Chapter 2: Textmate

371 26 7
                                    

Airene's POV

*beep*

Message From

0919*******: Hello, Good morning!

"Ang aga namang mangulit nito! Hindi ko na nga lang re-reply-an." Sabi ko habang humihikab pa. Nakahiga pa ko tapos napatingin sa orasan. "OMG! 5:50am na?! 6:20am ang pasukan! Male-late ako nito!" Sabay bangon ko. Naka-uniform na ko at aalis na sana. Nang may nagtext sakin.

*beep*

Message from

0919*******: Kumain ka na?

Tumunog bigla yung sikmura ko. "O-oh. Gutom ako. Hayy. Bahala na nga!"

@ Social Kingdom High School

*bugggssshh*

"Ouch!" Late na ko mababangga pa! Hassle! Kainis!

"Sorry Miss." Inabot nung nakabangga yung kamay nya. Inabot ko naman at saka tumayo.

"Hassle naman! Tingin-tingin din kasi sa daanan!" Habang pinupunasan pero parang pinapagpag yung uniform ko.

"Sorry na Miss. Bigla-bigla ka kasi sumusulpot e."

"So kasalanan ko pa?" Sabi ko habang naka-pamewang.

May sumigaw kaya tumigil kami sa pagtatalo at tinignan namin yung sumigaw.

"Hoy! Kayong dalawa! Pumasok na kayo sa classroom nyo! Mag-" Si kuya manong guard pala. Tumigil sya ng,

*Crrringgg*

Mag-bell.

"Alis na nga ko!" Sabi ko habang inaayos yung mga gamit kong nahulog tapos nagmadaling tumakbo papuntang classroom. First floor lang kaya medyo malapit lang at Thank God! Wala pa si Ma'am.

Pumasok ako ng walang almusal kaya hindi ako makapag-concentrate sa lecture namin. Pagdating ng recess. Dali-dali kaming pumunta sa canteen nina Shai at Ash para bumili ng foods and drinks tapos umupo sa may table namin.

"Girl? Anyare? Antakaw mo! hahaha!" Sabi ni Shai tapos tawa sila ng tawa ni Ash.

"Sino ba naman kasi ang pumasok ng walang almusal na hindi nagutom diba?" Sabi ko habang puno angg bibig.

"Ahemm! Ahmm.. Tubig. Tubig!" Nabulunan ako kaya bumili ako ng tubig. Kukuhain ko na sana yung binili ko kaya lang may kumuha.

"Excuse me?" Sabi ng lalaking papeymus. Nakashades at hat pang gangster kasi sa school eh.

"Akin na yan dali." Sabi ko sa lalaking kumuha ng bottled water na binili ko habang nakahawak sa dibdib ko

"Akin kaya to." Tapos umalis yung lalaki.

"Kainis to ah! May araw ka rin sakin Mr. Papeymus! Che!"

"Hoy Miss. Tubig mo o." Sigaw sakin nung tindera.

Kinuha ko agad tapos bumalik sa table namin. Tapos nilaklak yung tubig. Maubo ako, nalunod sa tubig. "Ahemm! Ahemm!"

"Hoy Girl! Anong nangyayari sayo? hahaha." Sabi ni Ash tapos tumawa silang dalawa.

"Tumahimik na nga kayo? Nakakainis na nga yung nakabangga sakin kaninang umaga tapos yung madamot na papeymus kanina na kumuha ng tubig ko, dadagdag pa kayo.. Aish! Ka-beastmode! Wait. Yung Mr. Epal kaninang umaga, pareho sila ng shades at hat ni Mr. Pa-famous!? Nakakainis naman talaga o!"

"Sorry na! Easyhan mo lang." -Ash.

"Girls balik na tayo sa room. Malapit na mag-time." -Shai

Bumalik na kami sa room. 2 subject nalang tapos uwian na.

@ My house

Mga 7:50 na. Nasa kwarto ko na ako. Tapos na kong maghapunan at matutulog na ko.

*beep*

Message from

0919*******: Hello good eve!

"Eto nanaman sya. Ayy! Kailangan ko yatang mag-thank you sa kanya this time. Hindi sana ako makakapasok kung hindi sya nag-text sakin kanina para magising ako."

To: 0919*******

Me: Hi. Thank you sa paggising sakin kaninang umaga ha?

~sent~

0919*******: Bakit?

Me: Salamat sa text mo kasi nagising ako para makapasok.

0919*******: Ahh.. hahah! You're welcome!:) Kumain ka na ba?

"FC talaga to! Kala mo kung sinong concern e. Pero sige na nga! Makikipag-textmate muna ako sa kanya. Mabait naman pala e. Ipo-Phonebook ko narin yung no. nya"

+ Add contact

Name: James Han

Phone number: 0919*******

~Contact save~

"Ayan."

To: James Han

Me: Oo, ikaw?

James Han: Tapos na rin. Anong gawa mo?

Me: Matutulog na.

James Han: Aga naman. Wag ka muna matulog. Kwentuhan muna tayo.

No choice. It's the only way to thank him.

James Han: Antok na ko. Good night and sweet dreams na! Gisingin na lang kita ulit bukas XD

"Kita mo to! Sya unang nag-aya, sya unang aayaw! Tsk. Tsk."

Me: Sige:) My Alarm XD

Nagtagal ng ilang oras ang conversation namin at 10:30pm na ko nakatulog. Marami kaming napagkwentuhan, masaya pa lang ka-text itong si James e. #Laptrip! XD

Isa sa mga napag-usapan namin ay kung classmate ko daw si Denise. Crush nya daw yun. hahahah!









Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon