Chapter 12

15 4 0
                                    

Pumasok na ako sa aking sasakyan. Pumasok na din si Louis sa front seat. Hawak-hawak ko ang aking phone at tinignan kung sino ang nagtext sa akin kanina. Nakita kong nauna na sina mommy umalis. Si James pala ang nagtext sa akin.

James:

Hey Kylie! I bought a new sim card para lang maitext ka. Please dont block my new number again. I'll see you tomorrow!

Bumili pa talaga siya ng panibagong sim card para lang itext ako ah. Haha. Bukas na nga pala kami bibili ng pangregalo daw sa birthday ng mommy niya. May mga ideas na ako kung ano isusuggest sa kanya bukas. Sana magustuhan ng mommy niya iyon.

Pinaandar ko na ang aking sasakyan upang makauwi na kami. Masaya naman ang naging laro namin ng family ko. Si Louis lang ata di masyadong nag-enjoy dahil iilan lang ang maayos na laro niya.

"By the way, alam mo na bang pupunta daw uli tayong Los Angeles soon?" Sa gitna ng usapan namin ni Louis ay nasabi niya iyon.

"Talaga? When? Did mom already booked us a flight?" Tanong ko sa kanya. It's been a year since I have went there. I already miss that place.

"Uhh... I dont know yet pero nabanggit kasi sa akin iyon ni mommy." Sabi ni Louis.

Nagring ang aking cellphone. Hindi ko makuha ito agad dahil nagdadrive pa ako. Tinignan ko na lang kung sino ang tumatawag sa akin. Nakita kong si Megan lang pala iyon.

"Aren't you going to answer?" Tanong sa akin ni Louis.

"I'm driving the car. I dont want to get in an accident." Sagot ko sa kanya. Nawala naman na ang tawag sa akin ni Megan. Pero maya't-maya ay tumatawag uli siya. Kinuha naman ni Louis ang aking cellphone at sinagot ang tawag. Nakita kong inispeaker phone niya na lamang ito para makausap ko si Megan.

"Hello?" Sabi ni Megan sa kabilang linya ng tawag niya.

"Hi Megan! What's up?" Sagot ko sa kanya.

"Oh nothing. I just want to know if youre doing something right now." Sagot niya naman sa akin.

"Yes. Nagdadrive ako ng sasakyan pauwi. Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wala. I'm bored kasi. Do you want to come over at my house?"

"Oh sige. Pero baka maya-maya pa ako pumunta dyan kasi hahatid ko muna si Louis. Kasama ko kasi siya ngayon." Panigurado akong maggigirl talk lang kami nun. Paghindi girl talk it's either manonood ng movie.

"Oh okay. It's fine! Love you! Bye!" Sabi sa akin ni Megan sa kanilang linya ng telepono.

"Love you too! Bye!" Binaba niya na ang kanyang tawag sa akin. Mabuti ay malapit na kami sa bahay pero medyo traffic kasi eh.

Binaba ni Louis ang cellphone ko kung saan niya ito kinuha. "Thanks." Sabi ko sa kanya.

Makatapos siguro ng 25 minutes ay nasa bahay na kami. Hindi ko na pinasok ang aking sasakyan sa may parking area dahil aalis pa ako. Pumasok na lang kaming dalawa ni Louis sa loob. Nakita kong kararating lang din nina daddy at mommy. Umakyat na si Louis sa kanyang kwarto upang magpahinga. Pumunta naman ako sa kitchen para kumuha ng isang pirasong tinapay. Kinain ko din agad ito. Pumunta muna ako sa living room para magpahinga saglit. Pinahinga ko muna ang aking mata. Naririnig kong nag-uusap sina mommy at daddy tungkol sa pagpunta namin uli sa California.

Nagpaalam muna ako kina mommy at daddy bago pumunta kina Megan. Umalis na din ako nang nakapagpahinga na ako. Nakita ko din ay nagtext na din sa akin si Megan sa aking phone nang dalawang beses. Lumabas na ako agad at sumakay sa aking sasakyan. Binuksan naman ng aming guard ang gate namin upang makalabas ako.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon