Chapter 16

13 5 0
                                    

Bumaba na ako sa sasakyan ni James. Inihatid niya ako sa main door namin.

"Thank you for today, James. I really had fun!" Humarap ako sa kanya at iyon ang sinabi ko sa kanya bago ako pumasok.

"No problem. I'm glad you had fun. Thank you din sa pagpayag na makipagdate sa akin." Sagot niya sa aking sinabi.

"Uhh... Gusto mo ba munang pumasok?" Tanong ko sa kanya. "Maaga pa naman eh." Mga 8 pa lang naman kaya tingin ko okay lang kahit magstay muna siya dito kahit saglit.

"Uhh, sure." Sabi niya sa akin. Binuksan ko ang pintuan namin.

"Gusto mo ba uling kumain? May pagkain kami diyan. Tara kain tayo." Inaya ko uli siyang kumain kahit kakakain lang namin ng dinner kanina.

"No. I'm good. Salamat na lang!" Sagot niya sa akin.

"You can take your seat. Ano ka ba?" Sabi ko sa kanya. Haha! Nahiya pa tong isang to.

"Anong gusto mong maiinom? Juice? Water? Coffee? Or?" Tanong ko uli sa kanya.

"No, I'm good." Simpleng sagot niya.

"Oh okay then." Sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya. "By the way, Megan was planning to have a vacation sa London with the whole squad. What do you think?" Wala akong ibang maisip na topic eh. Tsaka di ko alam kung paano ko siya ieentertain dahil ayaw naman din niya kumain or kahit anong inumin.

"That would be cool. Are you going to come?" Diretso tanong niya agad sa akin.

"It would be fun if we are all there so of course." Sagot ko sa kanya.

"Then I'll go too." Sabi niya agad sa akin.

"Oh! Edi masaya, kumpleto sana tayo pagpumunta doon. We dont know when pa eh. We're gonna have to plan about it." Sabi ko.

"Oh? Iha!" Tumayo kaagad si James at pagkatayo niya ay tumayo na din ako at pumunta sa harap at hinalikan si mommy at daddy. "Good evening, iho!" Sabi ni mommy kay James. "Boyfriend mo? Ngayon ka lang nagdala ng lalaki dito ah." Sabi ni mommy sa akin. Wow! Siya? Boyfriend? Haha. Tsaka hindi ito ang first time ko na nagpapunta ng lalaki sa bahay. Some of my guy friends with my girl friends have already been here. Hindi lang kasi naaabutan nila because of their work. Maaga silang umuwi ngayon kaya naabutan nila tong si James. Sa dinami-dami pa ng maaabutan nila ito pa. Kasalanan ko din eh. Akala din nila boyfriend ko tong si James.

"No, mommy. Friend ko lang po siya. His name is James." Pagpapakilala ko kay James sa kanila.

"Good evening po, tito at tita!" Sabi niya. Wow! Tita? Tito? Close sila? Agad? Or matagal na? Teka, di ako nainform dun ah.

"Good evening." Sagot ni daddy sa kanya. "Nanliligaw ka ba sa anak ko?" Diretso tanong agad ni daddy sa kanya. Lahat talaga ng daddy over protective sa mga anak na babae.

"NO." I smiled at them. Mabilis kong sagot sa tanong ni daddy dahil wala naman akong balak na makipagboyfriend dito kay James.

"Opo eh, kung okay lang po sana." Sabi ni James. What?! Ang lakas ng loob nitong si James ah. Hindi ba siya natatakot kay daddy?

"What?" Tangi ko na lang nasabi.

"Well, okay lang naman sa akin pero nasa desisyon na yan ng aking anak." Sabi ni daddy kay James. Okay what. Akala ko kampi sa akin si daddy. Anong nangyari?

"Daddd!!" Sabi ko.

"Youre already old enough to be in a relationship, Kylie." Sabi ni daddy naman sa akin.

"Thank you po." Sabi niya.

"Oh, sige! Mauna na kami dahil pagod pa kami galing trabaho." Pagpapaalam ni mommy sa amin. Dumiretso na sila sa taas at naiwan na lang kaming dalawa dun ni James sa living room.

"Paano ba yan? Pinayagan na ako ng daddy mo." Nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.

"Di mo ba narinig? Nasa akin pa daw ang desisyon. Ha! Ha!" Nilapit ko ang aking mukha sa kanya pinagdiinan kong sabihin yung ha, ha.

"I know." Ngumiti lang siya sa akin.

"Good. Then make me." Bigla kong sinabi after niyang sabihin iyon.

"Do you think I wouldnt?" Sagot niya sa akin sa aking sinabi.

Then make me? Ano yun, Kylie? ANO BANG NASA ISIP KO? Of course, hindi ko siya papayagan!! Smh.

"Hay nako! Ewan ko talaga sayo, James! Anong oras na oh? Umuwi ka na baka gabihin ka na." Pinaalis ko na lang siya. Naasar ako sa sarili ko bakit ko ba yun sinabi sa kanya.

"Oh sige! Goodnight, Kylie." Inihatid ko na siya sa labas ng main door namin.

"Goodnight!" Sabi ko nung nasa labas na kami ng main door.

"Wala bang kiss dyan?" Biro niya sa akin. Sumosobra na to ah?

"For your information, James, nanliligaw ka pa lang kaya tumigil ka." Sabi ko sa kanya. Tinarayan ko nga.

"So pumapayag ka na nga?" Sabi niya at ngumiti.

"WHAT? No." He doesnt make any sense at all.

"Then, I'll make you." Sabi niya sa akin. "Bye!" Ngumiti siya sa akin. "Thank you uli!" Sabi niya bago siya umalis.

"Bye!" Iyon na lang ang sinabi ko at inintay siyang makaalis sa bahay namin bago pumasok.

Sinarado ko na ang main door namin at sumandal doon. What were you thinking, Kylie? Nakashabu ka ba? Napahawak ako sa ulo ako at napailing na lang sa ginawa ko kanina. Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Humiga ako ng patalikod sa kama. Iniisip ko kung anong nangyari sa akin at bakit ko nasabi iyong mga iyon. Pagod lang yun kaya ko siguro nasabi yun. I am so weird.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon