Dedicated to: TheAngelicAlyssa Thanks sa paghihintay ng update :)
--Chapter 18: Decission
Airene's POV
Matagal-tagal na rin mula nung ligawan ako ni June. Halos 2 buwan na baka nga magtatatlo na. Ewan ko ba. Hanggang ngayon si Baste parin. Siya lagi ang iniisip ko.
Nasa may Bench kami ngayon. Nakita ko si Jean na nakapiring ang mata at inaalalayan ng isa sa BND. Mga famous sila kaya kilala ko rin sya. Sya si Kurt Andrew Min. I think puro mga half-korean sila tulad ni Baste.
Malapit lang ang HQ dito kaya nakikita ko sila. Siguro surprise ni Baste iyon kay Jean. Bongga ang ayos ng HQ at minimeeting ni Baste ang BND. Monthsary kaya nila? Kasi 07 ang date ngayon. 07 din ang date nung magpost si Baste tungkol sa monthsary. Siguro nga. Pero bakitba pilit parin akong umaasa? Oo nga pala. Sila na. Naghihintay ba ko sa wala? Hayy.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nang makarating na sina Jean at Kurt sa loob ng HQ surprise na surprise sya at dahil dun niyakap nya isa-isa ang mga nandoon pati si Baste. Habang minamasdan ko sila parang dinudurog itong puso ko. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang dahil kasama ko ngayon si June. Ayokong ipakitang nasasaktan ako sa harap nya. Mag-aalala nanaman sya sakin.
"Love." Tawag sakin ni June.
Tumingin naman ako sa kanya. "Bakit, June?"
"Kailan mo ako sasagutin?" Bigla naman akong kinabahan sa tanong nya. Ano bang isasagot ko? Isa na yata ito sa pinakamahirap na problem na kailangan kong sagutin. Sana may formula talaga para dito tulad sa math para naman kahit papano masagutan ko kahit na abutin ako ng syam-syam. Hayy.. ano kaya? Sagutin ko na ba sya? Wala namang paki sakin si Baste eh."Love?" Tawag sakin ni June.
"Ha? Ano nga ulit yun, June?"
"Alam kong nasasaktan ka kahit hindi mo ipakita. Hayaan mong pasayahin naman kita. Lagi ka na lang umiiyak. Oo alam ko yun, Love."
"Nagpapasalamat ako ng marami sayo June kasi lagi kang nandyan para sakin. Hindi ka naman pumapalpak sa pagpapasaya sakin eh. Hayy.. Hindi ko man lang masuklian ang mga ginagawa mo para sakin."
"Kung ganon. Sagutin mo lang ako sapat na sakin. Love?"
Nahihirapan na talaga ko sa totoo lang. Napapasaya nga ko ni June pero panandalian lang. Bumabalik at babalik parin naman yung Sakit eh. Pero.. "Pag-iisipan ko, June. Kahit isang araw lang." Sabi ko sa kanya habang nakatingin ng seryoso dito. Ngumiti naman sya.
"Salamat, Love." Saka niyakap nya ko. Pumikit ako para hindi makita ang mga nangyayari sa HQ. Niyakap ko rin sya ng mahigpit. 'Salamat sa pagko-comport sakin, June. Kaya pala naging crush kita noon. Pero kasi iba ang gusto ko eh.Maya-maya, "Girl!" Tawag samin ni Ash kaya nagbitaw muna kami sa pagkakayakap. "Ayun pala sila oh." Sabi naman nya kay Shai.
"Hi guys!" Bati ni Ash.
"Tara na. Pasok na tayo sa room. Baka nandyan na si Sir." Cold na pagkakasabi ni Shai. Ano kayang problema nito? Nakita nya ba kami kanina? Palagi nga pala nya kami nakikita. Pero nangako nga pala ako sa kanya. Hala! Pano na yan?@Room
Kanina pa walang kibo si Shai. Nakakapanibago.
"Shai? Okay ka lang ba?" Tanong ko rito.
Chineck pa ni Ash ang noo at leeg nya kung may sakit o lagnat ito. "Wala ka namang lagnat?" Nagtatakang tanong ni Ash.
"Huwag mo nga kong hawakan." Cold pa na sabi ni Shai saka tinabig ang kamay ni Ash.
"Shaira. May problema ba?" Tanong ko. Hindi lang kasi talaga ako sanay na ganyan si Shai. Lagi ko syang kasama. Diba happy yan kasama? Laging nagtataray pero hindi ganito.
"Oo. Pero wala ka ng paki dun." Sabi nya tapos bigla ng pumasok si Sir Martin. Bumati na kami sakanya kaya hindi ko na nakausap si Shai dahil busy na kami hanggang sumunod na mga subject. Science, binati ako ni Ma'am pati si June kahit hindi kami magkaklase. Tapos AP at hanggang uwian hindi ako pinansin ni Shai kahit na sabay kaming naglalakad. Walang kibuan. Nag-aalala na ko kay Shai. Si Ash may pinuntahan pa kaya hindi sya sumabay.
"Shai?" Tawag ko dito. "Kausapin mo naman ako."
"Tungkol naman saan?" Tanong nito.
"Galit ka ba sakin?" Tanong ko naman pero hindi sya kumibo. Silence means yes?
"Bukas na lang tayo mag-usap. Sige na, dito na ko." Paalam nya saka tumawid na.
"Ingat!" Sigaw ko pero di nya ko nilingon.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Ficção AdolescenteNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...