Part 11

876 46 42
                                    

Part 11

(Lily's POV)

"Umamin ka nga sa akin. Bakla ka ba talaga o nagbabakla-baklaan ka lang para mapalapit sa Bear ko?"

Nagulat na lang ako nang biglang pumagitna si Blake sa amin ni Sherwin, but preferred to be called Shakira, habang papasok kami sa canteen. Bigla na lang itong umakbay sa akin pagkatapos kunin ang dala-dala kong paper bag.

"Alam mo, ikaw, hindi talaga kita type, eh! Tsupi! Nakaka-bad vibes ka! Paalisin mo nga 'to, bestie! Please!" Agad namang sita ni Shakira sa prenteng-prenteng si Blake.

Ngumisi lang naman ang isa at idinikit nito ang tungki ng ilong nito sa ilong ko. Saka nito binalingan si Shakira. "Mangarap ka. Hindi mo ako mapapaalis sa tabi ng Bear ko."

"Malandi! May pa-bear-bear ka pang nalalaman sa bestie ko. If I know, may nilalandi kang Nursing student! Lubayan mo na lang ang kaibigan ko!" Singhal naman ng isa. Napailing na lang ako.

Ganito lagi ang eksena kapag nasa iisang lugar sina Blake at Shakira. Malapit nang matapos ang first year namin in college at nangyaring sobrang nag-click kami ng huli.

After niyang mailabas ang totoong Sherwin Manalo noong unang beses siyang pagalitan ni Blake, naging madalas na ang pag-uusap namin. Hanggang sa inamin nito na high school pa lang daw kami, crush na niya si Kuya Sean kahit galing siya sa ibang high school.

Sa sobrang paghanga niya raw kay kuya na nakikita niya during high school events noon, pati raw ako ay kilala niya. That explained why he knew my complete name kahit first time ko pa lang siyang makita noon sa university. And then, we became best of friends eventually. Si Shakira na talaga ang madalas kong kasama at kausap. Pareho pa kami ng major at magkaklase kami sa lahat ng subjects.

"Oh, ano? Hindi ka makasagot kasi totoo? Mukha mo! Feeling gwapo ka talaga, Blake! Ang yabang-yabang mo pa at kung makabakod ka sa bestie ko, tumataginting! Ikaw naman ang hindi faithful! Player!"

"Hoy..."

"Ano? Ano? Ano'ng isasagot mo? Doon ka sa Nursing mo. Huwag ka rito. Bad vibes!"

"Binibilangan na talaga kita, ha!"

"Eh 'di fine! Tulungan pa kita kung gusto mo. One, two, three, four, five, six, seven, eight..."

At sa lahat ng pagkakataon, laging natatalo ni Shakira si Blake. Kaya bago pa ma-highblood ang isa, pinigilan ko na ito.

"Oh, tama na. 'Yan na naman kayo, eh." Hinawakan ko na lang ang kamay ni Blake na nakaakbay sa akin.

"Bakit kasi sa dinami-dami ng pwede mong kaibiganin, bakit 'yan pang bungangerang 'yan ang napili mo, Bear?" Baling naman sa akin ni Blake. "Palengkera pa."

Napangiti ako. Halata na ang pagkaasar sa tono ni Blake. "Huwag mo kasing inaaway."

"Korek! Akala niya siguro matatakot niya ako sa fan's club niya! No way, highway, milky way!"

Pasimple ko namang inabot at kinurot ang bestfriend ko at pinanlakihan ng mata. "Isa ka pa. Tama na nga 'yan."

Nang makapasok kami sa canteen, dumiretso naman kami agad sa table kung nasaan si DM. Mukhang nahalata rin nito na nasa bad mood si Blake.

"Talo ka na naman, bro?" Tanong nito saka pasimpleng tumingin kay Shakira. Ngumisi pa ito sa kaibigan.

Nagkibit-balikat lang ang katabi ko saka umirap sa kaibigan ko. Umikot lang ang mga mata ni Shakira saka humalukipkip. Nasa war zone talaga ang dalawa kapag pinagtabi.

Lumipas lang ang ilang sandali nang tumayo si Blake at hinila rin ako. Kinuha nito ang mga gamit ko saka ito naglakad. Sumunod na lang din ako dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Hindi pa kami nakalalayo nang lingunin nito si DM.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon