Chapter 20

16 4 0
                                    

Kakahatid pa lang sa akin ni James. 7 AM na kami nakauwi.

"Ang aga mo umuwi ah?" Asar sa akin ni Louis. Literal na maaga nga ang uwi ko.

"I know. Good morning." Sabi ko aq kanya ng papikit-pikit na ang mata ko. Paakyat na ako sa taas.

"Goodnight!" Sigaw sa akin ni Louis nung nasa taas na ako.

Grabe. Antok na antok na ako. Pinikit ko ang aking mga mataat agad na din ako nakatulog.

*

Nagulat ako nung tumunog ang aking cellphone. Dahil sa antok ko ay hindi ko ito pinansin at pinabayaan ko na lang magring ito nang magring. Narinig kong bumukas ang aking pintuan.

"Who is it?" Tanong ko habang nakadapa at nakapikit ako.

"Your beautiful friend, Megan." Sagot niya. "Anong oras na? Tanghali na oi! Gumising ka na!" Bungad niya agad sa akin at umupo sa gilid ng aking kama.

Hindi ko na lamang siya pinansin. Konting oras pa lang ang aking natutulog kaya wala akong balak bumangon agad.

"Ui, mukhang panay na ang date niyo ni James ah." Sabi niya habang pinindot pindot niya ang aking tagiliran.

"Date? What?" Tinakpan ko ng unan ang aking mukha.

"May painosente ka pang nalalaman dyan." Sabi niya naman sa akin. Rinig ko pa din ang kanyang sinabi kahit nakatakip na ang unan sa akin.

"I dont know what youre talking about. We only went on a date once." Binalik ko ang unan sa aking mukha pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.

"Edi inamin mo na din na nagdate na kayo." Sabi niya.

"Whatever." Iyon na lamang ang sinagot ko sa kanya.

"I'm happy for you, Kylie. At dahil dito magenjoy naman tayo. Gala naman tayo." Aya niya.

"Sige. Bukas." Sagot ko.

"Oi anong bukas? Ngayon na!! Wala ka namang gagawin ngayon eh!"

"Meron. Matulog buong magdamag." Sarcastic kong sagot sa kanya. Hinila niya ako sa aking higaan at bumagsak naman ako.

"Ayan. Nakaalis ka na sa higaan mo. Maligo ka na para makaalis na tayo." Sabi niya. Salamat talaga Megan. Wow. Dahil hinila niya na ako, tumayo na ako ng tuluyan at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na din ako. Nakabath robe akong lumabas at dumiretso sa walk-in-closet ko. Nakita kong nandoon siya sa swivel chair ko, umiikot-ikot siya doon na parang bata.

"Baka naman mahilo ka dyan kakaikot mo." Sabi ko sa kanya habang pumipili ng damit na susuotin ngayon. Kinuha ko yung bohemian romper kong puti at tinapat ito sa akin at tinignan sa salamin. I think I'm gonna wear this for today. Sinuot ko ito sa loob ng walk-in-closet ko.

"Ang boring. Ang tagal mong maligo eh." Sabi niya sa akin.

"Kasalanan ko pa ah? Hahaha!" Sagot ko. Lumabas ako sa walk-in-closet ko at pumunta doon sa make-up room ko. Nilabas ko ang aking pangkulot ng buhok at ang blower.

"Paano na si Rob nyan?" Out of nowhere niyang tanong sa akin. Sinimulan ko na ang pagbloblower ng aking buhok.

"Anong paano na si Rob?" Tanong ko sa kanya. Okay ang ewan nila ah. Para silang mga sira. Sinuklay ko ang aking buhok at blinower ang mga basa-basa pang mga buhok.

"Syempre, may feelings din naman siya sayo kaya sure akong nasasaktan yun." Sagot naman niya sa akin.

Napatigil ako doon at napaisip. Hindi ko naman kasalanan iyon. Tsaka kaibigan lang ang turing ko sa kanya pati din naman kay James. Inayos ko na ang buhok ko at pagkatapos nito ay nagmake up na ako.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon