Chapter 9

11 5 0
                                    

Tanghaling tapat na at huling araw na namin dito sa beach. Bukas ay aalis na kami para makauwi. I think I did pretty well on my sun tanning. My decision was right. Sabi kasi sa akin ni Louis na magtanning spray na lang ako kaso kapag nagtanning spray ako magmumukha akong orange. I dont want to look like a steamed carrot. Tanning spray doesnt really work for me.

Nakita kong may kausap na ibang mga babae sina Tim doon sa banda doon. Hindi naman siya kalayuan sa inuupuan ko. Siguro mga 15 steps lang papunta sa kanila. Wala ata tong ginawa tong lalaking to kundi makapaglandian sa babae eh. Hindi pa siya nagsawa doon sa Manila.

Nakaupo ako dito sa beach chair na lagi kong pinupuntahan. May dala akong libro at binabasa ko ito. Madalas akong magbasa ng libro kapag bored ako katulad ngayon. Kinuha ko ang tubig na nasa tabing table ko lang at uminom. Narinig kong parang may tumunog na camera sa left side ko kaya napatingin ako dito. Nakita kong kinuhaan ako ng picture ni James.

"Hey." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Hey." Sagot niya at naglakad papunta sa kabilang beach chair na katabi nung akin. Tutal ilang araw na ang nakalipas ay medyo maayos na ang mukha ni James.

"Buti umayos-ayos na yang mukha mo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. Bumalik na ako sa pagbabasa. Siya naman ay may kinakalikot sa camera niya.

Ewan ko kung bakit biglang pumasok sa isip ko yung pagpapamigay sa akin ng tunay kong magulang. Wala ba akong halaga sa kanila kaya nila ako pinamigay ng ganun ganun lang? Wala man lang ba silang natirang pagmamahal sa akin kahit katiting lang? They are the reason why I sometimes keep myself distant from other people. Ayoko silang makita kahit kailan. Ayoko silang makilala. They are so selfish. Ni hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ko.

"Why do people always leave?" bigla kong natanong ko kay James out of nowhere at nakatingin lang sa libro ko.

Tumingin siya sa akin. "Uhh? Are you alright?" Tanong naman niya sa akin.

"How come people keep saying they care but then they will hurt you like they dont really care about you at all and it hurts like hell because the one whos hurting you means a lot to you?" Tumingin ako sa kanya. Naramdaman kong medyo naluluha na ako. "Uh, its from the book I am currently reading. Medyo nadala lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin na parang ineexamin niya ang mukha ko. "Hoy! Titig na titig ka na naman sa akin." Sabi ko sa kanya at tumawa na lang ako ng pilit para hindi mahalata na naiiyak na ako.

"Sorry, sorry nadala lang din ako sa kagandahan mo." Pagbibiro niya sa akin. Ugh. Nakakairita ah. I just laughed at what he said. "Uhh, may gagawin ka ba sa susunod na araw?" tanong niya sa akin.

"Wala naman. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"It's my mom's birthday on April 14 and gusto ko sanang magpatulong maghanap ng regalo sayo. Pansin ko kasi parang same taste kayo ng mom ko." Sabi niya. Aww. I just really love it kapag may humihingi ng tulong sa akin sa mga bagay na ganito.

"Sure. I would love to." Masaya kong sagot sa kanya.

"Okay great. Sunduin na lang kita sa bahay niyo." Sabi niya ng walang pag-aalinlangan.

"Paano mo ako susunduin eh hindi mo naman alam bahay ko?" Pagpapaalala sa kanya na di niya alam kung saan ang bahay ko.

"Edi sabihin mo sa akin." Suggest niya sa akin.

"Ayoko nga. May sasakyan naman ako kaya okay lang." Sagot ko. Nako! Baka kapag binigay ko ang address ko sa kanya baka araw-araw yang pumunta sa bahay.

Sumimangot naman siya. "Sige." Maikling sagot niya sa akin.

Biglang nagplay ang kantang Crazier ni Taylor Swift sa may bandang inuman doon. "Ugh. I hate that song." Sabi ko kaagad ng simula pa lang ng narinig ko ang kanta. Yung itsura ko talaga yung parang diring diring pakinggan yung kamta.

"Hindi naman panget ah." Sagot niya sa akin.

"It just annoys me. Paulit ulit ko yang naririnig kapag nakabukas radyo ko sa sasakyan that's the reason why I don't listen to radio most times." Sabi ko naman.

"It's not that bad." si James.

"Tsaka lumang luma na yan. Ice age pa ata yan eh." Biglang tumigil ang song na iyon. "Oh! Thank God! Nastop ang song!" Sabi ko at tumingin sa langit. Tumawa naman siya sa akin.

"Anyways, where are the others?" tanong ko ng wala sa topic.

"Ewan ko. Magkakahiwalay kasi kami kanina eh." Sabi niya.

Bumalik ako sa pagbabasa ko ng libro. Tumunog na naman ang camera ni James. Tinignan niya ang picture na kuha niya at pinakita sa akin. "Ai shocks! Ang ganda ko talaga." Sabi ko na parang nabigla.

Nag-usap na lang kami ni James habang nagbabasa ako ng libro. Inintay namin maggabi doon. Kitang kita mo na ang sunset. Ang ganda niya. Maya't- maya ay tuluyan nang lumubog ang araw at nagdilim na ang paligid. Nagsimula na magsindihan ang makukulay na ilaw doon sa may parang club. Bigla din tumugtog ang kantang Love Myself.

"Now that's my favorite song!" Sabi ko.

"Kay Hailee Steinfeld yan di ba?" Tanong niya sa akin at tumango ako. Nag-eenjoy akong pakinggan ang song na iyon.

"Teka anong oras na pala?" Tanong ko kay James.

"6:30 na. Bakit?" Maikling sagot niya.

"Kakain ata tayo ng dinner sabay-sabay eh." Sagot ko. "Tara, hanapin na natin sila." Sabi ko.

Hinanap naman na namin kung nasaan sila at mabilis lang namin sila nakita. Papunta pa lang din sila sa kung saan sila kakain at nakita kong nagtetext si Megan. May nareceive akong text. Ako pala ang tinext niya.

Megan:

Nasaan kayo ni James?

Iyon ang tinext niya sa akin. Hindi ko na ito nireplyan dahil nakita ko naman na sila. Agad na namin pinuntahan sila ni James.

"Oh! Nandito na pala kayo." Sabi ni Megan sa amin. Ilang minuto ang nakalipas ay pumunta na kami sa kakainan namin. Di din nagtagal ay dumating na ang pagkain na inorder namin. Bago kami kumain ay nagpapicture muna kami doon sa parang waiter. Pagkatapos nun ay kumain na din kami.

"I have enjoyed this vacation with you guys." Pagsisimula ko ng usapan. Kinuha ko ang tinidor at kutsara ko at naghanda na para kumain.

"Hindi naman mapagkakailang hindi mo naenjoy yung bakasyon natin dito." Nagevil smirk si Tim sa akin at tumingin din kay James na isang upuan lang ang pagitan namin. Ai wow! Alam ko na ang pinaparating nila. Hindi ko alam kung bakit talaga nila ako inaasar sa kanya. Alam naman nilang wala akong gusto dun. Binigyan ko sila ng poker face.

"We should do this more often." Sabi ni Frankie.

"Oo nga! Para naman lagi tayong masaya!" Sabi ni Stacy.

Lahat na sila nag-iisip kung ano na ang susunod naming gawin. Sinuggest ni Megan na mag-ibang bansa daw kaming 8 for one week lang din daw. Mas masaya kasi maggala sa ibang bansa kesa dito sa Pilipinas. Tsaka talagang mas maganda mga lugar doon. Nakakasawa na din kasi dito eh.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon