Part 19

727 41 38
                                    

Part 19

(Lily's POV)

Nagulat na lang ako nang biglang may pumasok sa kwarto ko kinaumagahan. Kalalabas ko lang sa banyo at naka-robe lang ako. Katatapos ko lang mag-shower.

"Blake?! What are you doing here? Lumabas ka nga muna, please!"

Sa halip na lumabas gaya ng sinabi ko, ini-lock nito ang pinto saka lumapit sa akin. "What happened to you yesterday? Hindi mo na ako sinagot. Pati sa mga text ko. I was in a meeting. What happened? I'm sorry. Hindi naman ako sinasagot ni Sean kagabi. I wanted to come here to check on you pero hindi ako makalusot sa meeting. Kagagaling ko lang din sa isang event. Dumiretso na ako rito. What happened, Bear?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

"I replied," matipid kong sagot. Dahil alam kong hindi naman talaga ito lalabas, hinarap ko na lang ang salamin at nagsimulang suklayin ang basang buhok ko.

"Yeah. You said idiot. And I admit it. I'm an idiot. So care to tell me now what happened?" Mas lumapit pa ito at masuyo akong pinatayo mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin. Humarap ito sa akin. "By the way, you look really hot right now."

Bago pa makapaglakbay ang mga mata nito sa kabuuan ko, pinitik ko ang noo nito.

"Aaawww! Sorry naman!" Natatawa nitong wika. "Aaawww! Kung hindi lang kita ma... Anyway, ano'ng nangyari sa'yo kahapon?"

Umupo ulit ako sa harap ng salamin. Kinuha naman agad ni Blake ang suklay at ito na ang kusang umayos sa buhok ko. "Kinausap ako ni Jorge. Again. Pero I think hindi na niya ako kakausapin pa."

"And?"

"And he got mad so he left me somewhere kaya wala akong choice kundi ang mag-taxi pauwi kasi hindi niyo naman ako sinasagot ni kuya."

Bigla namang dumilim ang mukha nito. "You should have called DM or Shakira. How dare that guy."

Dahan-dahan akong humarap dito. "No, Blake. I deserved that." Huminga ako nang malalim saka iginiya ito sa pinto. "Magpapalit ako. Labas na."

Nasa pinto na kami pero hindi pa rin ito lumalabas. "I've seen everything. Dito lang ako," nakangisi nitong sagot. "Every. Thing."

Bigla naman akong na-conscious at mabilis na tumalikod dito. "Fine."

Iniwan ko ito at dinala na lang ang mga damit ko sa banyo. Narinig ko ang halakhak nito nang isara ko ang pinto.

☆☆☆☆☆

Nagtatalo ang isip at puso ko kung ngayon na ba ang tamang panahon para sabihin kay Blake ang lahat-lahat. Pagkatapos kong magpalit kaninang umaga nang puntahan niya ako sa kwarto ko, niyaya niya akong mag-Tagaytay. Hindi naman ako tumanggi. Nagdesisyon akong susulitin ko muna ang panahong kasama namin ang isa't-isa after a long time.

Kumain muna kami pagdating namin sa Tagaytay saka kami namasyal. Nilalabanan ko pa rin ang nararamdaman ko para huwag lumabas pero sa sobrang kakulitan ni Blake, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Bear, baka matunaw ako." Ngiting-ngiti si Blake na bumaling sa akin. Magkahawak-kamay naming binabagtas ang napakalawak na flower garden kung saan kami nakatambay.

Inirapan ko lang ito at hindi sumagot.

"Ang lagkit ng tingin mo sa akin. Nako-conscious ako," dagdag pa nito. Abot-tenga pa rin ang ngiti.

Sobrang galing talaga ni Blake mang-alaska but still very charming. Nakatingin lang ako nang diretso at hindi ito nilingon. Pinigilan kong mapangiti.

"Parang nagba-blush pa ako. Kung makatitig ka kasi."

Huminto ako at nagkunwaring tumitingin-tingin sa mga bulaklak sa paligid namin.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon