Chapter 18

16 6 0
                                    

"Thank you." Sabi ko James nang inihatid niya ako sa bahay namin.

"It's always my pleasure." Sabi ni James.

"Goodnight." Pagpaalam ko sa kanya.

"Goodnight." He smiled at me. Pumasok naman na ako sa loob at bumungad naman kaagad sa akin si Louis na nakaupo doon sa living room.

Binigyan ko siya ng gusot na mukha dahil nagulat ako sa kanya. "Oh? Gabing-gabi na ah? Gising ka pa?" Akala mo multo dun sa isang sulok ng sofa nakaupo eh.

"Hindi pa kasi ako inaantok eh tsaka wala akong magawa kaya inintay na lang kita." Sagot naman niya sa akin. Umupo ako sa tabi niya.

"Aww how sweet naman!" Sabi ko sa kanya habang ginulo ko ang buhok niya na parang bata lang siya.

"Ate naman!" Pagsaway niya sa akin. I chuckled. "Mukhang napapadalas na ata yung labas niyo nung James na yun ah?" Pagsisimula niya ng usapan namin.

"Madalas na ba yun?" Sagot na tanong ko sa kanya.

"Oo kaya! Pero mukha namang seryoso sayo tsaka mukha ding ang lakas ng tama sayo eh!" Sabi niya sa akin.

"Oi di ah! Siya lang nagyaya sa akin at sumasama naman ako. Ineenjoy ko lang summer ko hanggat may free time pa." Sagot ko naman.

"Nako, ate, mukhang patay na patay sayo yun ah? Nanliligaw na ba yun sayo? Payag naman ako sa kanya pero sabihin mo kapag sinaktan ka niya nako bubugbugin ko talaga yun." protective din to sa akin eh! Kaya mahal ko tong kapatid ko eh.

"Nanliligaw siya sa akin pero... wala naman akong balak na sagutin siya eh. Sinabi ko naman na yun sa kanya pero ewan ko dun ang kulit." Paglilinaw ko kay Louis.

"Tignan mo na. Proof nga lang yun na malakas ang tama nun sayo. Mas gusto ko naman yun para sayo kesa dyan kay Rob. Pero ba't naman ayaw mo sa kanya? Kasi hindi ka pa rin naniniwala sa love hanggang ngayon? Tss. Tas lagi mong kasama? Paasa ka pala eh." Tumawa naman siya.

"Oi, kelan man di ako paasa. Sinabi ko na sa simula na ayoko... Tsaka... Hay nako, matulog na nga tayo. Anong oras na oh? Madaling araw na." Ayoko nang sagutin yung mga tanong niya kaya tinapos ko na iyon at sabay na kaming umakyat sa kwarto namin. Mas nauna lang ako pumasok sa kwarto ko dahil mas malapit ang kwarto ko sa hagdanan kaysa sa kanya.

Nagpalit na ako ng pangtulog at naghilamos ng mukha. Iniisip ko yung mga nangyari ngayong araw. Simula doon sa pagkanerbyos ko sa sasakyan pa lang ni James. Ewan ko ba, bigla na lang ata akong kinabahan nun eh. And I'm flattered din kasi binili pala talaga sa akin ni James yung kwintas. I had my first dance with him at ang song pa nun is yung hatest song ko pa. Pero masaya naman ako sa mga nangyari.

Di ko namalayan sa sobrang antok ko ay nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa alarm ko. Binuksan ko ang aking mga mata at nakitang 8 AM na. Pinatay ko ang aking alarm at umidlip ng saglit. Kailangan ko pa ng tulog. Late na akong nakauwi kagabi. Madaling araw na nun.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita kong 2 PM na pala ng hapon. Nag-oversleep naman ako. Halos 12 hours ang tulog ko. Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya okay lang. Dumiretso ako sa bathroom upang maligo. Pagkatapos nun ay nagmake up ako. Light make up lang tutal di naman ako aalis. Pinuntahan ko ang kuweba ni Louis ay este kwarto ni Louis. Baka kanina pa to gising at naglalaro lang dun ng video games. Pagkapasok ko ay nakita kong naglalaro nga siya ng kanyang video games.

"Do you need anything?" Tanong niya sa akin at pinause ang laro niya.

"Uh, wala naman. Bored lang din ako kaya pumunta ako dito." Sabi ko. Plinay niya naman ito uli pagkasabi ko nun. Umupo ako doon sa kama niya. "Mukhang di ka pa din nakakarecover dun sa bagyong Yolanda ah? Ang gulo ng gamit mo." Sabi ko sa kanya.

"Design ko yan kaya wag ka magulo." Biro naman niya sa akin.

"Aalis ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ang kanyang relo. "Mamayang 10 pm pa bakit?" Sagot niya habang bumalik sa paglalaro.

"Ice skating tayo." Naisipan ko lang. Tutal ang tagal ko na ding di nakapagice-skating. Last na ice skating ko ata is nung 12 years old pa lang ata ako nun eh so it was several years ago. Tsaka summer ngayon, mainit. Tagtuyot. Parang yung mga love life ng iba dyan. HAHA! Joke lang.

"Ngayon na?" Tanong niya sa akin habang focused siya maglaro. Bigla naman siyang natalo dito. "Aww! Ugh!" Naasar siya sa kanyang pagkatalo.

"Oo! Malamang. Aalis ka di ba mamaya?" Sagot ko sa kanya.

"O, sige!" Tumayo agad siya sa kinauupuan niya at pinatay ang laro niya.

"Sasakyan mo na lang gamitin." Sabi ko sa kanya dahil tinatamad akong magdrive tsaka sa pagkakaalam ko ay nakuha niya na uli ito kay mommy. "Bihis lang ako." Dumiretso ako agad sa kwarto para magpalit. Nagpantalon ako para siguradong di ako masusugatan or kung ano man pagbumagsak ako dahil hindi na ako sanay magice skating. Lumabas na ako pagkatapos ko magpalit at pumunta doon sa labas ng bahay namin kung saan na nag-iintay si Louis sa akin. Pumasok na ako sa kanyang sasakyan at pinaandar naman niya ito.

"Kelan pa ito binalik sayo ni mommy?" Tanong ko.

"Nung isang araw lang. Buti binalik niya na nga eh kasi aalis pa ako mamaya. Kundi patago ko na naman gagamitin yung sasakyan mo." He laughed at me.

"Ikaw talaga. Kaya ang bilis maubos nung gas nun eh!" Tinapik ko siya nung inamin niya sa akin iyon.

"Di naman! Pinapagasan ko naman din yun para di mo mapansin na ginamit ko." Sabi niya. Loko talaga tong kapatid ko.

"Teka nga pala? Bat wala kayong lakad ngayon ni fafa James mo?" Pag-aasar niya sa akin. Hinampas ko na nga. Nakastop light naman eh.

"Aray! Nagtanong lang eh." Sabi niya.

"Anong fafa, Fafa kasi yung sinasabi mo dyan?" Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang naman siya sa akin. Himala ba ngayon? Bakit wala atang traffic?

"Ba't mukhang di kayo magkasama ni James ngayon? Mukhang may himala ata ah." Inayos niya ang pagtatanong sa akin.

"I dont know." Tangi kong sagot sa kanya. Narealize kong wala siyang text sa akin ngayon. Tinignan ko ang aking cellphone upang makita kung may nagtext ba ngunit wala naman akong nakita ni isa.

"Thats alright. We're here." Tinanggal na niya ang susi sa sasakyan at bumaba na ako dito. Sabay kaming pumasok doon sa loob upang magbayad para makapagice-skating na.

Nang sinuot ko ang sapatos na pangskating ay tumayo na ako. Medyo nahihirapan pa akong magbalance kaya inaalalayan pa ako ni Louis. Pumasok na kami doon sa rink.

"How come marunong ka pa din? Ang tagal na nating di nakakapagice skating kaya." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan niya ako.

"I sometimes go kapag natripan lang namin ng mga barkada ko." Sagot niya sa akin.

Tumayo ako ng maayos para mabalance ito. "Okay kaya ko to." Sabi ko sa sarili ko.

"Sige nga try mong pumunta doon mag-isa." Sinubukan ko yung sinabi ni Louis ngunit sa gitna nun ay bumagsak ako. Dali-dali akong pinuntahan ni Louis. "Oi, ano okay ka lang?" Tanong niua sa akin at tinulungan niya akong tumayo.

"Yeah. Medyo masakit lang." Pakiramdam ko tuloy ay magkakapasa ako nito dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.

Tinuruan na lang uli ako ni Louis kung paano magice skating. This day was like sibling bonding.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon