Chapter 29

19 2 0
                                    

Nakapagimpake na ako ng mga gamit ko na good for two weeks. Dalawang linggo lang kami doon dahil kailangan din umuwi ni Frankie dahil kasal daw ng kanyang kapatid at ito namang si Stacey ay may family reunion daw. Si Tim naman ay di ko alam kung anong dahilan. Kung tutuusin ay maigsi lang ang panahong two weeks para maggala doon sa London dahil marami kang maiikutan doon at pwede ka ding magtrain papunta ng Paris. Ayaw naman nilang magtagal doon kung konti lang daw kami kaya napagdesisyunan naming lahat na sabay-sabay na lang din kami umuwi tutal ay sabay-sabay kaming lahat doon pupunta.

Nandito na ako sa airport at sabi nila ay nandun na daw sila. Ako na lang daw ang hinihintay nila. Hinanap ko kung nasaan sila at ilang saglit lang ay nahagilap ko na kung nasaan sila. Nandun na pala sila sa waiting area. Maaga pa naman. 2 hours before the flight ako dumating habang sila naman ay 1 oras na nag-iintay. Hinila ko ang aking maleta papunta kung nasaan sila.

"Oh? Akala ko nandito na kayong lahat? Nasaan si James?" Tanong ko sa kanilang lahat. Grabe kaya. Pinagmamadali nila ako dahil kanina pa daw sila nag-aantay. Mga atat naman to. Kahit naman dumating ako ay wala pa din naman yung eroplano na sasakyan namin.

"Pagdating na pagdating si James agad hinahanap. Yieee!" Asar sa akin ni Tim. Bakit may masama ba doon.

"Oo nga naman!" Ginatungan pa nitong si Megan. Hayy.

"Bakit? Anong meron dun?" Sabi ko sa kanila at umupo sa tabi ni Luke.

"Painosente pa..." Sabi naman ni Luke at tumawa.

"Oi di ah?" Sagot ko sa kanya.

"Oh ayan na pala si James." Sabi ni Frankie kaya tumingin agad ako at hinanap kung nasaan na siya pero wala naman ako nakita.

"Tingin naman agad." Sabi ni Stacey at humagalpak sa tawa silang lahat.

"Oi. Grabe kayo ah. Pinagtutulungan niyo ako." Ngumuso ako sa kanila. "Bahala nga kayo dyan." Sabi ko sa kanila. Hinanap ko ang aking cellphone sa bag na binigay ni James sa akin. Naisipan kong itext na lang siya.

Ako:

James, nasaan ka na? Malapit ka na ba?

Pagkatapos ko siyang itext ay naglaro muna ako doon sa phone ko para malibang at hindi mainip. Nakailang laro na ata ang linaro ko. Lumipas na ang halos 20 minutes at hindi pa rin nagrereply sa akin si James. Siguro ay dahil nagdadrive pa iyon.

"Oh, Kylie, ayan na pala inaantay mo eh!" Sabi sa akin ni Frankie sa akin. Hindi naman na ako naniwala sa kanya dahil niloko niya ako nung unang beses niya iyong sinabi sa akin. Dinilaan ko na lang siya ng parang bata. "Ayaw mong maniwala? Ayun na nga oh!" Sabi niya sabay turo kay James na naglalakad patungo sa amin.

Napangiti ako nung nakita siya. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Habang papalapit siya sa amin ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan ako na ewan. Para bang nagsloslow motion ang mga nangyayari. I dont even like you but I dont understand why Im feeling this way. I dont understand whats happening to me and these past few weeks, Ive been starting to say things Ive never said before. Nasa kanya lang ang buong atensyon ko. Kung ako ang tatanungin, hot talaga siya. Yung itsura niya ay para bang pang-GQ models. Nakita kong may napatingin pa na babae sa kanya nung papunta siya sa harap ko. Niliitan ko ng mata yung babae.

"Hey..." Sabi niya sa akin at umupo sa aking tabi.

"Hey!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Sorry di na kita nareplyan dahil nagdadrive ako nung nagtext ka. You said dont want me texting while driving." Pageexplain niya sa akin.

"It's fine. It's all good." Sagot ko sa kanyang sinabi.

"Kumain ka na?" Tanong niya sa akin. Doon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain ng breakfast dahil kanina pa ako kinukulit nina Megan na pumunta na daw ako.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon