Chapter 13

15 5 0
                                    

Nagbihis na ako at nagpabango. Dumiretso ako sa baba upang kunin ang aking sasakyan. Nang nakasakay na ako at napaandar na ang aking sasakyan ay biglang nagtext sa akin si James.

James:

Hey beautiful! Are you ready? Let's just meet sa 1OAK. I'm already here. Let's eat lunch first.

Ay shemai! Haha. Sa kamamadali ko dahil iniisip ko baka matagal nang nag-iintay iyong si James nakalimutan kong hindi ko pa pala alam kung saan kami magkikita. Anong tawag sayo Kylie? Hay nako.

Ako:

Okay! See you there! I'm already on my way.

Ilang saglit ay nagreply agad siya sa akin.

James:

Okay. Mag-ingat ka ah. Sabi ko naman kasi sayo sunduin na lang kita eh.

Hindi ko na siya nireplyan at umalis na dahil siguradong traffic na naman. Hindi naman nawawalan ng traffic dito sa Pilipinas.

Dumating na ako doon sa restaurant namin. Pumasok na ako dito at pumunta muna doon sa babaeng nakatayo sa gilid.

"Uhh... I'm with James Williams." Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ito sa listahan ng mga nakapagpareserve. "Yes, ma'am. He's in the VIP section." Ngumiti siya sa akin.

"Okay, thank you." Dumiretso ako sa VIP section kung na saan si James.

Nakita ko siya agad. Ang laki laki ng lugar na pinareserve niya ah. Kasya ata dito ang 50 na tao. Tapos kaming dalawa lang din naman ang nandito.

"Heyy." Sabi ko sa kanya. Tumayo agad siya ng nakita niya na ako.

"Upo ka muna." Inurong niya ang aking upuan at umupo na ako dito. Bumalik siya sa kanyang inupuan.

"May pa VIP-VIP section ka pang nalaman. Ang laki-laki pa." Sabi ko agad sa kanya.

"Syempre, first time kitang niyaya sa restaurant so I want this to be special." Sagot niya.

"Tss. Alam mo ang baduy mo talaga. May pa-special-special ka pang alam." Tumawa kaming dalawa.

"Uhh... umorder na ako kasi baka matagalan ka pumunta dito tas baka gutom ka na so I hope you dont mind but if you want to order anything else I can the waiter." Sabi niya sa akin.

"No, it's fine. I'll eat anything. I haven't eaten anything yet. Gutom na ako eh haha." Sabi ko.

"What? Bakit di ka kumain? Tsk. Gusto mo bang magkasakit? Teka nga..." Tatawagin niya na sana yung waiter pero pinigilan ko siya agad.

"Uy, ano ka ba, okay lang. Di na kailangan. Mabilis lang din naman ako mabusog." Sabi ko sa kanya.

Dumating na din naman agad ang inorder niyang pagkain. Buti na lang at dumating na ito. Baka makakain na ako ng tao sa gutom ko eh. Haha joke lang di pa naman sa point na yun. Malapit pa lang. Joke lang ulit. Lol.

Inorder niya ay sushis and I dont know what are the others. Hindi naman ako mahilig sa Japanese foods. Ang dami-daming pagpipilian dito sa Japanese foods pa siya kumuha. But anyways, I'll eat it din naman kaya useless lang din ang pagrereklamo ko. And also! Thank God! Kahit hindi ako mahilig kumain ng Japanese foods, marunong naman ako magchopsticks.

Kumain na ako ng kumain. Grabe dapat pala tinanggap ko na yung alok ni James kanina kasi mukhang kulang pa sa akin yung pagkain. "Uhm..." Medyo nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanya.

Tumingin agad siya sa akin. "Is there something wrong?" Tanong niya sa akin. Iniisip ko kung sasabihin ko pa din sa kanya eh. Wag na nga lang nakakahiya din naman haha. Tsaka ayoko na din tumaba.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon