Airene's POV
Maaga pa lang ay nandito na ko sa Library. Syempre kasama si June. Naglalakad-lakad ako at naghahahanap ng libro about Physics.
"Physics..Physics.. BINGO!" Sabi ko ng mahina. Habang hawak-hawak ko ang libro bumalik ako sa desk naming ni June.
"Antagal mo yata?" Tanong nya.
"Ah.. Nahirapan kasi akong hanapin 'to eh.." Palusot ko. Eh ang totoo nyan kasi, May nakita akong libro. Hindi ko na tignan yung title eh. Pero biglang gusto kong kunin at basahin. Kaya binasa ko. Hindi ko naman inasahan na ganun yung mababasa ko.
"Higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo.."
Yang salitang yan.. Si Baste.. Hindi kaya? May gusto sya sakin? Mahal na nya kaya ako?
"LOVE." Tawag sakin ni June.
"Ha?" Gulat na tanong ko.
"Bakit parang lutang ka ngayon?"
"Ganun ba? Pasensya na.."
"Halika nga dito sa tabi ko. Upo. Dali." Sabi nya at lumapit naman ako at umupo sa tabi nya. "May problema ka ba?" Seryosong tanong nya sakin.
"Medyo naguguluhan lang siguro ako." Sagot ko sa kanya.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong nya pa ulit.
"Ano bang ibig sabihin ng Na higit na sa kaibigan ang tingin nya sakin?"
"Ibig sabihin nun.. Mahal ka na nya." Bigla naman akong napatingin kay June sa sagot nya.
"Eh. Bakit? Paanong? Akala ko—"
"Siguro Matagal na." Napabuntong-hininga sya. "Sa tagal siguro ng pinagsamahan nyo. Nahulog na ang loob nya sayo. Hindi mo lang siguro napapansin." Bigla syang napayuko at parang may minouth sya? Hindi ko na lang inungkat pa kung ano yun at nagtanong na sa kanya.
"Hindi nya sinabi?"
"Buksan mo yung Page20." Nagtaka ako pero Binuksan ko yung libro at binuklat ito sa page20. "Law of Interaction?" Tanong ko ng mahanap ko na.
"Oo. For every Action There is an equal and opposite reaction."
"Ano naming kinalaman non?"
"Naaalala mo pa ba yung ginagawa nya dati para sayo? Yung ginagawa nyo ng magkasama?" Nag-nod ako. "Meaning. Kaya nya ginagawa ang mga iyon ay dahil sa siguro ay mahal ka na nya.. Kaya lang being a friend lang ang tingin mo sa kanya." Nag-sink in na sa utak ko yung ibig sabihin. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala..
"Ayoko munang isipin kasi baka mali." Bigla syang tumingin sakin. Tinignan ko rin sya at nginitian. "Review na tayo?" Nginitian nya rin ako.
Matapos magreview ay inaya na ako ni June na kumain ng lunch. Alam nyo na. Basta pagkain. Pinilit ko nga syang manlibre eh inatake nanaman ng pagkakuripot. Nagtaka nga ko kasi parang kahapon lang nanlibre sya tapos ngayon hindi na. Tss.
"Gusto mong ilibre kita ng Siomai atsaka Hopia?"
"Sige!"
"Sabihin mo bakit.."
"Ha? Bakit?"
"Wala lang.. I just want to SIOMAI love for you and HOPIA love me too." Bigla naman akong napangiti.
"Ah.. OK! Ililibre mo talaga ako kun?"
"Hayy. Inuna mo talaga pansinin yung pagkain kaysa sa banat ko ah. Nakakatampo tuloy." Parang batang nag-pout. Ang Cute!
"Wag ka nga mag-pout. Ang cute mo eh." Sabi ko habang pinipisil ang pisngi nya. "Tampo ka na nyan?" Tumango-tango sya. "Hayy. Para ka talagang bata. Syempre I love your banat. It's about food! Hahaha."
"Yung banat about food talaga yung love mo? Eh yung bumanat kaya?" Biro nya.
Hinampas ko naman ng mahina yung braso nya. "Tumigil ka nga. Tumatagal nagiging cheesy ka. Hahaha." Natawa na lang rin sya.
Matapos naming umorder ni June. Wala akong choice kundi ang maki-umupo sa table nila Baste. Kasama nya ang 7 lalaking kasama nyang sumasayaw nung Intramurals. Bakit ba kasi wala ng ibang space dito? Tss.
Kumakain na kami ng may biglang lumapit na 2 gilrs kina Baste.
"Kuya. Pa-picture po." Sabi nung dalawang babaeng parang 2nd year pa lang. Napatingin naman ako sa kanila habang hinihigop ang soup ko.
"Sure.." Sagot nila Baste.
"Ate. Pa-picture nga po.." Wow ha! Ang lakas ng loob ng mga babaeng ito. Tss. Ako talaga? Grabe sya! No choice naman ako kundi ang sundin ang munti nyang request. Nginitian ko sya ng sarcastic at kinuha yung tablet nya.
"One. Two. Three. *click* *Thumbs up*" Walang gana kong sabi. Ayoko kasing naiistorbo ang pagkain ko. Mukha ba kong Camera girl slash photographer? Tss. Sa ganda kong ito? Taga-camera lang ang tingin sakin? Hiyang-hiya naman ako sa itsura nila diba? Hayy. Nakakainis!
"Isa pa po pwede? Kay James lang.."
"Sige na next." Napipilitang kong sabi. Nagulat ako ng tumayo si Baste. Sya si James? Oh. Wala namang problema dun. Parang may kilala rin kasi akong James ehh..
"Game na? One. Two. Three. *click*" Boring kong pagkakasabi.
"Ok na ba? Wala na?" Tanong ko.
Bigla naming napatingin yung isang babae sa gawi ni June. "Ayy. Pwede rink ay kuya pogi?" Hoy! Hindi pwede! Hayy. Sana hindi ko na in-offer ang isa pa.
"Ok." Pagpayag ni June. Feeling Famous lang?
"Ok. Ready? One. Two. Three. *click* Oh. Yan na ha?" Boring kong pagkakasabi. Tapos bumalik na sa pwesto ko saka nilantakan yung soup. Nakakainis! Epal lang eh no? Tss.
Maya-maya lang ay may mga grupo pa ng babae ang dumating. Agad akong nag-react.
"Oh? Kayo rin Magpapa-picture? Tss. Sorry na lang pero hindi ako available." Sabi ko sabay inom.
"Huh? What is she talking about?" Taas kilay na tanong nung babaeng matangkad. 4th year rin yata tulad namin.
"Chuchuchu.. Daming sinasabi.. Kala naman hindi ako marunong mag-english.. Duh!" Mahina kong sabi.
Bigla namang sumulpot si Jean. "Hi Airene!" Bati nya sakin.
"OMG! Hello Jean!" Masayang bati ko sa kanya.
Si Jean ay Friend ko since 1st year. Classmate naming sya ni Shai nun. Pero nung 2nd hanggang ngayon hindi na.
"James. Si Airene nga pala friend ko."
"Kilala ko sya." Sabi ni Baste.
"Yeah. Ako rin.." Segunda ko.
"Airene pala name mo?" Mahinang sabi ni Baste. Seryoso ba sya? Parang kagabi lang magkausap pa kami. Porque ba nag-a-eyeglass na ko hindi na nya ko agad kilala? Tss. Bahala nga sya!
"Wow! Mabuti naman." Sabi ni Jean.
"Nga pala.. Here's June. My Best friend. June. Jean my friend."
"Nice to meet you." Bati ni June.
"Nice to meet you too." Nakangiting sabi ni Jean. "Ayy. May date pa kami ni James eh.. "
"Date?" Nagtatakang tanong ko.
"Hahaha. Sa HQ lang kami." Paliwanag nya. "Sige. Alis na kami ah.." Sabi ni Jean habang pilit na hinihila si Baste.
"Ayy. Anong oras na pala June?" Tanong ko kay June.
"Maaga pa 10:15am pa lang." Sagot nya.
"Ahh.. Punta muna tayong Library." Aya ko sa kanya saka kami umalis.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...