Chapter 4

23 5 0
                                    

Nakaimpake na ako ng aking mga gamit at ipinalagay ko na iyon sa aking sasakyan. Sabi ni Megan ay ayos na din daw siya at nasabihan niya na daw lahat ng kaibigan namin. Magkikita na lang daw kami sa pier. Puerto Galera!! Can't wait to see you! Binigay ko ang susi ko sa aking driver upang siya ang magdrive para mauwi niya ang aking sasakyan dahil hindi ko na ito madadala sa beach.

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa pier dahil nakatulog ako. Nang naramdaman kong tumigil ang aking sasakyan ay doon ako nagising. Pinark ng aking driver sa gilid ang aking sasakyan at dali-dali siyang bumaba ng driver's seat at binuksan ang aking pintuan upang makababa ako. Pagkababa ko ay nakita ko na kararating pa lang din ng sasakyan nina Megan at may kasunod din silang ibang sasakyan. Inintay kong makababa si Megan pero naunang bumaba sina Frankie kasama niya sa sasakyan sina Rob at Tim. Bumaba na din si Megan sa likod ng kanyang sasakyan pero pagkatapos niya bumaba ay lumabas din doon si Stacy. Sa kanya pala sumabay si Stacy, bakit kaya di niya na dinala yung bago niyang sasakyan? Pinuntahan nila ako at kinausap.

"Kylie, excited ka na ba?" Tanong sa akin ni Stacy.

"Medyo, haha, bat parang ang konti natin? Nasaan si Luke? Di mo sinabihan si Luke?" Sagot ko kay Stacy at tanong ko kay Megan.

"Kasunod lang namin si Luke eh. Parating na yun." Sagot niya sa akin.

Pinuntahan kaagad ako ni Rob. Hindi ko na lang siya pinansin. "Good morning!" Sabi ni Rob sa akin.

"Good morning din." Sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng saglit na ngiti.

"Kumain ka na?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Salamat." Yun na lamang ang sinabi ko para hindi na humaba ang aming usapan. Maya-maya ay may dumating na sasakyan. Hindi naman tinted ang kanyang sasakyan kaya nakita kong si Luke ang nagdridrive. AND OMG. WHAT. Nanlaki ang aking mata sa nakita ko. Why is he here? Sinabihan din ba siya ni Megan? Binulungan ko agad si Megan. Bumaba na sila sa kanilang sasakyan.

"Megan, oi, ba't yan nandito? Manggugulo lang yan sa akin imbis na makapagrelax at makapagsaya ako dun baka hindi na ako matuwa at mastress lang ako." Mahinang bulong ko sa kanya.

"Ewan ko. Baka si guy bes pren mo ang nagsama." sagot niya sa akin.

"Ano guys? Tara na?" Tanong ni Stacy sa aming lahat. Bago pa sumagot ang iba naming kasama ay nakikita ko na naman si James na nakangisi sa akin. Huminga ako ng malalim at lumihis ng harap sa kanya. Nakita ko na nakatitig ng masama si Rob kay James.

"Uy, tara na daw." Sabi ko kay Rob at tinapik ko siya sa braso. Baka mag-away pa tong dalawa na to. Ano ba yan baka imbis na parelax relax lang ako doon baka maging taga-bantay ako ng dalawang bata doon ah.

Sabay-sabay kami pumasok doon sa loob upang bumili ng ticket namin at pumasok na doon sa waiting area para intayin ang sasakyang bangka namin.

Halos ilang oras din kami nakasakay sa bangkang sinakyan namin papunta doon sa Puerto Galera. It's been so long since nung huling punta ko dito. Maganda pa din naman siya at malinis. Malapit lang ang tutuluyang hotel namin doon sa may dagat. Tapat lamang nito iyon. Ang ganda talaga nung tubig. Sobrang linaw at asul na asul ang kulay nito. Dinala ko ang aking mga dalang gamit upang dalhin ito sa hotel namin ngunit pilit itong kinuha ni James sa huli wala na lang akong nagawa kung hindi magpatulong sa kanya magbitbit ng mga gamit ko. Isang linggo daw kami dito kaya madami-dami akong dalang damit.

"Guys kain muna tayo ng lunch. Gutom na ako." Sabi ni Frankie. Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi niya dahil lahat kami ay gutom na gutom na. Mabuti na lang at may malapit na kainan dito.

Pagkatapos nun ay kanya kanya silang pumunta sa gusto nilang puntahan dahil ayaw pa daw nilang maligo sa dagat. Ako ay naglakad lakad lang sa seaside at kumuha ng magagandang litrato. Humiwalay kasi ako sa kanila. Ewan ko ba nagpapakaloner ako ngayon. Haha. Nakita kong may naglalaro din ng volleyball doon sa may bandang dulo. Gusto ko tuloy maglaro. Mamaya ko na lang sila aayain maglaro. Marami din ako nakitang nagjejetski. Everyone seems like having fun. Sa sobrang sikat ng araw ay naisipan kong magpatan na lang. Pumasok ako sa hotel namin. Iisang kwarto lang kami nina Megan at Stacy pero magkakaibang higaan kami. Malaki ang kinuha naming kwarto para hindi kaming tatlo ay sikip dito. Nagpalit na ako ng aking bathing suit at lumabas. Inilatag ko ang aking towel at humiga ako doon malapit sa may dagat. Sinuot ko ang aking dalang sunnies upang hindi masakit sa mata ang sikat ng araw.

Madali lang nawala ang sikat ng araw kaya hindi ako gaanong naging tan. Nakita ko na uli sina Luke kaya agad na akong bumangon at pinuntahan sila.

"Saan kayo nanggaling?" Tanong ko kay Luke.

"Wala naglibot-libot lang at nagtingin tingin na din ng mga kung ano ano. May inuman pa dito eh. Inuman tayo?" Sabi sa akin ni Luke.

"Oh sige ba, yayain mo na din yung iba. Nasaan na ba si Tim?" Tanong ko. Nakita kong nakasimangot si James. Alam mo yung itsurang naasar tas parang nalugi ang negosyo. Ganun! Ganun yung itsura niya! Ano kayang problema nito?

"Iyon, naghahanap ng chics kaya kanina pa yun wala." Hay nako! Kaya lang ata yun sumama para lang maghanap ng babae eh. "Huy! Anong problema mo? Bat busangot yang mukha mo?" Biglang tanong ni Luke kay James.

"Tss. Wala. Makaalis na nga lang." Maangas na sagot niya at umalis na lang. Laki ng problema nun ah?

"Anong meron dun?" Tanong ko.

"Ewan ko dun. Bigla bigla na lang naging ganun yun. Di naman yun ganun kanina eh." Sabi niya sa akin.

"Kanina ko pa gusto maglaro ng volleyball. Intayin natin sila para makapaglaro tayong lahat." Pagbago ko ng usapan kay Luke nang nakita ko uli ang volleyball.

"Sige kung bumalik pa yung mga yun! Mukhang matagal pa ata yun bago bumalik kasi baka nakikipaghatutan pa yun sa mga babae." Sabi niya.

Sumimangot naman ako sa sinabi niya. "Sige, upo na lang muna ako doon malapit sa may nagvovolleyball para makanood ako." Pagpaalam ko kay Luke. Tumango na lang siya.

Naglakad ako papunta doon sa upuan malapit sa may naglalaro. Bumili ako ng makakaing halo-halo sa tindahan tapat nito. Nakita kong sinerve na nung babae yung bola papunta sa kabilang area. Nasalo naman nung kalaban nila ang bola.

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa harap ko. Hindi ko kasi siya napansin na nandyan. Si James lang pala. Oh? Bat? Bumalik tong mokong na to?

"Oh, isuot mo." Inaabot niya yung hoodie niya sa akin.

"Ano yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya kahit alam ko kung ano naman ito.

"Damit malamang. Suotin mo na lang." Utos niya sa akin.

"Bakit? Ano bang mali sa suot ko? Okay lang naman ah." Sagot ko sa kanya.

"Anong mali? Pinagtitinginan ka na kanina pa ng mga lalaki dyan sa tabi tabi oh tas tatanungin mo sa akin kung ano mali. Halos wala ka na ngang saplit eh! Tas sasabihin mo din okay lang. Hindi. Hindi ako papayag nang ganyang lang suot mo." Medyo pagalit niyang sabi sa akin

"Ay sorry ha, hindi mo naman sa akin sinabi na dapat pala nakaPilipiñana ako dito habang nagpapatan kanina sa araw. Tsk. Dapat nagdala pala ako. Sayang!" Sarcastic kong sagot sa kanya. Eh ano bang pakialam niya.

"Suot mo o ako magsusuot sayo?" Maangas niyang sinabi sa akin. Ewan ko ba talaga sa kanya. Kinuha ko na lang ang hoodie niya at sinuot ito. Dahil sa kanya ito, masyadong malaki ito sa akin kaya nagmukha tuloy akong walang suot na pangbaba.

Umupo na ako pagkatapos ko suotin iyon at umupo siya sa harap ko. "Oh? Ano pa kailangan mo?" Tanong ko habang nakapoker face sa kanya. Hindi niya ako pinansin at parang siya pa dapatang maasar.

"Sa susunod nga, wag kang magsuot ng mga ganyang damit." Sabi niya sa akin.

"Give me one good reason." Natural kong pagsabi sa kanya.

"Kasi pinagpapantasyahan ka na ng mga lalaki." Mabilis niyang sagot sa akin. Umiling na lang ako sa kanya.
Natuwa ako dahil umalis siya sa upuan niya pero bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Ano ba?" Pagtataray ko sa kanya.

"I'm just trying to protect you." Seryosong sinabi niya sa akin.

"Thanks but I dont need your protection. I think I can handle myself." Taas noo kong sagot sa kanya.

"Tss." Sagot niya at umiwas na ng tingin. Ewan ko talaga dito masyadong protective. Di ko alam kung paano ko mahahandle to. Dagdag mo pa si Rob.

Lumipas ang ilang minuto nang ganun at biglang dumating na sina Stacy. Nakita kong may dala dala silang camera. Siguro kanina pa tong dalwang to nagpipicture. Inayos ko muna ang bun ko bago ako umalis at magpaalam kay James upang pumunta kay Megan pero hindi siya pumayag na akong mag-isa lang kaya sumama na din siya sa akin.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon