Chapter 46

8 0 0
                                    

"Oh Kylie, don't forget, may runway pa kayo next week. Titext na lang uli kita next week to remind you." Sabi ni Lily sa akin bago kami umalis ni James.

"Sige! Salamat ah! Mauna na kami." Paalam ko kay Lily.

Nakita ko si Daniel na kasama sina Nick at Troye na nag-uusap at ilang hakbang lang naman ang layo sa amin. Nginitian ko siya at kumaway na ibig sabihin aalis na kami. Ngumiti din naman siya pabalik sa akin.

"Tss." Selos na naman ata tong James ko. Hindi ko naman intensyon na paselosin siya eh. Sadyang magkaibigan lang talaga kami ni Daniel at sa pagkakaalam ko, may ibang gusto naman ata si Daniel kaya impossible naman atang magkagusto siya sa akin.

Pumunta kami sa sasakyan niya. Nakasimangot pa din yung isa. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya sumakay na ako sa front seat niya. Umikot naman siya para makasakay sa driver's seat.

"Biyernes Santo ba ngayon? Kung makasimangot ka parang wala nang bukas ah?" Biro ko sa kanya habang siya ay nagdadrive.

"Look. I dont want to sound so possessive but please stay away from guys, especially that Daniel..." Sagot niya sa akin.

"What's wrong being friends with him? Wala naman akong gusto sa kanya at tingin ko naman ay ganun din siya sa akin. Di ka ba nagtitiwala sa akin?" Dang. I know I sounded like I'm his girlfriend pero kasi naman wala naman talaga ako hidden desire kay Daniel. Kahit katiting wala.

"Sayo, syempre meron. Pero sa mga lalaking nasa paligid mo at lalo na dun sa hinayupak at ugok na yun, wala." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. "Kelan nga uli ang runway mo?" Pagbago niya ng usapan namin.

"Next week. Sasama ka?" Alam ko namang sasama siya kahit hindi ko na tanungin iyon sa kanya. Pero okay lang din naman iyon sa akin, walang problema.

"Anong suot mo sa runway niyo?" Tanong niya sa akin. Shoot. Di ko alam kung ito yung nabanggit sa akin ni Lily na lingerie or ito yung collection ng isang bagong clothing store.

"Di ko alam eh." Sabi ko kay James. "Wag ka nang sumimangot." Pagpupumilit ko sa kanya.

Tumingin lamang siya sa akin. This time, ako naman ang humawak sa kanyang kamay. Nginitian ko siya at sinuklian naman niya iyon.

Tutal ay di pa naman naggagabi ay napagdesisyunan namin muna gumala. Hinawakan niya ang aking kamay habang kami ay nag-iikot-ikot dito sa mall. I didn't mind it. I like him holding me.

"Do you want to eat? Nagugutom ka na siguro." Tanong niya sa akin ng nasa elevator kami. Kami lang naman dun ang nasa loob kaya rinig na rinig mo ang boses niya na nangingibabaw.

"Yeah." Iyon lamang ang sinagot ko sa kanya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya uli.

"Kahit saan." Simpleng sagot ko uli sa kanya.

"Okay then." Ngumisi naman siya sa akin.

Tutal ay magkahawak kami ng kamay nitong si James ay kung saan siya papunta ay sinundan ko na lamang siya. Tumigil kami sa harap ng isang sosyaling restaurant.

"Table for 2 please." Sabi ni James doon sa nag-aassist.

"This way, Sir, Ma'am." Tinuro sa amin ng waiter yung table namin.

Pinaglahadan ako ng upuan ni James. Umupo ako doon. "Thank you." Siya naman ang umupo sa kanyang upuan na nasa harap ko lang naman.

Binigay sa amin nung waiter yung menu at umalis muna saglit.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad kaagad sa akin ang meat. Nah. I dont like it. It will make me look fat. Nang mabuklat ko na lahat ng pages sa menu ay wala man lang akong nakitang vegetables doon. Halos puro meat. Meron mang vegetables ay sahog lang iyon doon sa pagkain.

"They dont have any vegetables here." Sabi ko kay James habang siya naman ay nakatingin sa menu. Bumaling siya sa akin ng tingin.

"I know. That's why I brought you here. Puro na lang kasing damo kinakain mo." Ngumisi siya sa akin.

"Fine." I think this day will be my cheat day I guess. Sinira ni James diet ko. Wala naman na din akong magagawa dahil nandito na din kami.

Pinili ko ang pinakakonti ang serving dahil ayokong tumaba. I'm a model. I don't want to look like a cow and I have a runway next week. Paniguradong tataba ako kapag kain ako ng kain ng ganito.

Kinain ko ang pagkain ko at ganoon din naman si James sa kanya.

"Pwede ba nating bisitahin si Katie bukas?" Naalala ko yung bata.

"Oo." Nakita kong nanlungkot yung mukha niya doon. Kakaonting araw na lang ang natitira parra makasama namin siya. Alam kong sobrang sakit din iyon kay James dahil sobrang close sila ni Katie. Kung ako nga na hindi ko gaano katagal na nakasama siya, sobrang nalulungkot na ako.

"Balak ko sanang bilhan muna siya ng prutas o ng paborito niyang pagkain bago tayo pumunta doon bukas." Sabi ko sa kanya.

"Sige." Ngumisi siya sa akin. Alam kong pilit lang iyon.

Dahil alam kong masakit iyon para sa kanya, pinili ko na lang na huwag na lang muna iyon pag-usapan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Maya-maya ay nagvibrate ang aking phone.

Daniel:

Hey Kylie! Are you free tomorrow?

Aww. Hindi ako pwede bukas eh. Bibisitahin ko si Katie.

Ako:

Hi Daniel! Sorry hindi na ako nakapagpaalam sayo kanina ng maayos. Nagmamadali na kasi kaming umalis. And no, I'm visiting someone on the hospital tomorrow. Why were you asking? :)

Daniel:

Aww! :( Do you want me to go with you? I mean if it's okay with you. :)

Ang bilis naman niya magreply. Parang wala pa atang 15 seconds ay nakapagreply na agad siya sa akin.

Tumighim si James kaya napatingin ako sa kanya. Tinapos ko na lang muna ang pagkain ko bago ko nireplyan si Daniel.

Ako:

No, I'm fine, Daniel. Okay lang tsaka baka magtagal din kasi kami doon. Baka mainip ka lang.

Daniel:

Kami? Who are you with?

Ako:

I'm going with James.

Daniel:

Is he your boyfriend?

Bakit lahat ba inaakalang boyfriend ko tong si James. I mean I like him so much and I know his courting me pero haha hindi ko pa nga siya sinasagot eh.

Ako:

He's my friend. :)

Ilang segundo lang uli ang nakalipas ay nagreply agad siya.

Daniel:

Oh! Good then! :)

Napaisip ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa din sinasagot tong si James kung alam ko din naman na sa sarili ko na mahal ko na siya.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon