Chapter 3

39 7 0
                                    

Minulat ko na ang aking mga mata. Ang sakit ng aking ulo. Hangover. I shouldn't have drank too much. Narinig kong nagbuzz ang aking phone kaya kinuha ko kaagad ito. Una ko agad nakita na 11 AM na pala. Nakita ko din na may number na di ko kilala ang nagtext sa akin.

Unknown Number:

Good morning Kylie! Gising ka na ba?

I don't have any idea who this person is. And how come this person knows me?

Ako:

Who is this? How did you get my number?

Nilapag ko ang aking cellphone sa aking kama at bumangon na. Pinilit kong bumangon dahil kapag hindi pa ako bumangon lalong sasakit ang aking ulo. Pumunta na ako sa aking CR at naghilamos at nagtooth brush. May narinig akong kumatok sa aking pintuan.

"Pasok." Sabi ko sa kumatok. Narinig kong bumukas ang pinto.

"Buti naman at gising ka na... Kanina ka pa natutulog eh! Kumain ka na doon sa baba." Sabi ni Louis sa akin.

"Oo, pababa na." Sagot ko sa kanya. Lumabas na ako sa loob ng CR at huminga nang malalim. Inayos ko muna ang aking higaan bago bumaba. Kinuha ko ang aking cellphone at biglang may nagtext uli sa akin. Nakita ko ay ito yung di ko kilalang number. Kanina pa palang 5 mins yung text niya, nagnotif lang uli yung message sa akin.

Unknown Number:

Oh yeah! Sorry, I forgot to tell you who I am. I'm James from last night. This is my number. 😉

OK WHAT. HOW DID HE GET MY NUMBER? IM GOING INSANE. SIGURADO AKONG HINDI AKO TITIGILAN NITO.

Ako:

Oh, sorry this isn't Kylie. My name is Tiffany.

Ito na lang ang naisip kong palusot sa kanya para hindi niya na ako matext. Ilang segundo palang ang nakakalipas at nagreply na agad siya sa akin.

Unknown Number:

Mahilig ka ba talagang magpalit ng pangalan mo? Ayaw mo ba sa pangalan mo? Bagay nga sayo eh! Pero mas bagay kung Kylie Williams.

Ugh. Paano niya nalaman na ako talaga yung katext niya? And why wont he quit hitting on me?

Ako:

K. bYe. 👋🏻

Hindi ko na dinala ang aking phone pababa dahil baka magtext pa siya sa akin. Baka lalong masira ang umaga ko. Bumaba na ako sa dining room namin at kumain na. Nakita kong kababa lang uli ni Louis kaya inaya ko na din siyang kumain ngunit sabi niya busog pa daw siya at mamaya na lang daw siya kakain ng tanghalian. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang aking pinagkainan at umakyat na uli sa aking kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko ay narinig kong may tumatawag sa aking cellphone kaya dali-dali ko itong kinuha. Nakita kong si James ito. Naka-5 tawag na pala siya sa akin. Buti hindi ko dinala to sa baba kasi kung dinala ko ito sa baba baka di ako makakain nang maayos dahil naiirita ako sa kanya. Nakita ko din na may text pa siya sa aking isa ngunit di ko na lang din ito pinansin. Tumawag pa uli siya sa akin pero dinecline ko ang kanyang tawag. Inislide ko ang screen ng aking cellphone at tinext siya.

Ako:

Please stop. Please.

Unknown Number:

I'm sorry but I just want to talk to you.

Pagkatapos kong makuha iyong reply niya ay agad agad ko nang blinock ang kanyang number para di ako makatanggap ng messages o kahit ano man sa kanya. Naligo na ako pagkatapos nun. Pagkalabas na pagkalabas ko sa CR ay namili na ako ng aking susuotin. I feel like going out today. I think I should probably go and text Luke or Megan. Kinuha ko ang cellphone ko upang itext silang dalawa pero hindi sumasagot si Megan at ang nagreply lang ay si Luke.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon