Chapter 8

15 4 0
                                    

"Gusto kong magvolleyball!" Aya ko sa kanilang lahat. "Dali na. Habang wala pang naglalaro oh!" Sabi ko sa kanila.

Hindi din naman nagtagal ay naglaro na kami ng volleyball. Kahit 8 lang kami ay naglaro pa din kami. Tig-apat ang bawat court. Ako, si Megan, si Luke at si James ang magkakateammates. Sina Stacy, Tim, Frankie at Rob naman sa kabilang court. Nagtoss coin muna kami bago maglaro. Kami ay ang heads at sila naman ang tails. Si James ang nagtoss ng coin. Lumabas ay ang heads kaya kami ang mauunang magserve.

Pumunta na kami sa court namin. Dahil ako ang nagyaya maglaro, ako ang naunang magserve ng bola.

"Game?" Tanong ko muna sa kanila. Wala kasing pumipito para hudyat na na pwede na magserve ng bola at dahil buhangin nga ang inaapakan namin hindi ko pwedeng patalbugin ang bola upang kumuha ng pwersa.

"Game!" Sagot nilang lahat. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Sinerve ko na ang bola. Mabuti at pumasok ito sa kabilang court. Agad akong pumasok doon sa court namin. Nareceive ni Rob ang sinerve kong bola. Si Luke naman ang nagreceive sa amin. Nareceive naman ni Tim sa kanila. Blinock na agad ni James ang bola kaya hindi na ito nasalo nina Stacy. Kaming team mates ay nagpalakpakan.

Ako uli ang magseserve dahil hindi nila ito nasalo kanina. Sinerve ko na agad ang bola. Si Stacy naman ang nagreceive nito. Rineceive naman ni Megan sa amin. Dahil medyo mahina lang ang pagtama ni Megan ay medyo harap lang ito kaya hindi na nasalo ng kabilang court ang bola.

"Woooh!! Nice one, guys!" Sabi ko at pumalakpak. Sina James din ay pumalakpak at mukhang natutuwa sa laro namin. Ako na naman ang magseserve ng bola. Wooh! Mabilis kong sinerve ang bola at bumalik agad agad sa pwesto ko. Si Tim ang nakareceive ng bola. Sinet niya ito kay Frankie. Tapos pinapunta na ni Tim ang bola sa court namin. Blinock naman ito uli ni James ngunit nablock din ito ni Rob kaya bumagsak sa court namin ang bola. Sayang! Sila na ang magseserve ng bola.

"Okay, lang yun guys!" Sabi ko sa team ko. Lumingin naman sa akin si James at ngumiti. Nginitian ko naman siya.

"Guys, why dont we make a bet? Kung sino ang matatalo, sila ang maglilibre ng dinner mamayang gabi." Sabi ni Frankie. That's a good idea!

"Sige! Magandang idea yan!" Sabi ni Luke. Lahat naman kami ay pumayag doon sa sinabi niya kaya tinuloy na namin ang laro.

Si Stacy naman ang magseserve sa kanila. Sinerve na agad nito ang bola. Kaming team ko ay alerto sa bola. Papunta sa akin ang bola. Pero sasalohin pa sana ni Megan. "Mine." Sabi ko para hindi niya na agawin ang bola. Rineceive ko naman ito. Mahina lang ang tira ko kaya hindi na nahabol ni Frankie ang bola.

"Yes!! Wooh!" Sa amin na naman na yung bola.

Sa ngayon, si James naman na ang magseserve sa amin. "Kylie, this is for you." Ang korni niya talaga kahit kailan. Sigh. Umiling na lang ako. Sinerve niya na ang bola papunta sa kabilang court.

"Yours." Narinig kong sabi ni Tim kay Frankie. Hindi natamaan ni Frankie ang bola. "Okay lang yan, pare." Sabi ni Tim kay Frankie. "Ikaw naman magpapakain sa amin eh." Biro niya. Lahat kami napatawa sa sinabi ni Tim.

Si James uli ang nagserve ng bola. Thank, God! Hindi na niya ako sinabihan uli nun. Blinock kaagad ni Frankie ang bola kaya hindi na ito nasalo ni Megan. "Sorry ka na lang, Tim, di ako magpapatalo. Hahaha." Sabi ni Frankie kay Tim.

This time, si Rob na ang magseserve sa kanila. Alerto ako sa bola kaya nareceive ko agad iyon. Si Frankie ang sumalo naman niyon. Diretso block si Luke nito sa bola. "Yes!!" Sabi ni Luke sabay taas pa ng kamay sa ere. Papunta siya kay Megan at umambang yayapusin niya ito sana ngunit bigla siyang humarap sa akin at ako na lang ang niyapos niya. Hagalpak naman ako sa tawa sa nakita ko. Hindi naman awkward sa akin ang pagyapos ni Luke sa akin dahil matagal naman na kaming magkaibigan niyan.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon