Chapter 11

8 4 0
                                    

Pinaliko ko ang aking sasakyan papasok ng Royal Downtown Golf Club. Kasama ko si Louis. Magkahiwalay kami ng sasakyan na ginamit nina daddy at mommy. Mas nauna ang sasakyan nila sa amin. Nasa likod lang nila kami. Pinark ko ang aking sasakyan tabi ng kanila at bumaba dito. Nakasuot lang ako ng isang grey na crop top at shorts na high waisted na white na may linyang black sa gilid at nakasandals lang na may gems na silver sa gitna. Nakasunglasses din ako. Nakalugay lang din ang aking buhok. Wala ako sa mood mag-ayos ngayon kaya wala akong pakialam kung ano man ang isipin nila. Pero alam ko naman sa sarili ko na maganda naman na talaga ako eh kaya hindi ko na kailangan mag-ayos.

Sina mommy na ang kumausap doon sa parang counter na maglalaro kami ng golf. Nakita kong inilabas niya ang kanyang card ng golf club na ito dahil isa siyang member dito. Ang alam ko ay si daddy din ay isang member. Ilang saglit lang ay humarap na sa amin sila at papunta na sa amin.

"Let's go." Sabi ni daddy. Pumunta muna kami upang makuha ang isang golf cart. Sa likod nito, dito na din nakalagay ang aming golf bag na may mga golf clubs namin.

Sumakay na ako sa likod at si Louis ay ganoon din. Sina mommy at daddy ang nasa harapan at si daddy ang nagdrive ng cart. Pumunta kami sa golf course namin. Si Louis ang nagbitbit ng golf bag namin. Kumuha ako ng isang golf club at ganun din sina mommy, daddy at Louis. Si daddy ang naglagay ng tee sa pagpapaluan namin ng bola. Binalik din naman ni Louis ang golf bag sa cart. Si daddy muna ang unang tumira at pumasok ito. Dahil parang katuwaan lamang ito ay walang score score ang laro namin. Sumunod kay daddy ay si mommy. Inilagay niya ang bola niya sa tee at diretso pala ito gamit ang club. Napasok niya din ang bola sa butas. At dahil ako ang mas nakakatanda kay Louis ay inunahan ko na siyang tumira. Sa tingin ko ay mapapasok ko din ito dahil madali lang ito ipasok dahil medyo malapit pa lang ang butas. Pinalo ko na ang bola at tama ang aking hinala. Dahil si Louis na lang ang hindi pa nakakatira ay siya na ang sumunod sa akin.

"Wala. Hindi yan papasok." Dinodown ko siya. Lagi talaga kaming nag-aasaran nitong kapatid ko kaya parang natural na lang ito sa amin. Hindi naman niya ako pinansin at masyadong nakafocus sa bola. Bumuwelo pa siya bago niya ito itira.

Humagalpak ako sa tawa dahil hindi niya nga napasok ang bola sa butas. "Di ba? Sabi ko sayo eh!" Sabi ko sa kanya.

"Haha." Pagkukunwari niyang tawa. "So masaya ka na nyan?" Sabi ni Louis. Halatang naasar na siya. Asar talo talaga tong kapatid ko.

Pumunta naman kami sa susunod na course namin. Panigurado akong medyo mahirap na ito kaysa sa aming nauna. Nang nakita ko ang sumunod na couese namin ay bigla naman may nagtext sa akin at naramdaman kong nagvibrate ang aking phone pero hindi ko muna ito pinansin. Si daddy pa din ang naunang tumira ng bola. Bihasa na dito si daddy kaya walang duda na hindi niya ito mapapasok. At ganun din si mommy. Nang ako na ang sumunod ay tinantsa ko ang layo muna at tsaka ko ito tinara. Tama ang aking pagkakatantsa kaya napasok ko uli ito. Nang si Louis na ang titira hindi na muna ako nagsalita. Pero ang nakakagulat ay napasok niya na ngayon ang bola.

"Naks! Gumagaling!! Gumagaling!!" Sabay palakpak ko sa kanya.

"Thank you. I love you, number 1 fan." Sabi niya sa akin. Napakafeeler din talaga nitong kapatid ko. Hayst.

Agad naman na kaming sumukay sa cartat pumunta uli sa susunod na course. Ganun pa din ang pagkakasunod-sunod ng tira. Lagi naman nina mommy nashoshoot ang bola sa butas. Ganun din naman ako pero hindi naman ako expert dito. Sadyang sinuswerte lang ata ako ngayong araw kaya napapasok ko ang bola. Si Louis lang ang hindi minsan makapasok ng bola. Bano naman siya maglaro ng golf eh. Hindi naman niya kasi paboritong laruin ito kaya medyo nangangapa ngapa pa siyang maglaro nito. Pero magaling siya maglaro ng basketball. Yun kasi yung pinakapaborito niyang laruin. Ang alam ko ay varsity siya sa school.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon