Airene's POV
Last text na yun ni James. Ano kayang nangyari? One week na ang lumipas mula non. Naalala ko yung nag-plug kay James sakin. Hindi ko pa nade-delete.
"FB Account! Tama! I'll add him."
Binuksan ko ang laptop ko. Tapos sinearch ko yung name nya sa Facebook.
"James... Han." Sabi ko habang tina-type yung bawat letter ng name nya. *click* At Lumabas na ang results. May kapangalan siya ahh.. Tinignan ko yung timeline nya. Wala namang naka-post ehh.. Ang DP nya,
"OMG! Si Jungkook! Fan kaya sya ng BTS?" Syempre, K-pop fan sya kaya nagustuhan ko sya. Curious na talaga akong malaman kung sino sya sa personal.
Nag-friend request na ako sa kanya. Agad agad! At, Accepted agad! Famous.. haha!
At dahil OL sya.. Nakipag-chat ako.
. Ai Alonzo: Hi. Bakit hindi ka na nagte-text?
. James Han: Hello. Namiss mo ko no?
. Ai Alonzo: Kapal..
. James Han: Djk lang. Kasi Nagpalit na ko ng sim.
. Ai Alonzo: Ahh.. Ok.
(Seen)
. Ai Alonzo: Fan ka ng BTS? A.R.M.Y.?
. James Han: Ahh.. Oo.
. Ai Alonzo: Wow! Ako rin ehh.. Sinong bias mo?
. James Han: VKOOK
. Ai Alonzo: Haha! Pareho tayo XD
(Seen)
Nag-out na sya. Ako rin. May pasok ngayon ehh.. Thursday.
@ School Canteen
Bumili ako ng ballpen. Pano naiwan ko yung ballpen ko. Nawili akong ka-chat si James kaya nakalimutan ko sa may desk ko sa kwarto.
Andaming tao! Ang iniiiiit! Ang ingaaaaayy! Tinulak-tulak ako ng mga estudyante. Nakakasingitan na! Lagi naman ehh.. Kalahating oras na siguro ako dito. Takte! Punong-puno na ng carbon dioxide!
Kaya naman pala maingay kasi nandun si... Baste!
Yes! Lumuwag-luwag na rin. Pagkakataon na to!
Ooops! Bakit parang dumami lalo yung mga estudyante?
"Gail!" Tawag sakin ni Baste.
"Ahh.. Hi, Baste?" Bati ko sa kanya. "Ang hot naman." Mahina kong pagkakasabi.
"Anong sabi mo?"
"Ah Ang hot kako. Ng panahon. Diba? Ang init." Palusot ko habang nagpapaypay gamit ang kamay ko.
"May bibilhin ka ba?"
"Ahh.. Oo ehh.."
"Ano bang bibilhin mo?"
"Ballpen."
"Ate, Dalawang ballpen nga po." Huh? Bakit dalawa?
"O. ito." Nge. Isa lang pala yung ibibigay sakin. Kala ko dalawa ehh.. -__-
Binigay ko yung bayad ko sa kanya. "Wag na. Libre ko na yan." Sabi nya tapos nag-smile sya sakin.
"Salamat." Nag-smile ako sa kanya tapos naglakad na palabas ng canteen.
Habang naglalakad ako.. Aba nagbubulungan ang mga babae at binabaeng estudyante ng school namin. Syempre pati yung mga nakasaksi kanina sa canteen. Lalo na sila! Mga possess. FRIEND LANG kami ok!
Bigla namang dumating ang mga Friends ko. Asar nanaman 'to for sure..
"Girl. Ikaw ha?" Sabi nila Shai at Ash.
"Ano? Yung kay James nanaman? FRIEND-LANG-KAMI! Gets?" Sabi ko agad.
"Hala! Grabe sya! What I mean is, Look at the bulletin board of our school. Kasali ka sa Quiz bee!"Paliwanag ni Shai.
OMG! Titignan ko yun mamayang recess. Ako talaga? Shet. Bakit ako?
"Or baka naman, may nangyari? Rinig ko ang bulungan eh." -Ash
"Bulungan? Tss. Mukha ba yang bulungan? Ehh.. naririnig nga natin." Sabi ko naman.
"Yieee! Anong nangyari?" Sabay nilang tanong.
"Bumili ako ng ballpen."
"Weh? Bumili."-Ash
"Oo nga.."
"Yung totoo. Ano nga.." Sabi naman ni Shai.
"Ok. Si Baste ang bumili ng ballpen ko. Kasi kalahating oras na yata ako dun tapos di pa ko nakakabili. Libre na nya daw." Paliwanag ko.
"Yieee! Sabi na ehh.." Sabay nanaman nilang sabi.
----
Nung recess naman.
Nakapila ako. Bibili ng pagkain ko. Nakita ko naman yung Pafamous. As is. Wearing shades and hat. Papalapit dito?
"Hoy! Ako nauna dito ahh.." Sigaw ko sa pafamous na yun. Sumisingit eh! Ano 'to? Bastusan?!
"Ako talaga nauna dito.. Kanina pa ko nakapila dito ehh.. Umalis lang ako."
"Edi dun ka dapat pumila sa likod! Umalis-alis ka tapos pag meron ng iba babalik ka? Hindi pwede yun! May atraso ka pa nga sakin eh." Sabi ko sakanya. Next na yung nasa unahan ko ayy hindi. Unahan nya. Ayy ewan! Basta yun na yun!
"Manahimik ka nga Panget!" PANGET!? Huh! Hindi ako sobrang ganda. Pero maganda ako! PANGET! Pampabwiset talaga itong Pafamous na ito ha! Nakakainis!
"Hoy! Manalamin ka muna! Baka ikaw yun!"
"Excuse me! Ang gwapo ko kaya!" Yabang naman nito!
"Gwapo? Di nga! Di halata eh.." Gwapo naman talaga sya. Kaya lang.. "Ang panget kasi ng ugali mo!"
"Hoy! Kayo!" Sigaw ng tindera. "Bibili ba kayo?"
"Opo! Isang Burger at Tubig nga po."
"Gaya gaya!" Sabi ko.
"Luh? Ikaw ng yung gumaya dyan eh!"
"Hoy manahimik nga kayo! Ang ingay nyo eh!" Sabi nung nasa likod namin. Wala na pala kami sa tamang pila.
"Ikaw!" Tawag nung tindera sa lalaking nagsalita. "O kunin mo na to. Wala naman sa pila yung dalawa ehh.." Lumapit naman yung lalaki tapos kinuha yung in-order namin. Ganun din kasi ang order nya.
Agad namang bumalik kami sa pwesto namin. Ayy mali. Ako na kasi ang nasa una eh. Kaya.. Binelatan ko si Pafamous!
"Ito na." Sabi ng tindera habang inaabot ang Burger at Tubig ko. Binelatan ko ulit si pafamous. Hindi nalang ako pinansin. Napikon ata! Hahaha!
Ang saya nun ah! Masaya siguro to maging friend. Tapos asarin mo lagi tapos mang-aasar din sya tapos sya din mapipikon! whahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/58132750-288-k996068.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...