Airene's POV
*fast forward*
(New year's eve)[Oo. Umuwi rin kami agad ni Dad. Hinatid na nga niya ko dito samin eh. Ano pupunta ka ba dito?]
"Uhm.. Pupunta na lang ako sa inyo.. Okay lang ba? May pupuntahan kasi kami eh."
[Okay. Sige, I'll wait for you. Hehe.]
"Alright. Baba ko na ha? Babye!"
Tapos in-end ko na yung call. Tinawagan ko si Shai kasi hindi ko pa nahahatid yung gift ni Ayesha eh.
*beep*
From Baste:
Kita tayo mamaya, mahal :)Oo nga pala. Magkikita kami mamaya. Ang kulit kasi eh, sabi ko na ngang ako na lang mag-isa mamimili ng handa para sa meja noche tapos nagpupumilit na sumama. Baka daw makahanap daw ako ng iba don. Baliw! Anong kala niya sakin? Ganon? Mamimili lang ako. Handa bibilhin ko hindi jowa. Sira talaga siya. Psh.
Mga 4:00pm na ng dumating siya. Hindi naman siya late. Actually, 5:00pm ang sabi ko. Excited ba siya?
Pinameryenda muna namin siya ni mama bago kami umalis.Una naming pinuntahan yung grocery para mabili yung ibang mga ingredients na kailangan. Tapos sunod na yung sa palengke. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala dito kay Baste. Anak mayaman 'to at hindi sanay dito. Kami? Uhm.. Hindi kami mahirap. Hindi lang ako sanay don sa mall dahil taong bahay ako. Tska hello? Ang mahal kaya ng bilihin don? Oo na. Kuripot kung kuripot eh sa nagtitipid eh?
"Baste? Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya. Mukha na kasi siyang nahihilo dahil sa dami ng tao. Alam niyo na, new year kaya maraming namamalengke ngayon. "Sabi ko kasing wag ka ng mag-abalang sumama ang kulit kulit mo. Hintayin mo na lang ako ng 7/11 okay? Bawal tumanggi. Wag matigas ang ulo." kaya ayon, wala siyang palag. Hehe. Nag-aalala lang talaga ako.
Tinapos ko na yung mga bibilhin. Konti na lang naman yun eh. Kaya pinuntahan ko na si Baste sa 7/11. Aba, behave.. Kumakaim ng ice cream. Ang cute niya tignan, parang bata na binigyan ng ice cream tapos sinabihan ng mommy niya na, dito ka lang baby magbehave ka. Okay? Natawa tuloy ako.
"Nandiyan ka na pala. Bakit di mo sinabi? Saka bakit ka tumatawa?"
Nilapitan ko siya tapos pinat ko yung ulo niya. Ang sarap hawak ng bang niya. Hehehe. "Ambait ng baby ko. Pwede ng iwan. Haha!" feeling ko ako kunyare yung mommy haha.
Bigla naman siyang kumapit sa braso ko. Bale nakatayo ako tapos siya nakaupo habang nakakapit sa braso ko. "Mommy wag mo po akong iwan, please.. Bait naman ako eh." boses bata niya pang sabi.
Napangiti tuloy ako. Pininch ko yung ilong niya. "Hindi kita iiwan, baby." tinayo ko siya. "Tara, uwi na tayo."
Pero bago kami umuwi non bumili pa siya ng isa niya pang ice cream tapos binilhan niya rin ako. Marami kaming dala kaya hindi na kami naglakad. Nakagarahe lang yung kotse ni Baste sa may parking area. Rich Kid, bata pa lang may pagmamay-ari na.
Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang tanungin si Baste tungkol sa bago niyang experience. Ang mamalengke hahaha! "Uhmm.. Baste? Kamusta mamalengke? Haha!"
Sumagot siya pero sa daan lang siya nakatingin. Malamang nagda-drive. Ano? Magpapasagasa kami? XD
"It's too crowded."
"Malamang palengke."
"I know. Pero nakakahilo. Sa mall kasi kamimili eh. Mas maaliwas yung paligid. But it's my first time and it's.. Cool!"
"Nahilo ka? Cool?"
"Yeah. Kasi first time ko 'to tapos ikaw ang kasama ko."
Hindi na ko nakapagsalita. Okay, siya na talaga ang cheesy king.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...