Chapter 41

8 0 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nung pumunta dito yung babae at ginulo yung buhay ko. Pabalik-balik siya dito sa amin at nagmamakaawa na makita daw ako sabi nung mga kasambahay at guards namin ngunit dahil inutusan ko nga silang huwag palapitin sa akin ay pinagtatabuyan din siya ng mga guards. May isang araw ay umuulan nang malakas pero hindi pa rin siya umalis. Nakita kong binigyan naman siya ng payong ng kasambahay namin pero hindi ko na lang iyon pinansin. Bahala ka dyan sa buhay mo. Ginusto mo yan eh.

"Ma'am Kylie?" Napatingin ako sa kung sino ang tumawag sa akin. Si Manang Olivia lang pala.

"Bakit po?" Nginitian ko si manang.

"May tumawag po. Kayo po ang hinahanap." Binigay sa akin yung telepono namin. Hindi ko muna ito tinanggap dahil baka yung babae na naman iyon.

"Sino daw po iyan?" Tanong ko bago ko tanggapin yung inaabot niyang telepono. Mabuti na at sigurado.

"Kaibigan niyo daw po siya." Nung pagkasabi sa akin nun ay di naman na ako nagdalawang isip na tanggapin yung telepono at umalis na din naman sa harap ko si manang.

Nilagay ko ang telepono sa aking tainga. "Hello? Who is this?" Wala namang sumasagot sa kabilang linya pero inulit ko uli ang pagsagot ko. "Helloooo?" Wala pa rin naman akong naririnig na sumagot pero may narinig akong nagbuntong hininga sa kabilang linya. "Uhm, if you're not going to answer me I'm gonna have to end this call now." Inintay ko muna siyang sumagot bago ko ibaba. Nagkibit-balikat na lang ako at binaba ang tawag.

Ang weird! Sino yung tumawag? Paano niya nalaman ang number namin sa telepono? Nakakakaba naman yun. Nakakatakot. Binaba ko na lang ang telepono sa aking desk.

These past few weeks, stressed ako masyado sa mga nangyayari. I miss James. I miss him so much. Hindi ko iyon itatanggi kung mayroon mang magtanong sa akin. Inaamin kong namimiss ko siya dahil every time na nasa isip ko siya, kumikirot ang puso ko. Gusto ko siyang makita ngayon. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang yakapin ngayon. Gusto ko siyang makausap. Miss ko na yung mga ganung moments namin ni James. I am really so so happy whenever I'm around him pero simula nung pinalayo ko siya sa akin, I feel so low. I feel like a part of me is missing. I need him more and more each day. It's not supposed to feel this way but I don't know.

Napapikit ako ng mariin. Kailangan ko magrelax. Ang dami nang nangyayari. I think I deserve to go shopping para naman matuwa ako.

Dala ko ang sasakyan ko papunta sa Eastwood ngayon. Nagpaescort ako sa mga guards palabas ng gate namin dahil alam kong nandoon yung babaeng nanggugulo ng buhay ko. Pinaharurot ko ang aking sasakyan ng makalabas na ako ng gate at tama nga ang nasa isip ko na nandun siya. Tumakbo pa siya para habulin ang sasakyan ko pero sa sobrang bilis ko syempre hindi niya na ako naabutan.

Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot pagkadating ko sa Eastwood. This is a me time for now. Lumabas ako sa mall ng Eastwood at napagdesisyunan na pumunta sa Marks & Spencer. Maganda naman ang mga damit nila. I like their style. And I also love their buscuits! That's like one of my favorite foods. Di din naman ako nagtagal doon sa store na yun at nagbayad ng mga napiling damit. Pumasok uli ako sa mall para naman maghanap ng magandang store. Nakita kong may Jellybean nga pala dito. Ang gusto ko naman sa store na ito ay yung mga sapatos nila. Maganda din siya. Stylish yung mga sapatos nila.

After that, para masatisfy ko ang aking sarili for today, pumunta ako sa Starbucks para bumili ng makakain tsaka ng iced coffee. Umupo ako sa table na katabi ng glass. Lagi akong umuupo sa mga gilid, mas feel ko ang coffee shop kapag nandito ako. Kinuha ko ang tinidor at knife ko para simulan na ang pagkain ng donut. Hiniwa ko ito at sinubo. Nagtagal din naman ako doon ng halos kalahating oras. Mabilis lang naman ako kumain. Natagalan lang ako sa pag-inom ng iced coffee. Doon ko kasi siya sa loob inubos tsaka nagstay din ako saglit doon.

Lumabas ako ng mall para magstay doon sa parang park yung may malapit sa fountain. Napag-isipan ko munang magstay muna doon para makapag-isip sa lahat ng nangyayari. Umupo ako doon sa isa sa mga bench doon. Tama nga din naman si Megan. Kaya ko namang solusyunan ang problema ko kay James. Ako lang tong parang sira. Kaso natatakot akong pagbumalik ako sa kanya baka hindi niya na ako tanggapin uli. Natatakot akong mareject. Natatakot akong masaktan.

Napatingin ako sa aking gilid. Nanlaki ang aking mga mata. Nakita ko si Katie. Napangiti ako dito. Nakadress siya at nakabonet na pink. Maputla siya pero mukha naman siyang masaya. Tumatakbo siya. Gusto kong lapitan siya para yakapin kasi matagal ko na siyang hindi nakita. Halos isang buwan at kalahati ko siya hindi nakita kaso natatakot ako baka kasama niya si James. Hindi pa ako handang makita siya. May sumunod na babae kay Katie na mukhang kasing edad ko lang din at pumunta sa harap ni Katie. Maputi naman yung babae pero mas maganda ang kulay ng balat ko sa kanya. Maganda din naman ang features ng mukha niya at makinis siya. Sumigaw naman at tumakbo papalayo sa kanya si Katie ngunit nakita ko si James ay biglang dumating at kinuha si Katie. Nginitian ni James ang bata. Lumapit yung babae kay James. Mukha silang nagkakatuwaan. Kasama ni James yung babae? Kumirot ang puso ko doon. Nakita ko din na hinawakan nung babae yung kamay ni James.

Wow ha! Happy family na ang peg niyo nyan? Nawala lang ako ng isang buwan may kapalit na kaagad ako James? Akala ko sabi mo mahal mo ako? Mahal ba ang tawag mo dun? Nakakadiri naman yung pagmamahal mo. Ang babaw. Dapat hindi ako nasasaktan ng ganito. Akala ko may something special ako kay James kasi kilala ako ni Katie at ng buong pamilya niya tapos ano tong nakikita ko ngayon? Hindi lang pala ako yung ganun. Tanga mo, Kylie eh! Alam mo na nga eh, umasa ka pa.

Pakiramdam ko tuloy ay may papatulo nang luha sa aking mga mata. Tumayo na ako sa aking kinakaupuan at pumunta na ng parking lot para umuwi na. Hindi ko na kayang makita iyon. Siguro nga ay mahal ko siya kasi kung hindi ko siya mahal hindi ako masasaktan ng ganito. Ang sakit palang magmahal. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Bakit ko sinayang ang chance ko sa kanya? Nagsisisi ako sa ginawa ko. Alam mo yun? Nakita mo sila kanina na sobrang saya tapos bigla mong naisip na nasa sayo na siya pero kasi tanga ka kaya nawala pa siya sayo. Pinakawalan mo pa.

Ito yung sinasabi ko sa sarili ko eh. I don't want to be attached to someone kasi alam mo kapag nawala siya para kang nakabitin sa ere at di mo alam gagawin mo. Pwede ba kaming bumalik sa dati dahil miss na miss ko na siya? I don't want to miss him like this. I hate this feeling. I dont want to need him like this. Kung alam ko lang dati ang alam ko ngayon, I would never played nonchalant. I want him back. James please come back. This is falling in love in the cruelest way. Pakiramdam ko magkakaroon na ako ng break down dahil sa mga nangyayari. This is just so not fair.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon