Part 1

3.1K 95 61
                                    

WARNING: You may want to purchase a Blake Formosa of your own from enterprises around as the story goes on.

CHALLENGE: Be still, princess. *winks*

- - - - - - - - - - - - - - -

Unedited story! Uunahan ko na kayo.

1) Proper use of punctuation marks (period and comma) for action and dialogue tags;

2) Some scenes were written by TELLING instead of SHOWING;

3) Verb Tense... hahaha!;

4) Why so short chapters lalo sa mga unang part? Because hindi naman talaga 'to dapat magiging novel. Isa lang sana itong brief Blake and Lily tale;

5) Very raw. Hilaw na hilaw. I will edit kapag nasa mood na ako. :)

- - - - - - - - - - - - - - -

#866 in Romance as of January 15, 2017

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

ALL RIGHTS RESERVED.

TWITTER hashtags and please MENTION me, @iamANNEMARGARET, so I can read your tweets. :)

#TrueLoveAlways

#BlakeAndLily

- - - - - - - - - - - - - - -

This is a spin-off to my story True Love Always (check it out on my profile). You can read them independently though. Happy reading! :)

***Credits to the owners of the photos and gifs I used to represent my characters and story line. Thank you, Google, for linking me with the perfect ones. :)

- - - - - - - - - - - - - - -

Part 1

《 ♡ 》

(Lily's POV)

Bago ako umupo sa aking silya, iniikot ko muna ang mga mata ko sa loob ng classroom. Wala siya. Halos kompleto na ang attendance naming Grade Five sa section ko at malapit na rin ang aming adviser kaya sigurado akong hindi na siya darating pa. Dalawang araw na siyang hindi pumapasok. Ano na kaya'ng nangyari sa kanya? Huminga na lang ako nang malalim. Siguradong wala na namang sigla ang buong maghapon ko. Tuluyan na nga akong napaupo. Matamlay kong tinitigan ang pinto.

Nang pumasok ang aming guro, biglang umayos at nagsibalikan agad sa upuan ang mga kaklase kong nakatayo kanina. At para namang lumukso nang napakataas ang puso ko nang makita ko kung sino ang kasunod ni Mrs. Javier na pumasok sa loob ng classroom.

Si Dominic Marcus.

Pigil ko ang hininga ko at nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko naman inasahan na titingin siya sa direksiyon ko at magtatama ang aming mga mata. Ngumiti ako pero bago pa man niya makita ang napakatamis kong ngiti para sa kanya, bumawi siya ng tingin.

Ano nga ba ang nagustuhan ko sa kanya?

Malinis siyang tingnan. Laging maayos ang pananamit. Hindi siya maingay sa klase at seryoso lang nakikinig sa teacher kapag may discussion. Matalino siya. Kapag ngumiti siya, may lumalabas na maliliit na biloy sa tabi ng lips niya.

Nang mag-umpisang mag-check ng attendance si Mrs. Javier, itinutok ko na ang mga mata ko sa harapan at tinapos na muna ang pagde-daydream ko.

"Alegre, Lily Mariseth," tawag ni Ma'am. Agad naman akong nagtaas ng kamay.

Nang matapos kaming girls sa attendance checking, sumunod naman ang pagtawag ni Ma'am sa boys. Nang tawagin na ni Ma'am ang pangalan ni Dominic Marcus, napatingin ulit ako sa direksiyon niya.

"Fontanilla, Dominic Marcus."

"Present, Ma'am." Nagtaas din siya ng kamay.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Ma'am.

"I feel better, Mrs. Javier."

Napangiti ako. Nagkasakit pala siya pero at least maayos na ang pakiramdam niya. Masayang-masaya na ang araw ko. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

Taga-saan kaya siya? Sana makita ko someday ang bahay nila.

Doon ko naman napansin ang katabi ni Dominic Marcus na nakatingin sa direksiyon ko. Hindi nalalayo ang height at built nito kay Dominic Marcus. Maayos din itong manamit saka may itsura rin. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti ito nang napakatamis. Sabay namang lumabas ang mga biloy nito sa pisngi.

"Formosa, Blake," tawag ni Mrs. Javier.

Walang nag-respond sa tawag ni Ma'am. Dumaan ang ilang sandali, nakatingin pa rin ako sa katabi ni Dominic Marcus. Hindi pa rin kasi nito inaalis ang mga mata sa akin.

Bakit naman nakatitig siya sa akin?

"Formosa, Blake!" ulit ng guro. Mas malakas na ang boses ni Ma'am.

Ngumiti naman ang katinginan ko at biglang kumindat sa akin. Sabay sabing, "Present na present, Ma'am!"

Siya pala 'yon. Blake Formosa.

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon