Chapter 25: Premonition

117 13 2
                                    

Dedicated to: my friend, andreagyle_20. Hi ganda :) Thanks sa pagbabasa kahit trip ko lang 'to at ampanget ng story hahaha xD
--

Airene's POV

"*yawn* Good Morning..." walang gana kong sabi tapos bumaba na ko para mag-almusal.

"Mama? Nandito ka? Tapos na ba 'yung nilalakad mo?" may balak kasi umalis si mama at magtrabaho sa ibang bansa. Yun ang dahilan kung bakit madalas siyang wala. Nagtatrabaho siya para sa pangangailangan namin sa araw-araw, para sa pag-aaral ko saka para may pera panlakad ng mga dokumento niya paalis. Alam naman natin mas malaki ang value ng pera at sahod sa ibang bansa. Feeling ko kailangan ko ng maghanda. Hindi pa naman ako sanay na wala si mama. Ngayon pa lang mamimiss ko na siya :(

"Oo, anak. Tatawagan na lang daw ako ng agency tapos pwede na kong makaalis." maya-maya parang nagulat yung itsura ni mama. "Nga pala! Bilisan mo na't mag-asikaso! Male-late ka ng bata ka! Kanina pa kita ginigising hindi kita magising kaya hinayaan na lang kita-"

"Waaah! Mama! Bakit hindi niyo po agad sinabi?!" napatingin ako sa may wall clock namin. Six na?! Oh my gulay! Andami ko pang sinasabi kanina hindi ko alam na male-late na ko! Kailangan ko ng magmadali!

Diretso pasok na ko ng banyo. Ligo. Banlaw. Bihis uniform. Suklay. Toothbrush. Mumog. Punas. Suot sapatos. Kuha ng gamit. Dala bag.

check!

"Ma, si June ba pumunta na dito?"

"Oo, kaya lang pinauna ko na at baka ma-late."

"Hayy... mabuti naman. Salamat, ma."

"Teka? Kumain ka na ba?"

Naku! Hindi pa pala ako nakapag-almusal. Tumingin ako sa may lamesa. Pumunta ako dun at kumuha ng isang pirasong tinapay tapos dumiretso na ko palabas ng bahay. "Sige po ma! Alis na po ko!"

"Mag-ingat sa daan!"

Papuntang school naghanap akong tricycle para makahabol pa ko.

Naku! Monday ngayon kaya malamang may flag ceremony. Siguradong late na ko nito. Mali! Think positive! Makakaabot ka pa, Airene. Tiwala-

"Miss, traffic na." sabi niya saka huminto.

"Ano ba kuya! Wag kayong tumigil! Bilisan nyo! Wala na kong oras maghintay! Male-late na ko!"

"Pasensya ka na, Miss. Pero hindi natin pwedeng ipagpilitan ang gusyo natin kung hindi na talaga pwede. Hindi na tayo makakasingit sa dami ng sasakyan. Ang mabuti pa, bumaba ka na baka lalo ka lang ma-late."

"Aish! Pambihira naman oh!" walang gana kong sabi. Beastmode na ko! Male-late na ko nagawa pang humugot nito si manong? Ang mabuti pa nga, bumaba na ko. "Bwiset!" sigaw ko sa sobrang inis. Pambihira! Ang malas malas ko naman yata ngayon? Natural monday kaya traffic. Ano pa bang ine-expect ko? Bakit kasi ngayon pa?

Tumakbo lang ako ng tumakbo papuntang school.

"Ugh! Anong oras na! 6:45am na..." sabi ko habang tumatakbo at nakatingin sa relo. Tapos may nakabanga pa ko. Nahulog tuloy yung mga libro ko pati yung mga binili ni lola nalaglag din. "Naku sorry po! Pasensya na nagmamadali na po kasi ako eh. Sorry po talaga." sabi ko habang nagmamadaling pinulot yung mga nahulog namin. Pagtapos kung ayusin yung mga nalaglag inabot ko na yun sa kanya. "Pasensya na po sa abala." paumahin ko pa ulit sa matanda saka nag-bow ako. Hindi ako Korean pero nakaugalian ko lang. Palagi kasi akong nanonood ng mga Korean dramas sa TV eh. Teka nga? Oy Airene Gail? Ano ba yang kinukuda mo dyan? Male-late ka na di ba? Gora na! "Pasensya na po ulit. Sige po, mauna ho ako sa inyo." paalis na ko ng hawakan niya yung kamay ko. "Ahmm... lola? Male-late na ho kasi ako eh... baka pwede pong, paki?" tinignan ko yung kamay namin bilang sign.

Bigla namang tumingin sakin si lola. "Dumating na siya. Ang lalaking matagal ng umiibig sayo. Darating na rin siya. Ang iba pang taong matagal mo ng hinihintay na dumating. Maraming pagbabago. Maswerte ka dahil don. Pero kailangan mo ring mag-iingat. May mawawala kaya maghanda ka." bigla namang tumaas yung balahibo ko kaya napabitaw agad ako kay lola.

"Lola, wag naman po kayong ganyan. Tinatakot niyo ho ako eh." hindi ko maiwasang manginig sa takot sa mga narinig ko. Hanggang ngayon, tumataas pa rin 'yong balahibo ko.

"Tandaan mo lahat yan. Isa yang paalala hija. Sige, mauna na ko sayo. Mahuhuli ka na sa klase mo."

Ay sheteng kalabaw! Oo nga pala! Nakalimutan ko. Teka? Pano nalaman ni Lolang late na ko? Ibig sabihin ba nun dahil alam niya, Magaling siyang manghuhula at tama ang mga hula niya? Tumatayo ang mga balahibo ko. Ayoko. Ayokong may mawala. Natatakot ako.*tumalikod ako para tignan si lola kung nandun pa siya. Ns bawiin yung mga sinabi niya.* Wala na siya agad? Nasaan na siya? Hala! Naengkanto yata ako?

"Miss? Excuse me? Anong oras na?"

Hala ka! "Oras na para pumasok na ko sa school!" waaah! Yari ako nito!

Hingal na hingal na ko ng makarating sa may school gate. Kaya lang pagdating ko, "Sarado... na..." lumapit pa ko ng konti sa gate. "Kuya guard! Papasukin nyo ko, please! Manong guard!"

"Pasensya na. Pero pagkatapos pa ng flag ceremony pwedeng magpapasok."

Oh no! Matagal pa yun... yun na yung pinakahomeroom namin bukod sa friday eh. Hindi pwedeng hindi ako makapasok. "Kuya manong guard! Please po! Papasukin niyo na ko!"

"Hintayin mo na lang. Wala rin namang magagawa yan eh."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakasandal lang siya sa pader sa gilid ng gate. Hindi ko na lang siya pinansin saka nagsalita ulit. Halos kalahating oras na kong sumisigaw wala namang nangyayari. Naisip kong huminto na.

"Bakit na-late ka?" tanong niya. Hayy... kung alam niya lang talaga lahat ng nangyari kanina. Aish! Siya anh dapat kong sisihin dito eh. Napuyat ako kakaisip sa mga sinabi niya kahapon.

"Ano bang paki mo?"

"Ganun ba yun? Wala na ba talaga akong karapatang makialam sayo?"

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Baste. Hanggang sa marinig ko yung pagbukas ng gate.

"Oh, pwede ka ng pumasok." sabi sakin ni manong guard. Napatingin siya kay Baste. "May kasama ka naman pala eh. Boyfriend mo?" tanong ni Manong Guard. Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Baste.

"Mukha po ba kaming mag-girlfriend, kuya Rex?" sabi niya saka tumabi sakin saka inakbayan ako.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" mahina kong tanong kay Baste.

"Sabihin nyo, bagay po ba kami?" nanlaki naman yung mata ko sa gulat. Napatingin tuloy ako sakanya. Seryoso ba siya?

"Hahaha! Oo naman! Bagay na bagay kayo!"

Bigla naman akong umalis sa pagkakaakbay niya. Nakakahiya na 'tong ginagawa ni Baste. "Excuse me. Kailangan ko ng pumasok." nagmadali ako sa paglalakad.

Ano bang ginagawa niya? Nagawa niya pa talagang idamay si manong guard sa mga kalokohan niya.

Nang makarating ako malapit sa tapat ng building namin narinig ko si Baste. Sinusundan ba niya ko? Ay assuming? Dito nga rin pala yung building niya.

"Girlfriend ko!"

Bigla naman akong napahinto sa paglalakad.

Sinasabi ng isip ko: Huy! Alis na dyan! Paa! Maglakad ka!

Huhu. Para ng napako yung paa ko dito. Pano ko na siya maiiwasan nito?

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong habang nakatalikod parin sa kanya.

"Ikaw lang ang kailangan ko."

Napalunok naman ako. "Alam mo, kung wala ka namang matinong sasabihin. Tigilan mo na ko." humarap ako sa kanya. "Layuan mo na ko, please lang..." sabi ko saka unti-unti ng naglakad papalayo sa kanya. Pero kahit ganun, narinig ko pa yung sinabi niya. Biglang tumibok ng mabilis yung puso marinig ko yun.

"Pinapalayo mo 'ko? Wala na ba talaga akong lugar dyan sa puso mo?"

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon