Airene's POV
[A/N: Pangalan ng character hindi date.]
Akalain mong si Baste? Magaling sumayaw? Grabe ang tilian ng mga girls! Pag si Baste ang nasa front! Famous talaga saya! Grabe sya! Parang parang kailan lang. Ordinaryong tao lang siya noon tapos famous na sya ngayon? Hayy. Iniwan na nya ko :(
"Girl!"
"Oy Girl!"
"Ah ganun ha?" Sabi ni Shai na tumatango-tango pa. "SUNOG! MAY SUNOG!!!"
"Waaaa! Saan!!!" Kinakabahan kong sigaw.
"HAHAHA! Nakakatawa ka! HAHAHA!" Lol 'tong si Shai at Ash -_- Nakaka-Bad trip!
"Hindi nakakatuwa!"
"Sorry na! Kanina ka pa namin tinatawag tapos hindi mo kami pinapansin." Paliwanag ni Shai. Eh di ko kasi talaga sila maririnig. Nasa dreamland ako. Panira talaga! Nagde-day dream pa ko eh! Ano 'to? Bastusan! Ka-beastmode!
Recess na nun kaya pwedeng lumabas ng room. Pumunta ako sa may Spazz Building kung saan daw nakapaskil ang name ko sa bulletin board.
"Tama nga sya. Kasali ako sa quiz bee." Sabi ko ng mahina. Biglang may tumabi sakin. Napatingin ako sa kanya. OMG! Si June! Nakatingin lang rin sya sa list. Tumingin naman ako sa tinignan nya. Omy! Kasali rin sya!? Destiny! Lols! hahahaXD
Samantala, bumalik ako sa room ng nakangiti
"Oh? Ba't ang saya mo na? Di ka na galit samin?" Tanong ni Shai sakin.
"Hindi na." Sagot ko.
"Anyare?" Sabay nilang sabi tapos nagtinginan.
The next day, Wala akong kamalay-malay na quiz bee na pala ngayon. Hindi tuloy ako nakapag-review! Kaasar!
Pumunta na ako ng AR or Activity room. Nandun na silang lahat ako nalang yata yung wala eh! At abat! Nandun si June! Nagsasagot na sya!
Inabot na sakin ng teacher yung test! How easy! haha! Konti lang.. Inspired kasi ako ngayon eh.
Tumayo si June. Tapos na sya agad? Grabe sya! Sya nauna sa lahat? Or baka late lang talaga ako. Ah basta! Magaling parin sya!
Lumabas na sya ng room. Nang matapos naman ako ay pinasa ko na ang answer sheet kasama ang quetionaire. Nagulat ako ng nandoon pa si June. 10 mins. na ang nakalipas ah? Bakit nandito pa sya? Kunyari na lang at hindi ko sya napansin. Dire-diretso lang akong naglakad sa harap nya. Nagulat ako ng hawakan nya ko sa wrist ko. Nakukuryente ako! Enebe! *dugs dugs dugs* heartbeats..
"Sandali lang." Sabi nya ng mahina pero narinig ko naman.
Pumunta kami saglit sa canteen. Nag-usap.
"Alam mo parang kilala kita?" Wow! Talaga lang ha? Kahit nagkita kami nung intrams? Malamang kilala nya ko. Hayy.
"Hindi. Kasi bago yun.. Ikaw yata yung nasa panaginip ko." Huwaw! Lakas pala magdey-dream ni crush! Dinaig pa ko.
"I'm not kidding." Serious nyang pagkakasabi. Teka? Nababasa nya ba isip ko? Hindi naman ako sumasagot sa sinasabi nya ah?
"Halata na kasi sa mukha mo." Kita mo 'to. Hayy. Magsasalita na nga ko! Para akong nae-engkanto eh.
Tumayo sya bigla ng akmang magsasalita na ko. "Sige. Babalik na ko sa klase namin. Ikaw rin. Kita na lang tayo ulit kapag naniniwala ka na akin. Bye."
No choice ako. kahit gusto ko pa sya kausapin. Hindi na pwede dahil may long test kami ngayon. Ok na ko. Masaya na ko dahil feeling ko magiging close rin kami ng Ultimate crush ko! whahaha!
***
A/N: June Wayne dela Cruz at MM :)
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...