Chapter 28

14 2 0
                                    

Yung nangyari pa rin sa park ang nasa isip ko. Hindi ito mawala sa aking isip. Para bang nakatatak na ito. I don't know. Am I already in love with him? Or pakiramdam ko lamang ito. Mga ilusyon lang kaya ito? Hindi ko din alam. I don't want to think about this anymore but my heart keeps bugging me and telling me that I'm in love with him but my head keeps saying that I'm not, that it's just illusion. I am being delusional. Heart can be deceiving sometimes and I dont want to risk it. Dear heart, keep your opinions to yourself. I'll listen to my head kasi alam kong mas alam niya ang nakakabuti sa akin.

"Hoy! Nakikinig ka ba sa akin? Kanina ka pa nakatulala dyan. Ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Nagulat ako sa sinabi ni Megan sa akin. Nawala sa isip ko na kausap niya nga pala ako.

"Oo! Narinig ko sinabi mo." Naririnig ko naman talaga siyang magsalita pero hindi ko nga lang naintindihan kung ano ba sinabi niya sa akin dahil may iniisip nga ako.

"Tas iyon... kaya ko nakuha si Mercy." Dagdag niya sa kung ano man ang sinabi niya kanina sa akin.

"Ah ganun ba? Kaya pala." Tumango-tango naman ako na parang alam ko ang lahat lahat ng sinabi niya.

"Tignan mo!! Hindi ka talaga nakinig sa akin. Hindi naman si Mercy ang pinag-usapan natin kanina eh! Ang sabi ko sayo kanina nakapagpabook na ako ng flight natin papuntang London. Huling huli ka Kylie." Okay. Haha! Hindi ako nakatakas dun sa kanya ah.

"Weh? Kelan alis natin? Di pa ako nakapagpaalam kay mommy." Sagot ko sa kanya at hindi ko pinansin yung pagkakahuli niya sa akin na nagsinungaling lamang ako sa kanya.

"Pinagpaalam na kita kay tita. Day after tomorrow na ang flight natin para makapagtagal tayo doon at makapaggala." Excited much naman tong si Megan. Siguro ay nakapagbalot na ito pagkatapos niya agad magpabook. Hindi naman ako nagulat na pinagpaalam niya na ako kay mommy. Close naman kasi sila at kilalang-kilala naman siya ni mommy so.

"Okay then." Umupo ako sa bar high chair at ininom ang margarita na nilagay sa akin ni Megan.

May sasabihin sana sa akin si Megan ngunit may biglang tumawag sa kanya kaya sinagot niya ang tawag na iyon.

"Hello?" Sagot niya agad doon sa kung sino man ang tumawag sa kanya. "Who is this?" Tumingin siya sa akin na parang nagtataka. "Where the hell did you get my number?" Medyo naiiritang boses niya. "Whatever. Bye." Binaba niya agad ang tumawag sa kanya.

"Taray! Haha!" Humagalpak naman ako sa tawa dahil sa ginawa niya.

"Nakakairita eh." Maigsing naiiritang sagot niya.

"Bakit sino ba yun? Manliligaw mo na naman ba?" Asar ko sa kanya. Maraming nanliligaw na sa kanya dahil hindi naman mapagkakailang maganda siya. She has a very nice body parang pangmodel at artistahin ang kanyang mukha. Maputi din naman ang kanyang balat at sobrang itim ng kanyang buhok. Maganda din ang kanyang mga mata so who wouldn't fall for her?

"Ewan ko. Brooklyn daw pangalan. Let's just not talk about it kasi naweweirduhan ako sa kanila. Di ko talaga alam kung saang lupalop nila nakukuha yung number ko. Magpapalit na naman ulit ako sa susunod." Sabi niya sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Ba't ayaw mo pa bang magboyfriend? Support naman kita kahit sino eh. As long as you're happy. Nandyan din naman si Luke. Mabait naman yun. Hindi ka ba niya nililigawan?" Binigyan ko na siya ng hint. Matagal nang may gusto tong si Luke sa kanya eh as in matagal na. Torpe lang kaya hindi niya masabi kay Megan.

"Are you okay?" Kumunot ang noo na parang naweiweirduhan siya sa aking sinabi sa kanya. "He's my friend. It would be awkward if I date him and besides nakita ko siyang may kasamang babae nung isang linggo..." Tunog na parang may something nung sinabi niya iyon. Feeling ko nagseselos tuloy siya doon sa babae. Uminom uli ako ng margarita at pinaglaruan ang basong hawak-hawak ko. "I think he's already dating someone and I dont want to ruin our friendship, Kyles." Napatingin ako sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin... Kyles. Si James lamang ang tumatawag nun sa akin kaya nakakapanibago. "Oh? Bat parang nakakita ka ng multo dyan?" Tanong sa akin.

"De wala. Wushu. Dami mong alam." Pag-aasar ko uli sa kanya.

"It's not that. Pero I just think na wala pa ang aking prince charming. Haha!" Hay nako! Fairytales. Ew. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at umiling. "So... Ano naman ang update niyo ni James?" Ngumiti siya sa akin at nanliit ang mata na para bang may masama akong ginawa.

"Update? Anong update?" Kumunot ang aking mukha dahil di ko siya maintindihan. Di ko alam ang gusto niyang iparating.

"Still friends?" Binigyan niya ako uli nung ngiti niyang binigay sa akin kanina.

"Oo naman. Ba't naman kami magkakaaway nun?" Tanong ko naman sa kanya at biglang sumimangot.

"Hayy... Okay lang... Dyan naman nagsisimula ang lahat eh. Friends..." Humagikgik naman siya pagkasabi nun.

"Ano ba?" Patawa kong sinabi sa kanya. "Bakit ba pinagkakaknuno mo ako sa kanya? Haha! Gusto mo ikaw na lang makipagrelasyon sa kanya?" Biro ko sa kanya.

"O sige ba! Tutal gwapo naman iyon. Binigyan mo na ako ng Go signal ah. Wala na yang bawian." Sumimangot ako sa sinabi niya. Naasar na ako sa kanya ah. "Oh? Ba't ka nakasimangot?" Inaasar niya ba talaga ako?

"Ano ba! Wag mo nga akong asarin." Sabi ko sa kanya nang may pagkakairita.

"Joke lang naman iyon, Kylie! Wala akong gusto dun. Inaasar lang kita. Selos ka naman agad. Tsaka kahit magkagusto ako doon mukhang wala din akong pag-asa. Patay na patay sayo eh." Ai. Di ako nagseselos ah. Di na lamang ako umimik sa kanyang sinabi. "Tsaka OTP ko kaya kayo." Dagdag niya.

"OTP? Ano yun?" Tanong ko habang nakunot ang aking mukha.

"Seriously? One True Pairing. Are you living under a rock? It's already 2016, Kylie." Aba malay ko ba. Hindi naman ako magaling sa mga ganyan ganyan. Sa dinami-dami ng words malay ko bang iyan ang ibig-sabihin niyang OTP na yan.

"Ha. Ha. Dami kong tawa sayo. Mga bente." Asar ko naman pabalik sa kanya. Ganito talaga kaming dalawa. May mga time na nag-iinisan kaming dalawa. I think its normal for us because we're best friends naman.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon