Airene's POV
Ngayon ang 2nd periodical test namin. Nandito na ko sa school at si Shai lang ang nandito. Masyado yata kaming maaga pumasok e dahil kaunti palang ang mga estudyante.
"Girl! Punta tayong 3rd floor. Maganda ang view dun! Saka mahangin! Magandang lugar para makapag-review. Fresh air na, fresh mind pa diba? Tara na!" Pang-aaya sakin ni Shai tapos dali-dali akong hinila papuntang hagdanan.
@ SKHS, K. Building, 3rd floor.
Nasa 3rd floor na kami ng building namin. Nasa Corridor kami.
"Girl! Si June ba yun?" Sabi ni Shai na kinikilig-kilig pa syempwe ako den! Hihihi! Malinaw mata nun kaya kita nya agad si June. Ako malabo e. Pero alam ko kapag nandyan na si June, may something na nakakapag-turo sa'kin kung nasaan si June. Kaya yun. heheh! Daming alam! XD
"Papunta nayan sa building nila. Papasok sa classroom nila." Sabi ko na kunyari walang expression tapos nakapangalumbaba pa.
"Malamang! Kaya nga sya pumasok e!" Sabi ni Shai habang tumatawa pa. Ako naman, hindi na lang nagsalita. Minsan talaga ang shunga ko.
Biglang tumigil si Shai sa pagtawa at napatingin sa likuran ko. Yung mukha e, kala mo nakakita ng gwapo! Tss. hahahah!
"Gail," May tao nga?
"Baste! Hello?" Sabi ko sa lalaking nasa likuran ko na tumawag sakin.
Si.. Ahh.. Ano nga real name nya? Di ko maalala e. Basta Baste tawag ko sa kanya. Classmate ko sya nung...???
"Diba classmate kita nung Grade 6?"
"Oo nga pala. heheh."
Yun, sabi nya nung grade 6 daw. Minsan ko nalang sya makita kaya siguro pangalan, ayy. nickname nya nalang yung naaalala ko. Pero bumalik ulit sakin yung moments namin dati. Bestfriend ko pala sya sa mga boys dati. heheh. Kainis! Yun pa nakalimutan ko ah.
Tumingin sa'kin si Shai. Kitang-kita ko sa mata ng babaitang ito na nang-aasar e. Bumubulong-bulong pa. Naku! Hindi maganda ang ibig sabihin nito.
"Ahh.. Baste? Ano.. Kasi. Baba na kami. Baka nandun na yung mga classmates namin e. Saka si Ma'am. Mauna na kami ha?" Sabi ko kay Baste tapos kumapit sa arms ni Shai at dali-daling bumaba.
@ K-Bldg. room 102
"Ayieee! Si Ai. May Mr. Right na!" Pang-aasar sa'kin ni Shai.
"Aish. Tumigil ka nga Shai. Friend ko lang sya 'no!"
"Weh? Eh bakit nagba-blush ka?"
Humawak ako sa pisngi ko. "Hindi kaya! :P"
"Sus! FRIEND?! LANG?"
"Oo. FRIEND-LANG!" </3 :(
"Aww.. Oo nga friend mo lang sya! Pero crush mo rin sya diba? Aminin!" Ang Babaitang ito talaga! Grabe pag curious e! Hindi ka titigilan! Pero, sa bagay.. Gwapo naman si Baste. Saka crush lang naman e.
"10%" Matipid kong sagot.
"Yieee! Crush nya si Mr. Ahh.. Famous! Tama! Mr. Famous! Kasi Famous sya!"
"Famous?"
"Oo, tignan mo."
Bumaba pala sya. At Wow! Andaming nakapaligid sa kanya 7 boys sila at a lot of.. girls! :/
"Siguro bakla yan si Mr. Famous! Laging may kasamang girls."
"Bakla?! Agad? Diba nga famous sya? Grabe ka!"
"Uyy.. Defending!" Pang-asar ng loka at saka tumawa pa ng 'Mwahaha' Ano yun? Evil laugh? Tss.
"GIRL!" Sigaw ni Ash. Tapos lumapit sya samin. "Kanina ko pa kayo minamasdan. Sinong pinag-uusapan nyo?"
"Ayun o!" Sabi ni Shai habang tinuturo si Baste tapos tumingin si Ash kay Baste. Tumango-tango naman si Ash habang binulungan ni Shai. Napansin ko yun kaya nag-react ako.
"Hoy! Ano yan?" Biglang tumawa si Shai tapos ngumiti naman si Ash. Tapos sabi nya,
"Nice naman Ai!" Loko talaga tong si Shai, Ano kayang sinabi nito kay Ash! Babaita talaga to kahit kailan e!
Buong araw puro si Baste ang naririnig kong bukham-bibig ng mga babaeng yan!
Tungkol sa exam. Ok lang.. Madali! Bukas may next batch pa kaya.. Ayun, lunes pa malalaman ang results kasi thursday ngayon. I'm expecting a high score! heheheh. Nga pala, Si Alarm kaya? Ginising lang ako kanina ng maaga tapos hindi na nag-text mula pa kanina pag dating ko sa bahay. Malamang nagre-review pa yata yun. Kaya di nang-iistorbo! BTW Hindi ko naman kailangang alalahanin yun, mabuti nga yun e. Magre-review nga ako. Science at Math ang test bukas! Kailangang pag-review-han talaga!
Tapos na ko mag-review, mga 10:00pm na. Naka-receive ako ng text message.
*beep*
From: James: Good night! Sweet dreams:)
Ngumiti lang ako. Hindi ko na ni-reply-an kasi inaantok na ko. Kaya natulog na ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...