Chapter 14

15 5 0
                                    

Nang nasa tapat na ako ng aming bahay ay bumusina na ako na hudyat na nasa labas na ako. Binuksan ng aming guard ang gate namin at pinasok ko lang ito ng konti at binigay ang susi sa kanya upang siya ang magpasok nito sa aming parking area. Pumasok na ako sa aming bahay at umakyat sa taas upang pumasok sa aking kwarto ngunit dahil glass ang nasa harap ko ngayon at hindi dingding ay nakita kong may sasakyan na parang pamilyar sa akin. Nakabukas ang bintana nung sa driver's seat. It looks like a guy. I think. Hindi ko na masyado maaninag dahil medyo malabo ang aking mata. Nagtext sa akin si James.

James:

I'm here sa labas ng bahay niyo. It's good to see na nakauwi ka ng safe ng bahay niyo. :)

Pagkabasa ko niyon ay doon ko narealize na siya pala yung nasa sasakyan doon sa labas ng bahay namin. Tinignan ko agad siya. Nakita ko na nakatingin pala ang mokong na iyon sa akin. Ngumiti at sumenyas sa akin na aalis na siya. Sinundan niya pala ako. Okay. What. Hindi ko yun napansin ah. Wala akong nagawa kundi tignan siya na parang naasar. Umalis na siya at isinara ang bintana ng kanyang sasakyan.

Pumasok na ako sa aking kwarto at dumiretsong humiga sa aking kama. Pumikit muna ako saglit para makapagpahinga. Kinuha ko ang aking cellphone at naisipang itext si James.

Ako:

You followed me papunta dito sa bahay? Hahaha! Stalker mo no! Useless lang din ang pagtanggi ko sayong huwag na akong sunduin.

Text ko iyon sa kanya. Siguro kung hindi ko siya kilala baka pinakulong ko na siya. Haha. Wala din pala yung pagtanggi kong sunduin ako eh lara hindi niya malaman bahay ko kasi sinundan niya din ako. Hindi naman na ako nagexpect sa kanya na magreply agad kasi alam kong nagdridrive siya. Tumayo na ako sa aking kama at nagpalit ng damit. Tinali ko ang aking buhok at naghilamos na. Biglang nagvibrate ang aking phone kaya tinignan ko kung sino ang nagtext. May kumatok naman sa aking pinto kaya hindi ko kaagad ito nabasa.

"Pasok." Sabi ko at inintay kung sino iyon. Pumasok si Ate Carol.

"Ma'am, naiwan niyo daw po pala ito sa loob ng sasakyan niyo." Inabot sa akin ni Ate Carol yung mga damit na ipinamili sa akin ni James. Ok. What. How can i forget those?! Haha siguro sa pagod na din.

"Ai, oo nga pala, sige po, ate Carol! Salamat po!" Kinuha ko sa kanya ang mga iyon at inilapag sa tabi. Umalis na din agad siya nung pagkaabot niyon sa akin. Bumalik ako sa pagbasa ng text.

James:

Yes. Just to make sure you went home safe. :)

Ako:

I did went home safe but thanks! Are you already home?

Ibababa ko na sana yung phone ko pero bigla siya sa aking nagreply agad kaya binasa ko na agad ito.

James:

No pero malapit naman na ako.

Ako:

What?! Are you an idiot? Dont text while youre driving!

Nako! Nako! Delikado na! Baka kapag may nangyari sa kanya tas makita yung phone niya tas makita na ako ang huling tinext niya baka ipagkanuno ako ng magulang niyan. Mabuti na ang nag-iingat. Binaba ko na ang aking phone at kinuha ang aking mga ipinamili. Dumiretso ako sa aking walk-in closet para i-hanger ang damit na binili sa akin ni James. Tutal by color ang pagkakaayos ko nito ay by color ko din siya nilagay. Para organized talaga. Ayoko kasi ng halo-halo. Ang gulo tignan. Hind ako makapili ng maisusuot kapag ganun.

Bumalik na ako sa kwarto ko at tinignan ang phone ko. Hindi pa nagrereply si James sa akin siguro wala pa siya sa bahay. Pero bigla na lang nagreply siya agad sa akin.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon