Chapter 47

5 0 0
                                    

Bumisita kami ni James kinabukasan kay Katie. Araw-araw namin siya binibisita, actually. But 5 days after simula nung araw nung nagphotoshoot ako, Katie died.

Nakasuot kami lahat ng puti. Nakaupo kaming lahat habang nagsasalita ang pari. Tumayo lamang kami nang malapit ng babasbasan na nung pari yung kabaong.

"For what can be seen is temporary. For what cannot be seen is eternal." Binasa nung pari iyon sa bibliya.

Napaluha ako nung binasbasan na nung pari yung kabaong. Nakita ko namang si Lauren ay todo iyak. Si Katie lang kasi ang pinakaiisang anak niya. Ang nasa tabi ko namang si James ay hinawakan ang kamay ko. Hindi siya umiiyak pero base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay alam kong nasasaktan siya sa nangyari at alam kong nagpapakatatag lamang siya.

Things really happen so fast. Parang kailan lang ay kakameet ko lang sa kanya sa park nung si tita Andrea pa ang tumawag sa akin. Katie, you will forever be missed and loved.

Nang matapos na iyon ay naglakad kami ni James papunta sa kanyang sasakyan. Sa front seat ako umupo. Tahimik lamang siyang nagdrive paalis doon sa cemetery na pinaglibingan ni Katie.

Tumingin ako sa kanya habang nagdadrive. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at nakatingin lamang ng diretso sa kanyang dinadaanan. I know he is not fine.

Napabuntong hininga na lang ako. Just look on the bright side na lang din, Kylie. At least, alam mong kasama na ni Katie si God at hindi siya mapapahamak o wala namang mangyayaring masama sa kanya doon.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon