Chapter 39

6 0 0
                                    

Hindi ako nakatulog nung gabing iyon. Hindi ako pinatulog nung nangyari. My heart got broken when I left him to be honest. Ilang linggo na ang nakalipas at hindi na ako tinetext ni James. Hindi ko na din siya nakikita. Wala na akong balita sa kanya. Wala na akong alam kung anong nangyayari sa kanya. Kamusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Gusto ko siyang makita dahil namimiss ko na siya ng sobra-sobra pero alam kong makakasama lang sa amin iyon kapag nagkita pa kami. But the thing is, I know this is weird but sometimes I feel him touching me kahit wala naman siya sa tabi ko. Minsan din ay pakiramdam ko ay nandyan lang siya sa paligid at pinagmamasdan ako. Fudge, James! Anong ginagawa mo sa akin? Kinukulam mo ba ako?

Sinabi ko kay Louis iyong nangyari sa park. Feeling ko ay kailangan ko ng advice galing sa nakababata kong kapatid. Di ko na alam ang gagawin ko and alam ko namang mapagkakatiwalaan ko naman siya dito.

"Oh common, Ate! If he wasn't serious, he wouldn't let you go to his mom's birthday so that you could meet the whole family." Sabi niya at kumuha ng maiinom sa refrigerator namin. "Hindi ba ay isinama ka na din niya doon sa parang family bonding nila?" Paninigurado niya kung tama ba siya doon. Tumango naman ako sa kanya. Nakahalukipkip ako dito at nakasandal sa counter namin. Mukhang kung sino pang mas bata ay mas may alam pa kaysa sa akin. Kung sabagay ay mas may alam talaga siya sa akin dito dahil nagkaroon naman na siya ng dalawang girlfriend.

"I dont know. I just... ugh..." Sabi ko kay Louis at umiling-iling.

"I know you like him. Go for it. Dont be afraid and take the chance. Dont waste your chance. Hindi mo alam kung hanggang kailan lang iyong chance mo. People can't wait forever." Tinapik tapik niya ako sa aking balikat. "I have to go now. May game pa kami." Sabay tingin niya sa kanyang relo.

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Anong sinabi niya? I like James. I mean, yes pero alam kong more than a friend yung ibig sabihin niya doon sa sinabi niya. "What?" Nakaalis na siya sa aking harap nung sinabi ko iyon. Kalokohan.

Kinuha ko ang aking phone at nagscroll sa timeline ko sa facebook. "Ma'am Kylie, may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi ni Ate Miranda.

"Sino daw po iyon?" Sinong naghahanap sa akin? Si James kaya iyon? Hindi ko tuloy alam kung haharapin ko ba siya or hahayaan na lang siya doon sa labas.

"Hindi po nagpakilala eh pero babae po." Babae? Sinong babaeng maghahanap naman sa akin? Kumunot ang noo ko doon.

"Sige. Puntahan ko na lang." Umalis ako ng kitchen namin at nagtungo sa labas. Dahil hindi naman grills ang aming gate ay hindi ko pa nakita ang babaeng naghahanap sa akin.

Nang makalapit na ako sa aming gate kinausap ako ng guard namin. "Ma'am may naghahanap po pala sa inyo dito sa labas."

"Oo nga daw po. Pwede po bang pakibuksan yung gate?" Agad naman itong tumayo at binuksan ang gate.

Nakita ko ang babaeng naghahanap sa akin. Nanlaki ang kanyang mga mata ng nakita ako. "Bakit po?" Nginitian ko siya.

"Kylie? Ikaw na ba yan?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Ako nga po si Kylie. Hinahanap niyo daw po ako. May kailangan po ba kayo sa akin?" Nginitian ko uli siya.

Yinapos niya ako ngunit hindi ko siya yinapos pabalik dahil nabigla naman ako sa ginawa niya. "Anak.... Ako ang nanay mo." May nangingilid na na mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Siya ang nanay ko? Para akong naestatwa sa sinabi niya. "Kylie, patawarin mo ako." Hinawakan niya ang aking mukha. "Patawarin mo ako sa nagawa ko."

Naramdaman kong malapit na akong mapaluha sa nangyayari. "Bitiwan niyo ako." Matigas kong sinabi sa kanya. Galit na galit ako sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Pinamigay niya lang ako ng parang aso. Wala siyang puso sa kanyang ginawa sa akin.

"Patawarin mo ako, Kylie. Kung kailangan kong lumuhod, gagawin ko patawarin mo lang ako." Humagulgol na siya.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Hindi kita kilala. Hindi mo ako anak." Nanginginig na ako at konting konti na lang ay papatak na ang luha ko sa aking mga mata.

Lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang aking mga paa. "Anak, parang awa mo na patawarin mo ako sa aking ginawa. Nagkamali ako noon. Patawarin mo ako."

"Anak? Anong karapatan mong tawagin akong anak? Pagkatapos mo akong ipamigay na parang aso lang ako, tatawagin mo akong anak?" Tumulo na ang luha sa aking mata.

"Ginawa ko lamang iyon para mabuhay ka. Naghihirap tayo noon at halos wala akong maipakain sayo nun. Hindi ka namin kayang buhayin ng tatay mo kaya kita naipamigay." Iyak pa din siya ng iyak.

"At gusto mo pa akong magpasalamat pa sa ginawa mo sa akin? Sinasabi mo ba na dapat may utang na loob ako sayo?" Naiinis ako sa kanya. Ang kapal naman ng mukha nito.

"Ano ba ang kailangan ko para patawarin mo ako, anak?"

"Wag na wag mo akong matawag-tawag na anak!" Sigaw ko sa kanya.

"Parang awa mo na..." Pagmamakaawa niya sa akin habang nakaluhod siya sa aking harap.

"Tumayo ka na..." Utos ko naman sa kanya. Dali-dali na siyang tumayo sa aking harap.

"Anak..." Hinawakan niya ako sa magkabila ko namang kamay.

"Bitiwan mo ako." Umiiyak pa din siya at pulang-pula na ang kanyang mukha dahil kakaiyak.

"Patawarin mo ako..."

"Umalis ka na." Matigas kong sinabi sa kanya.

"Nagmamakaawa ako sayo." Hindi niya pa din ako binibitiwan at mas lalong humigpit ang kanyang hawak sa akin.

"Ano ba?! Bitiwan mo ako!! Sinabi kong umalis ka na! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" Tinulak ko siya ngunit bumalik siya sa aking harapan. Bago niya pa uli ako mahawakan ay tinawag ko na ang mga guards namin. "Guard!! Guard!!" Sigaw ko at agad naman silang dumating.

"Kylie! Parang awa mo na... please..." Hawak hawak na siya ng dalawang guard namin at may dalawang nakaharang sa akin.

"Awa? Hindi ko alam na alam mo pala yung salita na iyon. Hindi ka nga man lang naawa sa akin nung pinamigay mo ako. Bakit ako maawa sayo?" How pathetic. Bumaling naman ako sa aming mga guards. "Ayokong makita ang pagmumukha niyan dito. Huwag na huwag niyong hahayaang makalapit yan dito o sa akin. Sabihin niyo din iyan sa lahat ng guards. Tatanggalan ko kayo ng trabaho kapag nakalapit pa yan dito." Tumango naman sa aking yung guards.

"Kylie..." Pumasok naman na ako sa loob namin bago pa magsabi ng kung ano pa.

Hindi ko siya nanay. Wala siyang anak. Hindi niya ako anak. Ang kinikilala ko lang na nanay ngayon ay ang mommy ko. Sila lang ni daddy ang aking magulang. Sila ni Louis lang ang pamilya ko. Wala na akong ibang pamilya. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Wala siyang kwentang nanay.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon