. Nakapagdesisyon na ko."

"Huh? Anong sinasabi mo, Shai?"

Ngumiti sya. "Payag na ko. Okay na sakin na maging kayo na ni June." Napanganga na lang ako sa mga narinig ko. Imposible. Ito ba talaga si Shai? Pero ang sabi nya dati sakin nung iniistalk pa lang namin si June, 'Bhestie. Tandaan mo, kahit ikaw pa ang bestfriend ko, hindi ko ipapaubaya sayo si June.'

"Talaga? Pero sabi mo noon-" ngumiti sya saka nagsalita agad.

"Take note, girl. NOON. And I love you more than him. You're my bestfriend and I want you to be happy. Besides," nag-pause sya saglit saka ngumiti na para bang nakaisip ng masayang bagay. "Nandyan si Jigs. Do you remember him?" tumingin sya sakin. "I love him and I know, he loves me too." nagtaka ako. Kasi sa pagkakatanda ko, sabi nya fake lang daw sila.

"Ibig sabihin-?" ngumiti nanaman sya ulit. Halata mong masaya talaga sya.

"Yes! We're officially now." nagulat ako and at the same time masaya.

"Masaya ako para sayo, bhestie."

Huminga sya ng malalim saka ngumiti ulit. Aba! Talagang nagbago na sya. From mataray Shaira Ann, turns into masayahin. Ano kayang ginawa ni Jigs sa kanya? Hmmm...

"Thank you, Ai-girl. I hope, it's forever!" natawa ako. Forever daw? Wala kayang forever. Hahaha XD

Habang nagtatawanan kami, dumating si June.

"Anong ginagawa mo dito, Taray?" tanong ni June.

"Taray? Hindi na kaya!" depensa naman ni Shai. Tapos dating si Jigs.

"Hello guys!" nakangiting sabi ni Jigs. "ShairaBabes.. Tara? Lunch na tayo." tumayo si Shai saka nagpaalam samin.

"Una na kami ng boyfriend ko. Bye!" kumindat si Shai saka ngumisi bago umalis.

Nang medyo makalayo na si Shai, "Alam mo, June. Official na sila."

"Officially fake."

"Huh? Hindi. Sila na talaga!"

"Palabas lang nila 'yan."

"No. Totoo na."

Tinitignan ko lang si June. Hindi ko mabasa yung expression nya. Wala kong makita eh. "Ahh.. Ehdi maganda." cold nyang sagot saka tumingin sa mga mata ko.

Bigla ko tuloy naalala yung kahapon. Ngayon na ba? Ngayon na ba ang tamang panahon para sagutin si June? Oo. Tama!

"Ahh.. June?" seryoso kong sabi habang nakatitig sakanya. "Tungkol sa-" Biglang nag-ring yung phone ko. Kinuha ko yun saka binasa yung message.

*beep*

---
From James:
Pumunta ka ngayon dito sa may Garden. Hihintayin kita.
---

Napatingin ako kay June. "June, wait lang ha? Ano, pupunta lang akong Garden." tumango lang sya saka tumayo.

"Sige. Mamayang uwian mo na lang sabihin kung may gusto kang sabihin sakin." nakangiti nyang sabi. "Pumunta ka na. Sa Canteen na lang muna ako." ngitian ko sya saka nagpaalam.

Habang naglalakad ako ito ang nasa isip ko ngayon, 'James.. Ngayon, malalaman ko na kung sino ka. Baste.. Ikaw si Baste..'

Pagkarating ko, may nakita akong isang lalaking nakatalikod na nakatayo. "Baste!" Lumingon sya sakin.

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon