Shaira's POV
*dingdong*
"JigsieBabes? Ang aga mo. Tara, pasok ka muna."
"Hindi na. Gusto ko lang magpaalam na hindi ako sasabay sayo ngayon."
"Ha? Ganun ba? Okay.. Sige, kita na lang tayo mamaya sa school." masaya kong sabi. As still. Haha! I'm always happy whenever I'm with him.
"Sige, sa dating tambayan." cold nyang sabi saka umalis na.
Bakit ganun yun? Weird. Hindi ko sya ma-gets, actually.
"Hmp! Hayaan na nga. Baka may surprise sya sakin? Ganun naman yun palagi. Common masyado kaya obvious eh. Malapit pa naman na yung birthday ko. Hehehe"
Nang matapos ako mag-asikaso. Lumabas ako ng bahay.
"June!" gulat kong sabi. "Are you a mushroom? Basta basta ka na lang sumusulpot eh."
"Good." sabi nya lang.
Nababaliw na ba 'to? "Ano namang good dun? Tss."
"Sana nga, MUSHROOM na lang ako. SUPER MUSHROOM mo. Para everytime na nasa panganib ka, susulpot lang ako basta basta para sagipin ka."
Natawa ako. "Ano ba 'yun? Pick-up lines? Ang korni ah." pero honestly, pangarap ko talaga dati na banatan nya ko ng pick-up lines nung crush ko pa sya. Achievement ba 'to? Ayiii~ huhu. kaiyak naman.
"June..!! Shai..!! Tara na... Pasok. Na. Tayo.. Ha.. Sa.. School." hingal na hingal na sabi ni Ai-girl.
"Bakit tumatakbo ka?"
"Hehe. Exercise lang." napa-'Ahh' lang ako sa sinabi nya.
"Tara na." aya ni June.
Dumating ako ng classroom. Good mood ako today kaya nag-aral akong maigi.
Nang mag-recess, nagpaalam ako kina Ai at Ash na pupunta na ko sa tambayan namin ni Jigs. Habang papunta akong Canteen, nasa lubong ko si June saka hinarang nya ko. "June. Padaanin mo na ko, please.."
"May dapat kang malaman, Shaira. Si Jigs, niloloko ka lang nya. Sila ni Anya!"
"Ano ba June? Ikaw yata yung nanloloko eh. Hindi magandang biro 'yan ha?"
"Nagsasabi ako ng totoo, Shaira. Maniwala ka."
"Sinisiraan mo ba sakin si Jigs? Bakit mo ba 'to ginagawa, June?"
"Hindi sa sinisiraan ko sya. Ayoko lang masaktan ka. At higit sa lahat ang mapahamak ka. Kaya please.. Ikaw na yung imiwas, Shaira. Para sa ikabubuti mo rin 'to."
"Andami mong alam, June. Walang mangyayari. Kaya, please lang. Padaanin mo na ko. Excuse me." tapos nun naglakad na ko papuntang canteen. Habang naglalakad ako, nakita ko si Anya kasama yung mga kaibigan nya. Wala naman akong balak makinig eh. Hindi ko lang alam kung bakit ako huminto.
"Sigurado ka bang gagawin talaga ni Jigs yun, Anya?"
"I'm pretty sure. Wala naman syang ibang choice eh."
Ano yung gagawin ni Jigs? Bakit parang kinabahan ako sa usapan nila? Hindi. Mali 'to. Dapat magtiwala lang ako kay Jigs. Yun ang tama!
"JigsieBabes!" bati ko sa kanya ng makarating akong Canteen. Sa tambayan namin.
"Shaira.." ang cold nya. Hindi naman ganyan yung tawag nya sakin dati eh.
Tumabi ako sa kanya. "Kumain ka na? Sorry kung matagal ako ha."
"Hindi. Okay lang yun. Saka ayokong kumain."
"Ahh.. Okay.."
"Pwede ba tayong mag-usap sa ibang lugar?" Ito na ba yung pinag-uusapan nila Anya? Kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Ficção AdolescenteNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...