Chapter 28: Dear Dang

107 12 0
                                    

Dedicated to: -jeonxyoon
--

Airene's POV

"Bakit ka napadaan dito, Ash?" tanong ko sa kanya habang siya, ayun, nilalantakan yung lumpia.

"Ang sarap talaga magluto ni Tita Zai." sabi niya habang nguya ng nguya.

Hindi niya ba ko pinansin? "Hoy Babae!" saway ko pa.

Nabulunan siya kaya uminom muna siya bago nagsalita. "Aish! Nakakagulat ka naman, Girl. Pumunta alo dito kasi nabanggit sakin ni Mr. Famous, may pagkain daw dito. Hehehe."

Basta talaga pagkain eh no? Mana lang sakin? "Teka nga? Nagkita kayo ni Baste?"

Tumango siya. "Uhmm... naabutan ko siya sa may tapat ng bahay niyo. Nagpalibre muna ako sa kanya bago pumunta dito."

Kita mo 'to? Nilibre na pumunta pa dito para kumain. Hindi naman sa ayaw ko no? Eh tinatalbugan ako sa pagiging shikshin eh.

[Shikshin= Korean term for matakaw.]

"Si Tita Zai? Saka si June nga pala?" tanong niya.

"Nasakwarto na si Mama natutulog. Teka nga? Pano mo nalamang nandito ngayon si mama saka pumunta dito si June?"

"Sinabi ni Baste." hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko alam na nag-uusap silang dalawa? "Uy wag kang magseselos ah? Friend ko lang yun. Teka nga. Ano? May sinabi ba siya sayo?" tanong pa niya.

"Selos? Wow lang Ash ha? San mo naman nakuha yang sinasabi mo? Saka, Ano namang sasabihin niya sakin?" pagmamaangmaangan ko. Teka nga? Siguro may alam 'to si Ash sa mga nangyayari?

-__- "Manhid ka rin girl eh. Alam mo yun? Gusto mo siya sabi mo di ba? Eh matagal ka na daw niyang gusto eh. Torpe lang siya. Hayy...Para kayong mga sira. Gusto niyo yung isa't-isa. Ano pang problema niyo?"

Napayuko ako. Naisip ko, Oo nga no? Gusto na namin ang isa't-isa at dapat masaya na ko. Pero hindi ko naman kaya maging masaya kung may tao akong masasaktan. I admit, Si Baste parin. Dahil sa tuwing kasama ko si June, lalo ko lang naaalala si Baste.

"Pano si June? Hindi ko kayang idisappoint siya. Ayokong masaktan siya."

"Truth hurts. Sabi nga nila. But telling lies is much painful than knowing the truth." feeling ko hindi si Ash 'tong nasa harap ko ngayon. Bihira ko lang ako makarinig ng seryosong mula sa kanya. "Mas ayos nang masaktan siya dahil nagpakatotoo ka sa kanya kaysa pareho niyong lokohin at saktan ang sarili niyo."

Tama. Pareho lang kaming masasaktan. Nakapagdesisyon na ko. Hindi yun ganon kadali kaya kailangan kong lakasan ang loob ko.

Pero may isa pa kong problema,

"Saka, nahihirapan parin akong paniwalaan siya eh. Kung siya si James, o si Baste, bakit lagi niyang pinapamukha sakin si Jean yung gusto niya? Text man o personal tulad nung nangyari sa garden nung iniwan mo ko dun. Sabihin mo nga Ash. Ano bang dapat gawin? Kasi di ba, sila Jean at Baste-" Hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ki at tumawa na siya ng tumawa. "Ash! Ano bang nakakatawa? Tumigil ka nga. Baka magising si mama."

"Sorry. Pero hindi mo pa ba alam? Hindi sina Baste at Jean no! Si Christian yung bf ni Jean. Nakakatawa ka Ai-girl. Hindi mo alam na ikaw yung tinutukoy niya. Haha! Alam mo, Kailangan 'tong malaman ni Baste."

"Hoy! Wag na wag mo yang sasabihin. Lagot ka sakin pag nangyari yun." Natawa nanaman siya. Ano bang ibig sabihin nito? Ako lahat yun? Bakit hindi ko alam? Ganun na ba talaga ako kamanhid? Pero bakit si Ash alam niya lahat tapos ako hindi. Hindi ko alam kung dapat ba ko magalit sa kanya o ano eh.

Tumigil na siya sa pagtawa ng tignan ko siya ng masama. "Sorry na, Girl." Tumayo ako. "San ka pupunta? Galit ka ba sakin? Sorry na naman oh."

"Pakisara na lang ng gate pag-alis mo." sabi ko lang saka umalis na sa kusina saka dumiretso na sa kwarto ko. Dinig ko pa yung pagsosorry ni Ash pero hindi ko pinansin.

Ansakit lang sa feeling na nililihiman ka ng isang importanteng tao sayo. Bakit kaya hindi niya man lang sinabi sakin? Hindi kaibigan yung tiningin niya sakin? Karapatan kong malaman yun at higit sa lahat, Ayoko sa yung naglilihim sakin.

Siguro palilipasin ko muna 'to. Bukas ko na kakausapin si Ash kapag wala na kong tampo sa kanya.

***

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga motor na dumadaan. Alas tres pa lang ng madaling araw pero okay na yun. Nag-online muna ako ng fb para malibang sandali.

Pagkabukas ko ng fb ko, andami kong friend reqiest, messages and notifications. Tinignan ko muna yung messages.

Hi. Pwede makipagfriends?

Landi mo! Grabe! Ang kati eh.

Famewhore you b*tch!

Taray mo 'te! Habang ng hair!

He's just playing you like his playtoy.

M-I-C-R-O-!!!

Hindi ko na binasa pa yung iba. Sapat na 'tong mga nababasa ko para masaktan ako. Grabe naman sila! Anong tingin nila sakin? Ganun?

Clinick ko naman yung notification. Naisip ko lang dahil hindi naman nila ako pag-uusapan ng ganito ng wala lang.

Tama nga ako.

Nagpost ang ChickaBells sa page nila at naka-tagged ako don.

Sino ba talaga? June o James?

Maraming naglikes at nagreact pati nag-comment. Tulad ng messages, halos ganun din.

Pero bukod dun, meron pa sa BND group page at fanpage. May positive sides, pero syempre hindi na mawawala yung mga negatives. Dyan naman talaga sila magaling eh. Ang siraan ang ibang tao. Hindi ko na nga lang binuksan.

Maya-maya may nagpop-out na noti.
Baste Han tagged you in a post.

Na-conscious ako kung ano kaya yun kaya cinlick ko.

Baste Han: feeling in love with Airene Alonzo <3
Dear Dang,
Hi sa babaeng mahal ko <3
Gusto ko lang namang ipahayag na,
GUSTO KITA. Gusto kita kahit na noon pa man, ang manhid-manhid mo na. Hindi mo man lang nahalatang may gusto ako sayo.
Gusto kita kahit na BESTFRIEND mo lang DATI ang tingin mo sakin.
Gusto kita kahit na palagi mo na lang akong sinasaktan.
Gusto kita kahit may iba ka ng gusto.

Gusto kita. Gustong gusto kita na feeling ko nga mahal na kita. Oo, mahal na nga yata kita, Airene Gail Alonzo..

Nagmamahal sayo,
Baste.
---

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Hindi ako makapaniwala.

Talagang pinost niya pa ha? Hindi niya ba alam na baka balatan ako ng buhay ng mga fangirls niya dahil dyan?

Pero honestly, ang sarap sa pakiramdam habang binabasa ko siya. Hindi ko alam na 'yan ang nararamdaman ni Baste, ngayon lang. At ngayon ko lang din nalaman na ang manhid-manhid ko pala talaga.

Napangiti na lang ako ng kusa.

I think, we need to talk later.

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon