Airene's POV
Ang weird talaga kahapon. Ganun ba talaga si Crush? Hahaha! Pero in fairness. Ako nasa panaginip nya. Omyghad! Bakit ako? Grabe sya! Kinikilig tuloy ako! Ito na ba ang tinatawag nilang TADHANA? Hayy. Kung anu-ano na tuloy pumapasok sa isip ko. Back to reality na nga!
Nasa school ako ngayon kahit sabado. May practice kasi kami para sa Presentation naming intermission number na next week na ipe-perform.
"Girl. Si June o!" Sabi ni Shai.
Pero imbis na kay June ako nakatingin kay Baste ako naka-concentrate. May practice pala sya? Sumasayaw sya. Nakakatulala talaga sya!
"Huy! Wala dyan si June. Nandito sya o!" Sabi sakin ni Ash. Nge! Nasa tabi ko na pala si June? Hahaha! Wait? Nandito rin sya? Bakit dito sa gawi namin sya pumunta?
"Oh Hi June!" Nakangiting bati ko sa kanya.
"Ah.. Hello! Nandito ka?" Bati nya at tanong sakin.
"Ha? Ahh.. Oo kasi magpa-practice kami para sa presentation ng club namin." Sagot ko kay June. "Ikaw? Nandito ka rin?" Dagdag ko pa.
"Magpe-perform rin kami eh."
"Ahh.. Ok!"
"Ahh.. Hello? Baka gusto nyo kami isali sa usapan nyo?" Singit ni Shai.
"Ah sige. Mauna na ko sa inyo." Paalam ni June.
"Ok! Galingan mo!" Sabay-sabay naming tatlo sinabi.
Nang makalayo na si June.
"Grabe! Biglang umalis? Nakakainis naman yun!" Reklamo ni Shai. Tapos tinignan ako ng diretso. "Girl. Kailan pa kayo naging close?" Curious na tanong ni Shai. At dahil nga curious sya hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko sinasabi kung bakit at paano.
"Nagkita kasi kami sa quiz bee eh. Pagkatapos nun nagka-usap lang saglit. Tapos yun.."
"Anong pinag-usapan nyo?" Tanong pa nya. Hayy. Ano 'to? Q and A portion? Kailangan bang sagutin 'to?
"Wag mo ng itanong at baka magbago ang pagtingin mo kay June. Hahaha!" Napaknot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko. Pero tumango na lang sya. Hayy. Buti naman.
Nag-umpisa na ang time ng pagpa-practice ng bawat club. Kami naman nganga! Paano hindi daw dadating yung adviser namin. Sumama daw yung pakiramdam. Hindi na lang ako umuwi. Wala rin naman akong gagawin sa bahay eh.
Nagrereherse na lang sina Baste. Tapos si June kumakanta habang naggi-gitara. Grabe! Nakaka-inlove sila pareho. Ang galing kasi sumayaw ni Baste nakaka-elib! Tapos ang sarap pakinggan ng kanta ni June.
"This song is for Ms. Airene." Waaa! Special mention yung name ko? Ayy. Baka assuming lang ako? Baka ibang Airene yun? "Again. Ms. Airene. This song is for you." Pag-uulit ni June sabay tingin sa gawi namin. Ako ba talaga? Bakit ako? Eh kailan lang kami nagkakilala? Pero sige na nga! Kinikilig na ako eh. Hihihi.
[Now playing: ____________]
Pagkatapos nun. Standing Ovation from me! Bumaba na sya at lumapit samin. Inaya kaming kumain muna sa Canteen.
Kumakain kami. Nakita ko si Baste. May kasama syang magandang dilag. Isda! Lol.
"Nagustuhan mo ba yung song?" Tanong sakin ni June.
"Aish! Oo naman 'no! Ang galing mo talaga kahit kailan! Kaya crush na crush kita eh! Hahaha! Oops!" Sabi ko sabay takip ng bibig. 'Ok lang yan! Hahaha! Totoo namang crush ko eh. Diba?' Tapos binaba ko na rin ang mga kamay kong pinangtakip ko sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...