Chapter 22

7 3 0
                                    

"Kylie, iha, let's have a family dinner later." Aya sa akin ni mommy.

"Okay po. That would be great." Sagot ko naman. Ngumiti ako pagkasagot ko.

"Okay, I'm gonna have to go now. Nauna na ang iyong daddy eh." Hinalikan ko sa pisngi si mommy bago siya umalis.

Saktong kakaalis lang ni mommy ay dumating tong si Louis. "Oh, hello brother!" Bati ko sa kanya.

"Hello, icky sister!" Bati naman niya sa akin.

"We're having family dinner daw mamaya." Sinabi ko sa kanya yung sinabi sa akin ni mommy. Kumuha siya ng isang mansanas.

"Oh, okay." Sabi niya sa akin. Biglang nagtext sa akin si Megan. Kinagatan niya yung mandanas na kinuha niya.

Megan:

Hi! I'm coming over at your house. Gawa tayo ng smores. Btw, nakuha mo na ba yung iniwan kong mga pinamili mo kahapon? Iniwan ko yun kay Ate Belle.

Mahilig talaga siyang magluto at kumain. Buti at hindi siya tumataba. Buti din ay pinaalala niya yung mga ipinamili ko kahapon. Nawala naman na iyon sa isip ko eh kaya di ko naalala.

"Ate Belle? Ate Belle?" Hanap ko sa kanya.

Sumagot siya sa aking likod kaya humarap ako sa kanya. "Sa inyo daw po iniwan ni Megan yung mga pinamili ko, nasan po pala iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Ai Ma'am, nilagay ko na po siya doon sa walk-in-closet niyo. Inayos ko na po para wala na po kayong iintindihin." Sagot niya sa akin.

"Ah sige po! Salamat!" Umalis na din naman siya agad. Nakita ko namang may katext si Louis at pangiti-ngiti pa habang nagtetext. "Sino yan? Lumalove-life ka na no?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Si Emily." Sagot niya sa akin at humalukipkip.

"Hay, nako. Di yan totoo. Walang forever!" Asar ko sa kanya.

"Teka, ampalaya ba yung kinain mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi. Bakit?" Tanong kong pabalik sa kanya.

"Ang bitter mo." Simpleng sagot niya.

"Haha. Ang dami mong alam din eh no? Dyan ka na nga!" Iniwan ko siya doon at pumunta naman ako sa taas doon sa may window seat namin. Umupo ako doon.

Tinext ko na lang si Megan.

Ako:

Megan, nasaan ka na?

Ilang saglit lang ay nagreply naman na siya agad.

Megan:

Nasa bahay niyo na ako.

Pagkabasa ko nun ay bumaba na din uli ako. Nakita ko kaagad siya.

"Hello." Bati niya sa akin.

"Ang bilis mo naman." Sabi ko.

"Nung nagtext kasi ako sayo malapit na ako dito eh. Siguro mga 15 na bahay na lang bago dito sa inyo." Ahh kaya naman pala. So kung sinabi ko palang wala ako sa bahay uuwi siya ng luhaan. Haha!

Pumunta na kami doon sa kusina para magluto. Inilabas niya yung mga ingredients na gagamitin niya at naglabas naman ako ng dalawang plato. "Okay, how do you do this?" Tanong ko sa kanya.

Pinakita niya sa akin kung paano iyon gawin kaya habang gumagawa ako ay siya naman ang nagluluto. Siya na ang pinaluto ko dahil delikado na kapag ako ang nagluto. Baka pati buong bahay namin ay maluto.

"I just found out that theres going to be a music festival." Sabi ko kay Megan nung ginawa ko na yung last na smores at inilagay ito sa kabilang plato.

"Talaga? Saan?" Inalala ko kung saan yung lugar.

"I think its in Sunset Avenue and its on next week. I actually wanna go." Sagot ko sa kanya.

"Okay cool. May tickets pa ba? We should get tickets by now." Sigurado akong gusto niya din iyon. I mean, sino bang hindi? Going to music festival is fun.

"I'll look on their site." Hinanap ko kung saan ko nailagay ang aking phone at pinuntahan ang kanilang site para bumili ng tickets.

Pagkatapos ko nun ay tumikim lang ako ng isang kutsarang smores. Siya na halos kumain nung lahat. Dito muna siya nagtahan sa bahay namin dahil wala naman daw siyang gagawin sa kanila.

Nang naggabi na ay umalis na din siya at ako naman ay naghanda na para sa family dinner namin nina mommy. Si Louis na ang pinagdrive ko uli ng sasakyan ko. Nagtext sa akin si mommy na kararating lang din daw nila sa restaurant. Nung nakita ko si mommy at daddy ay pinuntahan namin agad sila.

"Hi mommy." Humalik ako kay mommy.

"Hi daddy." Humalik naman ako kay daddy. Umupo naman ako sa tapat ni mommy at si Louis naman ay tapat ni daddy. Umorder na din kami ng pagkain pagkadating namin.

"So may good news ako sayo." Masaya niyang sinabi sa akin.

"Really? Ano iyon?" Sabi ko kay may mommy.

"Since tapos ka naman nang mag-aral ng college and nabanggit mo sa akin dati na gusto mong magmodel sa California, may nakausap ang daddy mo na management for modeling." Nagulat ako sa sinabi nilang iyon. Wow!

"Really? Anong modelling management iyon?" Tanong ko naman sa kanya.

"Uhm? What management is that again?" Tanong ni mommy kay daddy.

"It's the Elite Model Management." Simpleng sagot ni daddy. Doon ata muna nanggagaling ang mga models ng Victoria's Secret. This is a big opportuniy. I don't want to say no pero ayoko din naman magpadalos-dalos sa desisyon ko.

"Wow! That's great! But uhm..." Parehas kong tinignan sina mommy at daddy. "Pag-iisipan ko po muna." Sagot ko.

"Okay." Sagot ni daddy sa akin.

Gusto ko talagang magmodel pagkatapos kong mag-aral at magandang opportunity ito kaso parang ayoko pa munang umalis dito sa Pilipinas para pumunta agad doon sa management. Gusto ko na lang muna dito magmodel dito sa Pilipinas bago ako sumabak sa ibang bansa. Haha! Pero kailangan ko talaga muna itong pag-isipan nang mabuti.

Why TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon