Chapter 43

7 0 0
                                    

Pumunta kami sa food court nila dito. Marami ka namang pagpipiliang kakainan. Mga mukhang masasarap naman sila.

Habang kumakain kami ni James ay ni isa ay walang nagsasalita sa amin. Kung ako na lang kaya ang mag-umpisa ng conversation namin?

"Uh.." Kinakabahan ako na ewan. Tumingin siya sa akin. "Anong nangyari kay Katie? Kanina ko lang nabalitaan na nakaconfine siya eh." Buti naman at may lakas ako para sabihin iyon.

"May leukemia kasi siya." Bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkain.

"Oh..." Nakakaawa naman si Katie. "Sabi ni Lauren sa akin kanina na..." Napahinga muna ako ng malalim bago ko itinuloy. "May taling na daw yung buhay niya." Nalulungkot ako. Kahit saglit lang kami magkasama ni Katie, masakit pa rin siya sa akin kasi favorite ko siyang bata at pamapamangkin.

"Oo. 1 linggo." Nagulat ako doon kasi sobrang konti na lang ng araw niya.

"I'm sorry." Bumaba din ang tingin ko sa aking pagkain. Tinuloy ko ang pagkain ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Awkward silence na naman kaming dalawa ngayon at medyo nagkakailangan.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko sa kanya ng hindi tumitingin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong napatingin siya sa akin.

"Okay lang naman ako." Syempre. Okay lang siya. Nakamove on na nga agad sa iyo eh! Tanga mo, Kylie! Alam mo na nga yung sagot tapos tatanungin mo pa. Sinasaktan mo lang sarili mo. "Ikaw? Kamusta ka naman?" Ako naman ang napatingin sa kanya.

"I dont know. I mean..." Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko din kasi alam ang sagot sa tanong na yan eh. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Tinuloy niya lang ang pagkain niya na parang hindi siya nag-aalala sa akin. Ang cold niya na sa akin. Kasalanan mo naman yan, Kylie. Tiisin mo. Napahinga ako ng malalim. "I miss you." Lakas loob kong sinabi sa kanya. Napatigil siyang kumain at tumingin sa akin.

Iniintay ko kung anong reaksyon niya sa aking sinabi. Nakatitig lang siya sa akin. Syempre, anong ineexpect mo magsasabi din siya ng i miss you sayo? Kapal mo din eh no?

Bumalik na lang ako sa pagkain ko dahil hindi na ako umasa na sasagot pa siya. Dapat pala hindi ko na lang iyon sinabi. "What did you say?" Tanong ni James sa akin. Tinignan ko siya at nakangiti na ang mokong. Akala ko galit na siya sa akin. Para akong nabunutan ng tinik sa nangyari.

Napangisi ako sa kanya. "Wag mo nang ipaulit sa akin." Nahihiya pa din ako sa kanya kahit papaano.

"Oh common, Kyles! Ngayon na nga lang uli tayo nagkita eh!" Tuwang-tuwa naman siya. I miss him calling me Kyles.

"Fine! I missed you.... So freaking much." Dinagdagan ko ang sinabi ko kanina. Thats the truth.

"I missed you too more than what you think." Ngumiti siya sa akin. Napangiti din ako sa kanya.

Dahil doon sa nangyari, natanggal na ang pagkakailangan namin ni James. Kwentuhan na uli kami ng kwentuhan. Grabe! This feels like ages ago kahit one month lang naman ang lumipas.

"Nakita ko kayo nung nakaraan pa ni Katie..." Inopen ko na din yung topic na yun dahil pakiramdam ko kapag hindi ko yun inopen sa kanya ay di tatahimik ang kaluluwa ko.

"Talaga? Saan?" Tanong niya.

"Sa Eastwood. May kasama kayong babae. Maganda. Girlfriend mo?" Okay. Ito na yun. Dito ko na maririnig ang kasagutan niya. Dito ko malalaman kung maglalaslas na ako mamaya.

Ngumisi siya sa akin at hindi sumagot. Silence means yes so siguro nga oo iyon. Parang nabunutan ako ng tinik kanina tapos naman ngayon nawasak mundo ko.

"Alam mo ang cute mo pa rin magselos." Napatingin ako sa kanya. Hindi na ako umimik sa kanya dahil totoo ngang nagseselos ako doon sa babae. "Wag kang mag-alala. Kaibigan ko lang yun. Family friend." Sus. Palusot pa. Kaibigan tapos holding hands.

"Kaibigan tapos magkaholding hands... Tss. Dami mong alam." Mahina lang ang pagkakasabi ko nun at hindi ako nakatingin sa kanya nung binitawan ko ang mga salita ko na iyon para hindi niya mahalata.

Nakita ko sa aking peripheral vision na nakatingin na siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya at nginitian na lang siya na parang wala akong sinabi.

"Ano yun?" Nakangisi yung mokong.

"Ha? Ang alin?" Nagkukunwari akong walang nangyari.

"May sinabi ka eh! Pakiulit nga." Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"Ha? Ako? May sinabi? Wala ah!" Umiling iling ako habang todo tanggi ko na wala akong sinabi.

"Tss... Kung yung paghawak niya ng kamay sa akin dun sa Eastwood yung iniisip mo, pinapaalam ko lang sayo hindi niya yun sinasadya. Akala niya daw paa ni Katie yung nahawakan niya." Magpapalusot pa nahuli na nga.

Hindi ako umimik na lang uli sa kanya. Naiinis ako bakit ganito na lang lagi ang epekto niya sa akin.

"Oi. Wag ka nang magselos. Alam mo namang ikaw lang mahal ko eh." Napangiti ako sa sinabi niya sa akin. Kinikilig ako. Alam kong namula ako doon. Hindi ko na maitago ang feelings ko.

"Di ako nagseselos no." Umirap ako sa kanya. Alam kong kahit sabihin ko iyon sa kanya ay hindi siya maniniwala sa akin.

"Tss... Tara na nga." Umalis na kami doon sa food court.

Habang naglalakad kami ay nagsimula akong makipag-usap sa kanya. "So ano naman ginawa mo nung hindi tayo nagkikita?" Tanong ko sa kanya. Mabagal lang kami maglakad ngayon.

"Iniisip kita." Parehas lang tayo James. Ikaw lang halos ang nasa isip ko. Hindi ka mawala-wala sa isip ko pati ata sa panaginip ko nandun ka din eh.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Eh ikaw?" Tumingin siya sa akin.

"Same. Namiss kita ng sobra." Tumawa ako ng bahagya sa sinabi ko. I cant believe that I have the guts to say him this. Nakangiti ng sobrang laki siya.

"Can I hold your hand?" Ang weird. Hindi naman ito yung first time niyang hawakan ang kamay ko para itanong niya pa iyon sa akin. Tumango na lang ako at hinawakan niya ang kamay ko.

Naglakad kami papunta doon sa loob ng ospital at hanggang doon sa elevator hanggang sa loob ng kwarto ni Katie na magkahawak ang kamay namin. Parang walang makakapaghiwalay pa sa amin. Napatingin ako sa kanya. I'm very blessed that I have someone who loves me so much, someone who doesnt give up on me.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon