Chapter 35

10 0 0
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin ako makapili ng susuotin ko. Kahit konti lang ang pinagpipilian ko dahil konti lang naman ang dala kong dress ay nahihirapan pa din ako pumili. I can't pick between the four: peach, white, beige or black. Siguro kung buong closet ang dala ko ngayon ay baka wala na talaga ako mapili. Ang hirap naman maging babae.

Napagdesisyunan ko na lang na yung peach na lang na dress ang susuotin ko. Simple lang pero maganda pa din naman. First time ko lang siya gagamitin ngayon. Di ko pa natatanggal ang price tag nito. Kumuha ako ng gunting para gupitin ito.

Buti na lang at nakapagmake-up na ako at nakapag-ayos ng buhok. Susuotin ko na lang itong dress. Pagkatapos kong suotin ang dress ay inayos ko ang buhok kong nakapony tail lamang na kinulot ang dulo dahil medyo nagulo ito.

May kumatok sa aking pintuan at bumakas ito. "Are you ready?" Tanong ni James sa akin. Siya naman ay nakasuit and tie. Pupunta kasi kami ngayon sa isang restaurant sa Paris. Since it's Paris, I don't want to look stupid there so nagsuot ako ng dress.

"Yeah! Let's go?" Sabi ko sa kanya. Naglahad lang naman siya ng kamay kaya tinanggap ko iyon.

Sumakay na lang kami ngayon sa taxi at hindi nagtrain dahil kung nagtrain kami ay baka mahirapan pa kami. Pwede naman kasing taxi din or bus ang sakyan. Yun nga lang kasi is mas mabilis ang train kapag yun ang sinakyan mo. Hindi naman kami nagmamadali ni James kaya okay lang.

Dahil walang katraffic traffic dito sa bansang ito ay nakadating kami din doon sa Paris. Malaki nga lang ang binayaran namin sa taxi but we didn't mind. Tumigil ang taxi sa harap ng isang restaurant. Le Jules Verne ang pangalan nito. Kita mo ang laki ng Eiffel Tower dito. Malapit lang siya doon.  Dahil isang fine dining restaurant ito, may stairs pa papasok kang aakyatin at may nakatayong shed ito sa taas ng stairs.

Pinagbuksan kami nung guard ng pintuan kaya pumasok na kami sa loob. "Table for 2 please." Sabi ni James doon sa lalaking nasa gilid niya. Tumango naman ang lalaki.

"This way, sir!" Tinuro nung lalaki ang daan papunta doon sa table namin.

Nang makadating kami sa table namin ay hinila ni James ang aking upuan para makaupo ako. Umupo naman siya sa aking tapat. Nagbigay ng menu yung waiter sa amin kaya ako naman ay naghanap na ng makakain.

"I'll just east vegetable salad." Sabi ko kay James.

Sinabi naman niya ang order ko at order niya sa waiter. Habang siya ay nagsasalita sa waiter ay nakatingin ako sa kanya at napangiti. Bumabagal na naman ang takbo ng pangyayari. Bakit sa tuwing kasama ko siya ay ganito ang pakiramdam ko? Naghuhumerentado na naman ang aking puso na para bang wala nang kinabukasan. Will you just stop it, heart? You're making me uncomfortable. Nanginginig naman na ang aking kamay. Ang weird ko na talaga. I'm not really usually this way.

"Ang hilig mo talaga sa vegetable salad." Baling niya sa akin pagkaalis na nung waiter pagkatapos niya nang makuha ang order namin.

"It's healthy and I'm not really addicted in eating meat. Mas gusto ko talaga kumain ng vegetables..." Sabi ko sa kanya. "and I need a thin body for modeling." Dagdag ko. Nanliit ng mata niya sa aking dinagdag na sinabi. "Why? What's wrong?"

"Modeling? Di ba sabi ko naman sayo ay wag ka nang magmodeling? Aalis ka pa ng bansa. I can also pay for our future kung maging tayo man." Sagot niya sa akin.

Tumawa ako sa sinabi niya. "Modeling is my passion and no, I'm not going sa ibang bansa. Napag-isipan ko munang dito muna magmodeling para hindi ako mabigla kapag nasa ibang bansa na ako." Sagot ko sa kanya. May dumating naman na waiter sa aming gilid at nilagyan ng champagne ang aming glass.

"Tss... Too much skin." Asar na boses niya.

"Model is model, James. Kung iyon ang kailangan sa modeling, then I dont mind. Pictures and runways lang naman yun. Wala namang mangyayari sa akin." Pag-eexplain ko sa kanya. I'm quite bothered din na ayaw niya akong pagmodelin.

"Tss. Kahit na. Isama mo ako sa mga photoshoot mo at runways." Sabi niya at ininom ang champagne na kakalagay pa lang nung waiter sa glass namin.

"Sure. I would love that." Masaya kong sagot sa kanya. Para namang naluwagan ang aking pakiramdam nung pumayag siya. Well not really pumayag, parang lang.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang aming pagkain. Ngayon ko lang napansin na may tumtugtog pala dito sa loob. Nag-usap kami habang kumain ni James. Mga usual na usapan lang namin.

Pagkatapos namin kumain doon sa restaurant ay naglakad-lakad kami. Syempre nagpicture kami ni James sa may Eiffel Tower.

"Alright. That's nice... One more." Sabi ko nung nakita ko ang picture namin. Nagpose uli kami at kinuhaan kami ng picture.

Naglakad kami nang kaunti ni James at may nakita kaming nagpaparenta ng bicycle. "Do you know how to ride a bicycle?" Baling niya sa akin. Umiling ako. Dati nung bata ako marunong ako kaso nung lumaki na ako hindi na ako maayos magbalanse. "Common, I'll teach you how." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta doon sa nagrerenta.

Binigay sa akin ni James ang bisikleta at nagdalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba iyon or hindi but I trust him. Alam ko namang hindi niya ako pababayaan. Hindi naman niya ako hahayaang mapahamak. Sumakay na ako dito. Buti na lang at kahit nakadress ako ay mahaba ang dress ko. Hindi naman ako makikitaan. Sa umpisa ay paliko-liko pa ako kahit hawak ni James ang aking likod para tulungan ako magbalanse.

Tumawa ako ng bahagya nang naisip ko na parang wala ata akong pag-asang matuto nito. Pinursige kong matuto. Medyo matagal pa ata ako bago matuto pero kaya ko nang magbalanse ng kaonti dahil hawak naman ni James ang likod ng bike.

"Ayan kaya mo na pala eh!" Sabi niya sa akin. Narinig kong medyo malayo na ang kanyang boses sa kung nasaan ako kaya agad kong tinigil ang bisikleta ko. Nilingon ko siya at nakita kong hindi niya na pala hinahawakan ang likod ng aking bike. "Mabilis ka naman palang matuto." Dagdag niya. Tinigil ko ang bisikletang sinasakyan ko.

Dahil marunong na akong magbike, nagrent pa uli ng isang bike para sa kanya si James. Sabay kaming nagbike paikot dito sa park. Hindi lang naman kami ang nagbibike doon. Marami din ang mga batang naglalaro doon. Nakailang ikot din kami ni James bago namin ito binalik doon sa nagparenta.

Bumalik kami sa paglalakad ni James hanggang sa nakita namin yung bridge na punong puno ng mga locks ang gilid nito. "Gusto mo maglagay din tayo?" Tanong sa akin ni James.

"Wag na. I don't think we should." Hindi naman kami para maglagay ng lock doon. Mostly ang mga naglalagay kasi dyan ng lock ay ang mga may relationship.

Umupo kami doon sa bench na tapat nun. "Kung ikaw ay ayaw mo, I'm going to put one." Sabi ni James. "Dito ka lang at babalik ako. Saglit lang ako." Sabi niya at pumunta sa store na malapit. Wala pang limang minuto ay nakabalik na agad siya na may dala-dalang binili. Sigurado akong lock ang binili nun.

Binuksan niya ang kanyang binili at nakita kong lock iyon. "What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

Naglagay siya ng lock doon sa bridge at inilock ang iyon. Nasa kanya pa ang susi nito. "This." Pinakita niya sa akin ang susi ng lock. "This is a symbol to the key to my heart and I'm giving it to you." Sabi niya sa akin. Kahit gwapo din tong si James ay may pagkacorni din pala siya. Ngumiti ako sa kanya.

Nagulat ako sa pagtapon niya ng susi doon sa tubig. I mean, alam kong itatapon talaga iyon doon pero sabi niya ibibigay niya iyon sa akin. "Oh? Bat mo tinapon? Akala ko ba ibibigay mo sa akin?" Nagtataka kong tanong sa kanya at tinignan pa ang tubig kung saan iyon bumagsak.

"Para wala nang ibang makakuha. Para buong buo na akong sayo." Seryosong sagot niya sa akin at hinawakan niya ang aking baba.

Holy shoot. I didnt see that coming. Nginitian ko na lamang siya at niyakap. "You're so sweet." Iyon na lang ang aking sinabi dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya.

I dont know. I'm not sure if I'm in love with you, James. Maybe this is just an infatuation or illusion. Maybe it's all just in my mind. Wala lang talaga ito.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon