Chapter 1

67 8 0
                                    

Pinasok ko na ang aking sasakyan sa aming gate at bumaba. May sumalubong sa akin na driver nina mommy at daddy at binigay ko sa kanya ang susi para ipasok ito sa loob. Naglakad ako papunta sa main door at tinanggal ang aking sunglasses. Binuksan ng aming katulong ang main door.

"Nasaan po si mommy?" Tanong ko kay Ate Lina na nagbukas sa akin.

Hindi pa nakakasagot si Ate Lina at narinig ko na si mommy sa taas at galit na galit na naman sa telepono. Sabay bumaba ang aking aso na si Ophelia at sinalubong ako. Hinaplos-haplos ko naman ang ulo ni Ophelia at niyakap siya.

"Nandyan ka na pala, Kylie." Sabi ni mommy habang binaba ang kanyang telepono. "Ipaghain niyo nang makakain ang anak ko." Utos niya sa aming kasambahay.

Dali-dali akong umakyat at hinalikan sa pisngi si mommy. "Bakit galit na galit ka na naman? Ano pong meron?" Tanong ko habang sabay kaming bumaba.

"Wala iyon. It's about work lang. Don't worry about it, honey." Sagot niya sa akin at ngumiti. Pumasok kami sa aming kitchen upang makuha na ang aking pagkain dahil gutom na gutom na ako. Saktong pagkarating ko naman ay natapos na ding ihanda ang aking pagkain.

"Today is your last day of school right?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. "So, how's last day of school?" Pangalawang tanong naman sa akin ni mommy habang may kinukuha sa refrigerator namin.

Sumandal naman ako sa countertop habang hawak-hawak ang vegetable salad at ang tinidor. "It's good... Finally done with school." Sabi ko at kumain at nginuya ito. "My friends and I are actually planning to go to the beach for a week." Dagdag ko.

"The beach?... For a week?" Pag-ulit niya sa aking sinabi. "When are you going to go?" Tanong niya uli sa akin.

"I don't know. We're still planning it. Why?" Sagot ko at kumain uli.

"Nothing. I just wanna know cause I'm your mother." Sabi naman niya sa akin. "Your dad's gonna be home next week. Don't you want to go out with us?" Masayang tono ni mommy.

"Oohh, really? Where did he went this time?" Sa dinami-daming lugar na pinupuntahan ni daddy, hindi ko na alam kung saan siya minsan pumupunta at lagi din siya kasing umaalis.

"Sa Australia lang naman siya nanggaling ngayon." Sagot niya at humalakipkip at sumandal sa tapat ko. "Don't you want to go out and play golf?" Tanong niya uli sa akin.

"I'm fine with golf. Sure. You set the date nalang po. Kung kailan po kayong dalawa ni daddy pwede." Sabi ko. Ang bait ko talagang bata. Haha. Inubos ko na ang aking pagkain.

"Okay, dear. You go and change now." Sabi sa akin. Sinunod ko naman si mommy at umakyat.

Pagkadating ko sa aking kwarto ay umupo ako sa aking sofa. Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone kaya agad ko itong kinuha. Nakita kong marami nang text si Megan sa akin kaya inislide ko ang screen ng phone ko.

Megan Villanueva 👭:

Kylie, are you coming later?

Rob's not coming. Don't worry. And the party will be at Valkyrie. 10 PM.

Hello? Are you there?

Kylie?

Kylie Gonzales. I command you to reply to me.

Kylie!!

KYLIE. Hellooo??

Fine I give up. 😭

Ngayon ko lang nabasa yung mga messages niya dahil hindi ko napansin na kanina pa pala siya nagtetext sa akin. Nireplyan ko agad siya.

Ako 👸🏼:

Megan, sorry ngayon ko lang nabasa yung texts mo sa akin. Di ko namalayang nagtext ka pala sa akin. Yeah, I'll go later.

Iyan ang nireply ko sa kanya. Nagreply naman agad si Megan sa tinext ko sa kanya.

Megan VIllanueva  👭:

Okay, see you later! 😊

Iniwan ko na lang ang aking cellphone sa aking kama at tumingin sa oras. 5 pm pa lamang.  Dumiretso na ako sa aking walk-in-closet upang magpalit at mamili na kung anong susuotin mamayang gabi kahit matagal pa iyon para nakahanda na tsaka matagal din akong mamili kung anong susuotin kasi maarte ako sa damit.

Lumipas na ang 1 oras at di pa rin ako nakakahanap dito kung anong susuotin para mamaya. Pinag-iisipan ko kung magbla-black ako or kung magro-royal blue. Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin kung alin ang mas bagay. Mukhang mas bagay sa akin ang itim kaya ito na lang ang pipiliin ko. Now, I'm gonna have to deal with shoes and bags.

Makalipas na ang ilang oras ay nakahanap na din ako ng masusuot para mamaya. Tinignan ko ang oras at 7:38 pm na. Bumaba na ako sa kitchen namin at kumuha ng tubig. Sumalubong sa akin si Ate Fiona.

"Ma'am Kylie, pinapasabi po pala ni ma'am na kumain na daw po kayo, umalis po siya kasi kanina. Hindi ko na po kayo inabala kanina kasi baka po nagpapahinga kayo." Sabi niya sa akin. Ang bait talaga ni Ate Fiona.

"Ahh, okay lang yun, Ate Fiona. Hindi na ako kakain. Kumain naman ako ng meryenda kanina. Busog pa naman ako. Salamat na lang po. Kayo po kumain na po ba kayo?" Sagot ko.

"Opo, kayo na lang po ang hindi kumakain eh." Sagot niya.

"Ah, sige. Busog pa naman ako."  Sagot ko uli sa kanya.

"Nagdi-diet ka ba?" Sabi nung boses nung nasa likod ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang kapatid kong si Louis.

"No." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Dang! You look beautiful." Sabi niya sa akin. Kilala ko 'tong kapatid ko, sigurado akong may kailangan siya sa akin.

"Alam ko, matagal na akong maganda." Sinakyan ko na lang yung sinabi niya.

"Can I borrow your car?" Tanong niya agad sa akin habang ngumingiti. Oh di ba? Tama nga ang hinala ko.

"No." Mas lalong malakas na boses kong sagot sa kanya.

"Whatt? Why?" Nagmamakaawang tono niya sa akin. "Pleaseee."

"Cause I'm going out later and besides what happened to yours?" Sabi ko.

"I... Kinda... You know... Crashed it?" Mabagal niyang sagot sa akin habang umiiling-iling.

"WHAT! But your car is like a month old. What happened?" Wala talagang pakialam magdrive tong kapatid ko. Sigh.

"It got boom then crash the sound of my car." I nodded at him. Nakuha niya pa talagang magbiro kahit ganun na ang nangyari, buti walang nangyari sa kanyang masama.

"Seriously." Nakakairita talaga tong kapatid ko kahit kailan. Napailing na lang ako sa kanya.

"Fine. I'm grounded." Lakas loob niyang sinabi. "My key isnt with me. It's with mom." Iyon naman pala... Lumabas ang katotohanan.

Pinagtawanan ko siya. "Yan, kasi! Masyado ka kasing pa-bad ass kaya ka nagrogrounded." Sabi ko sa kanya. Iniwan ko na siya mag-isa doon at umakyat uli sa aking kwarto.

Habang nag-iintay ng oras ay nanood na lang ako ng TV. Biglang nagring ang cellphone ko at nakita kong si daddy ito kaya sinagot ko agad. Nag-usap muna kami ni daddy nang medyo matagal at sinabi ko na din sa kanya na nagyaya maggolf si mommy pagdating niya. Matapos ang usapan namin ay binaba ko na ang tawag niya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Tinignan ko ang oras at mag-10 pm na. Dali-dali na akong nagbihis at nag-ayos. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at pumunta sa parking lot upang kunin ang sasakyan ko. Pinaandar ko na agad ito at pinaharurot. Late na ako sa party. Nakita kong may mga ilang text na naman sa akin si Megan. Pagdating ko na lang sa Valkyrie ko siya tatawagan.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon