3rd Person's POV
Sa isang coffee shop naghihintay ang isang nasa middle age na na lalaki. Mahahalata mong may kaya siya i baka nga mayaman siya?
Mga 5mins. na siyang naghihintay doon. Medyo nainip siya at naisipan niyang ilabas ang cellphone nya.---
To: Gail
SOON.
~sent~
---Maya-maya umupo ang isang binata sa harap ng inuupuan niya. Nasa iisang table lang sila.
"Sorry po kung na-late ako, Sir." paumanhin ng binata.
"Kamusta siya?" tanong ng lalaki.
"Ayos naman po. Binabantayan ko ng maigi." sagot ng binata.
"Good job." komento naman ng lalaki. Saka naglabas ng isang sobre at inabot ito sa binata.
"Thank you po."
"Basta gawin mo ng maayos."
"Okey po. Makakaasa kayo."
--
[A/N: Guess who po? Hahaha! XD
-Nga po pala, dedicated po ito sa Taengoo my loves ko eun_rim <3 Hi Taengoo ko! Missyou :D]***
Airene's POV
Naghihintay ako ngayon kay June dito sa bahay. Bakit kaya antagal niya?
*bzzzt*
June Calling...
"Hello? June? Papasok ka ba?"
[Pasensya ka na, Love. Hindi muna ako makakapasok ngayon eh. Pupuntahan ko si papa sa ospital. Naghintay ka ba? Sorry ah? Emergency lang.]
"Ahhh... hindi. Okey lang yun. Sige na, puntahan mo na siya. Papasok na ko ha? Ingat ka. Bye!"
[Ingat ka rin. Sige na, Bye.]
Tapos cinall end ko na.
Tumayo na ko saka lumabas ng bahay. Habang naglalakad ako, nakita ko sina Baste, Rio at Tristan. Iniiwasan ko nga sila, lalo na si Baste kaya lang nakita rin nila ako at nilapitan. Tinignan ko sandali si Baste. Naka-head set lang siya ay nakapulsa. Nakatingin lang siya sa daan. Iniiwasan na niya yata ako. Hayys... ano bang pinoproblema ko? Eh ako naman nagsabing layuan niya ko?
"Musta Classmate!" bati ni Tristan. Naaalala niyo pa siya? Siya yung isa sa mga best of friend ko dati. Pinsan rin siya ni Baste.
"Hi." sabi ko lang saka ngumiti.
"Antipid mo naman. Parang wala naman tayong pinagsamahan nyan. Friends tayo di ba?"-__- Gusto kong sabihing: Friends? Eh ang snobber mo na nga eh. Porket famous ka na?
"Friends pa ba tayo? Akala ko DATI lang yun eh." medyo straight to the point kong sabi. Medyo may pagka-sarcastic pa yun. Pero diniinan ko yung salitang DATI. May hugot pa yun. Sayang at hindi siya matatamaan sa mga sinasabi ko dahil nakaheadset siya kaya hindi niya maririnig.
"Aray! Ansakit mo namang magsalita." umarte pa siyang parang naksaktan. Mau nalalaman pang pahawak-hawak sa puso? Hayys... daming alam. Parang pinsan niya lang.
"Masakit? Batukan ko pa kita dyan eh." pasiga ko pang sabi.
Nagtago siya kunwari sa likod ni Baste. "Oy Seb. Tago mo nga ko. Katakot yang tomboy na yan eh."
"Anong sabi mo? Tomboy ako? Naku! Humanda ka saking Tristan ka!" sabi ko saka pinuntahan ko siya sa likod ni Baste saka piningot ko yung tainga niya.
"Aray Mommy! Ayoko na po! Sorry na Airene! Tama na! Ansakit!" Nagtawanan sila pero ako natigilan.
Bakit Airene na yung tawag sakin ni Tristan? Gail dati ang tawag niya sakin eh. Pero hindi ko na lang pinansin. "Huh! Yan ang bagay sayo! Ano? Aasarin mo pa ko?"
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...