Chapter 29: Recorded

132 12 4
                                    

Dedicated to: xSteffanyx
--

Airene's POV

Sabay kaming pumasok ni June sa school ngayon. Bawat madaanan namin puro mga nagbubulungan. Malamang tungkol 'to sa pinost ni Baste. Hayy... kahit naman hindi mag-post si Baste eh. Lagi namang ganyan. Bakit ba may mga taong ang hilig makialam at pag-chismisan 'yong buhay mo? Ordinaryong estudyante lang ako dati. Walang paki 'yong mga ibang estudyante sakin. Nakilala lang ako dahil kami ni June 'yong nanalo sa quiz bee. Hindi ako popular kahit na ganon. Hindi naman ako famous pero feeling ko ngayon famous na ko. Famous kasi laging pinagchi-chismisan. Ayoko ng ganito. Ni minsan, hindi ko pinangarap o ginusto 'to. Araw-araw may mga matang nakamasid sayo. Buti na nga lang at hindi na sila sumunod dito sa bench eh.

Nakaupo lang kami ni June ngayon dito sa bench. Hinihintay sina Shai and Ash. Napansin kong walang imik si June. Ano kayang problema nito? "June, may problema ba?" nag-aalala kasi ako sa mga kinikilos niya.

Hindi siya tumingin sakin pero ngumiti siya pero alam kong pilit lang 'yon. "Wala 'to. Wag mo na lang ako pansinin."

"Paanong hindi kita papansinin? Eh kapansin-pansin ka?" tinignan ko lang siya. Hindi pa rin siya tumitingin sakin. Ano kayang problema nito? "Alam mo, kung may problema ka, nandito lang ako para makinig." mukhang wala talaga siyang balak sabihin sakin kaya hahayaan ko na lang. Siguro nahihirapan siyang i-open up sakin yung sitwasyon niya. "Kamusta na 'yong papa mo? Ayos na ba siya? Siguro, siya 'yong pinoproblema mo."

Tumingin siya sa mga mata ko pero walang ka-emosyon-emosyon 'yon. "Okay na siya sa ngayon. Pero may mga problema pa din eh." siguro ayaw niya lang makita ko kahit sa mga mata na nahihirapan siya.

"Mabuti naman at ayos na 'yong lagay niya. Sana gumaling na siya." muli nanaman akong tumingin sa kanya. Hindi nanaman siya tumingin sakin. Napabuntong-hininga na lang ako. "Alam mo ang problema, palagi 'yang may solusyon." sa wakas ay tinignan niya rin ako. Nginitian ko na lang siya para gumaan naman kahit kaunti 'yong pakiramdam nya. "Cheer up, okay! Alam kong malalagpasan mo rin 'yan. Fighting lang!" pagpapagaan ko ng loob niya. Sa wakas, ngumiti na rin siya. "Hayan! Ang gwapo mo na! Patingin nga." natawa naman siya. Gumaan na rin 'yong pakiramdam ko ngayong nakita ko na rin siyang ngumiti ng hindi pilit. Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga taong mahalaga sakin.

*beep*

Tinignan niya 'yong phone niya. Binasa niya 'yong nakalagay sa text tapos tumungin siya sakin. Tumango lang ako saka umalis na siya. Automatic naman na 'yon. Alam kong kailangan niyang tulungan si Shai.

Naiwan akong mag-isa dito sa may bench. Maaga pa naman kaya dito muna ako tumambay. Bukod sa wala pang tao ngayon dito, Ang sarap ng hangin dito tapos mapuno pa.

"Hi." napatingala ako sa nagsalita. "Pwede bang umupo?" umupo siya sa tabi ko. Iniwas ko agad 'yong tingin.

"Sumagot ba ko ng oo?" pagtataray ko baka sakaling layuan niya ko. Pero hindi niya ko pinansin. "Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?" feeling ko walang patutunguhan 'tong usapan namin kaya tumayo na ako. "Di ba sabi ko, Layuan mo na ko?" nakatalikod pa rin ako sa kanya. Hahakbang na sana ako nangarinig ko siyang nagsalita.

"Hindi mo pa ba nababasa?" seryoso niyang tanong. Feeling ko nakayuko lang siya ngayon. " Yung pinost ako."

Naalala ko na kung ano 'yong tinutukoy niya. Napalunok ako. Oo, nabasa ko naman eh. "Ano naman kung mabasa ko 'yon?"

Bigla kong narinig 'yong pagtawa niya ng mahina. Halata mong mapait ang mga ngiti non. "Wala na ba talaga akong pag-asa?" Napalunok ako sa tanong niya. Wala nga ba? Hindi naman sa nagpapakamanhid ako 'no? Nakikita ko naman eh. Sadyang hindi ko lang talaga alam 'yong dapat kong gawin dahil sa komplikado ng sitwasyon. Ayoko lang talaga nakasakit ng damdamin ng iba pero nasasaktan din kasi ako kapag nasasaktan si Baste eh. Bakit ba kasi kailangang maraming masaktan kapag nagmamahal? Wait. Walang mahal. Gusto pa lang.

Hindi ko na lang siya sinagot.

Maya-maya, may narinig akong mga boses ng nag-uusap. Hindi ako pwedeng magkamali, ako 'yon at si James. Yun 'yong convo namin nung sinabi ko 'yong feelings ko para kay Baste—?

Nanlaki 'yong mata ko ng maalala ko 'yon. Napaharap tuloy ako sa kanya. "Ngayon sabihin mo kung paano kita lalayuan?" Hindi ako makatingin ng diresto sa mga mata niya. Oo, paano niya ko lalayuan kung ginugulo ko 'yong isip niya. "Sabihin mo ngayong hindi totoo 'to? Na hindi mo ko gusto."

Hindi ako makapagsalita.

Paano ka pa nga makakatanggi kung nasa harap mo na 'yong ebidensiya. Hindi ko alam kung anong dapat na gawin o sabihin.

Tumayo na siya at nakatalikod siya sakin. "I guess, wala kang balak sumagot." huminga siya ng malalim. "Tinotoo mo nga siguro 'yong sinabi mo. Sinagot mo na siya." dahan dahan siyang naglalakad palayo sakin. Feeling ko nasasaktan ako kapag nakikita kong ganyan si Baste. Sa tuwing kasama ko siya dati, lagi lang siyang masaya. Lagi kaming masayang magkasama. Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko 'yong nararamdaman niya. Nahihirapan ako sa mga nakikita ko. Parang dinudurog itong puso ko. Mga three meters na 'yong layo niya sakin.

"Wait!"

Sigaw ko kaya napatingin siya sakin.

***

A/N: Waaah! Ano kayang sasabihin ni Airene?

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon