Part 22

892 40 49
                                    

Part 22

(Lily's POV)

Linggo ng umaga at maaga kong ginising si Kuya Sean para ihatid ako sa bahay ni Blake. Hindi ko na sana ito iistorbohin pa pero papagalitan lang ako ng magkaibigan kapag padalus-dalos akong lumabas ng bahay. Knowing na may kuya akong tigre-slash-gori tapos may fiancé pa akong possessive at protective, magigisa lang ako kapag hindi ako sumunod sa standard process.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang puntahan ang gunggong na 'yon nang ganito kaaga? May reunion naman kayong dadaluhan mamaya, 'di ba?" Humihikab na tanong ni Kuya Sean habang hinihila ko ito sa kama niya.

"Magsisimba nga kami. Saka sumama ka na rin para may divine intervention ka sa love life mo. Bumangon ka na, kuya!" Dahil nakita kong yayakapin nito ang isang unan, mabilis ko itong inagaw. "Bilis na!"

"Anak ng..." Bumangon na nga ito at halatang naaasar sa ginawa ko. "Bakit hindi ka na lang magpasundo sa kanya? Magkasama na nga kayo magdamag noong Biyernes tapos alas diyes ka pa niya hinatid kagabi, bakit hindi ka na lang natulog ulit doon para hindi ka nambubulabog ngayon? Sana hindi ka na lang umuwi."

Napabuga ako sa hangin. Kung talagang hindi ko pa ipinagpilitang ihatid ako ni Blake sa bahay kagabi, hindi na talaga niya ako ibabalik sa pamilya ko. Kaya heto na ang pasabog ng kapatid kong istrikto.

"May boyfriend ka na ulit pero ako pa rin ang ginagawa mong hatid at sundo sa mga disoras na lakad mo. Why don't you demand from your boyfriend?" Patuloy sa pagmaktol si kuya habang papasok ito sa banyo.

Huminga naman ako nang malalim at humalukipkip. "You mean fiancé. Fiancé not boyfriend."

Marahas naman itong lumingon. "At engaged na pala kayo nang hindi ko pa alam."

Ngumiti naman ako. "As if. Alam ko namang tuwang-tuwa ka kasi 'yong bet na bet at pet na pet mo kahit dine-deny mo pa, siya na ulit ang love life ko kaya maligo ka na, please."

Napangiti na lang din ito at napailing. "Ibang klase talaga kayong dalawa."

☆☆☆☆☆

Nakatambay kami ni Kuya Sean sa bahay ni Blake. Sinundo namin ni Kuya si Blake kanina at dumiretso kami sa simbahan para mag-attend ng misa. Dumaan lang kami ng meryenda saka ulit kami umuwi kina Blake. May dadaluhan kaming college reunion mamayang hapon at siya ang kasama kong a-attend. Reunion siya within our department at dahil si DM lang ang kapareho ko ng department noong college, I'll just bring Blake to the party as my date. I still don't know how to face my ex-boyfriend, Jorge, just in case na pupunta rin siya but I'll cross the bridge when I get there.

"Siraulo talaga."

"Wow! Better idea! Genius din itong si DM kung minsan."

Magkasabay na nagsalita sina Kuya at Blake kaya napatingin naman ako sa mga ito. Nasa terrace kaming tatlo at pareho nilang hawak-hawak ang mga cellphones nila.

"Kahit kailan talaga napakagunggong din ni DM." Ibinaba na ni kuya ang phone nito.

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit na naman, kuya?"

Si Blake naman ang sumagot, "Pinapatanong ni DM kung gusto mong huwag na lang pumunta sa reunion ng department niyo at samahan na lang daw sila ni baby girl."

Mas lalo namang kumunot ang noo ko pero agad ko ring nakuha kung sino ang tinutukoy nitong baby girl. "Si Willa?"

"Yup, yup. Si Willa Daldalita. Hay, nakakamiss din ang kaingayan ng babaeng 'yon."

Tumango naman ako. "Okay lang sa aking huwag um-attend sa reunion. Next year na lang ulit tutal every year namang may organizer. Let's just go to them. Gusto ko na ring ma-meet si Willa in person." Nilingon ko si kuya. "Naku, kuya, kunwari ka pang no reaction pero sa totoo lang..."

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon