Part 23

733 35 45
                                    

Part 23

(Lily's POV)

Nakapasok na kami nina Kuya Sean at Blake sa loob ng restaurant kung nasaan sina DM at Willa pero sa halip na lapitan namin agad ang mga ito, inginuso ni Kuya ang katabi nilang table kung saan medyo tago dahil sa mga interior plants na nakapatong sa isang mababang divider. Mukhang labis ang pag-enjoy ng dalawa sa company ng isa't-isa kaya wala man lang nakahalata sa entrance naming tatlo.

I've seen Willa in pictures dahil updated ako sa website ni Blake kung nasaan ang portfolio nito ng mga photographs. Dahil may pangalan na rin ito sa photography, aside from modelling, gumawa ito ng website kung saan ibinabahagi nito ang collection ng iba't-ibang kuha sa kanyang camera. Even his personal stuffs are there. Mahilig silang magkakaibigang mag-travel. They all long for adventures. At sa latest uploads ni Blake ng pictures ng mga ito sa Palawan, Willa really represents a happy soul. The very pretty Willa as our goddess of love.

Seeing DM with Willa right now, parang may naaalala tuloy ako pero medyo malabo. It's in the tip of my tongue. Hindi ko lang siya makuha-kuha. But there's something talaga in my mind the moment I laid my eyes on Willa in person. Well, her chemistry with DM is undeniable. In fact, this is the only time I'm seeing DM and how he enjoys flirting. Nasanay akong si Blake lagi ang may paandar but seeing DM and Willa together, sparks are flying.

"Are you done?" Narinig naming tanong ni DM sa ka-date nito. Sabay-sabay naman kami ng mga kasama kong sumilip sa dalawa para makinig sa kanilang usapan. "Are you done checking me out?" DM smiled sheepishly at Willa who blushed after caught in the act sa pagtitig sa kasama.

"Bakit hindi na lang tayo umuwi kung wala na pala tayong gagawin?" We heard Willa say pero halatang conscious na conscious. The ever famous "pag-iiba ng usapan".

But DM never wants it to end. Muli itong nagsalita, "Bakit hindi na lang tayo magtitigan?"

I smiled at napailing-iling pa ako. So this is the effect of a vibrant Willa to the nice and gentleman Dominic Marcus. Isang Willa lang pala ang katapat nito.

TING!

There goes the thing in my head again. Ano ba kasi ang nasa isip ko tungkol sa dalawa? Lumingon ako sa mga kasama ko at nakita ko si Blake na busy sa pagsilip sa ginagawa ng kapatid ko. Busy si Kuya sa cellphone nito samantalang hirap na hirap naman si Blake na tumitingin sa ginagawa ng isa. Para tuloy eksena sa isang examination kung saan malapit nang mabali ang leeg ng isa para lang makakopya sa katabi. Napatingin naman sa akin si Blake at biglang sumenyas.

"TE. RIS." Buka ng bibig nito pero walang lumabas na boses.

Dahil hindi ko ito maintindihan, inulit nito ang sinabi sabay turo sa cellphone ni kuya.

THERESE.

Ka-text daw ni kuya si Therese. Sinenyasan ko lang si Blake na huwag na lang itong magulo. Lumingon na lang ulit ako sa direksyon nina DM at Willa. Ngiting-ngiti pa rin si DM at tila ineenjoy ang pang-aasar kay Willa. Bigla naman akong nagulat nang tumayo si kuya at sumunod din si Blake. Kinukulit kasi ng huli si kuya at hindi tinatantanan ito. Napatayo na rin ako para pigilin si Blake sa pakikisawsaw nito sa kung anumang conversation nina Kuya at Therese sa cellphone. Kahit kailan talaga napaka-childish ni Blake.

Then we heard Willa say to DM, "I can't believe you, DM! Katulad ka na rin nina Blake kung makapang-asar sa akin. Akala ko pa naman naiiba ka."

Bigla naman akong hinawakan ni Blake at masuyong inakay palapit sa dalawa. Ibinulsa na ulit ni kuya ang cellphone nito at sumunod sa amin. Umabresete naman ako sa fiancé ko nang malapit na kami.

"Whoa! I just heard my gorgeous name. Ano'ng ganap, lovebirds?" Masiglang wika ni Blake kina DM.

Sabay na napalingon ang dalawa sa direksyon namin at bakas ang pagkagulat sa mukha ni Willa. Matagal din itong tumitig sa akin. Iniisip nito sigurong ako si LILY BEAR in the flesh. Ngumiti ako rito.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon