Special Chapter (2b)

773 18 62
                                    

Pasado alas otso na ng umaga at naghahanda na kami para sa aming biyahe patungong Pagudpud. Lunch time ang target naming dating sa isang beach house para doon na kami mananghalian.

Baka raw kasi abutin kami ng tatlong oras sa biyahe dahil mamimili pa kami ng mga inihaw at sariwang isda sa bayan ng Pasuquin. Madadaanan daw kasi namin iyon.

Katatapos ko lang ding magluto ng babaunin naming beef mechado at beef meatballs. Pinakbet naman ang pinagkaabalahan ni Willa kasama si Ate Belen na matagal na raw nilang helper sa bakery ng Papa nito. Ang mga gagamitin naman naming tent, kumot, unan at iba pang kakailanganin ang inayos nina Blake at DM. Inilagay na nila ang mga 'yon sa sasakyan.

Nasa guest room naman ako at hinihintay ang aking asawa mula sa banyo. Ipinaghanda ko na siya ng kanyang susuotin. Hindi naman nagtagal at pumasok na si Blake sa ginagamit naming kuwarto. Iisa lang kasi ang banyo at doon pa 'yon sa tabi ng kusina.

Hindi pa masyadong tuyo ang aking asawa at nakatapis lamang siya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Mabilis niya akong niyakap at inalalayang makahiga sa malambot na kutson.

"B, amoy usok ako," reklamo ko nang magsimula siyang maglambing. Bahagya niyang kinagat ang isa kong tainga. "Amoy beef ako. Magpalit ka na."

"Kahit pa amoy baka ka, Bear, ayos lang sa akin. Make love muna tayo," sagot niya sa akin. Umayos siya sa aking ibabaw at pinagdikit ang aming mga ilong.

"Ayaw," wika ko naman saka siya kinurot sa tagiliran. "Hindi mo na nga ako pinagpahinga kaninang madaling-araw. Nakadalawa ka kaya."

Ngumisi naman siya. "Last na 'to. Please, Bear? Sige na."

Umiling ako habang nangingiti.

Lumabi naman siya na parang bata. "Sige na kasi. Hindi ako makaka-score kapag nasa Pagudpud na tayo. Hindi na naman ako tatantanan ni Willa kaya hindi tayo makakapagsolo. Alam mo naman ang isang 'yon, buntutera."

Tumawa ako nang mahina. "Eh pareho lang naman kayo. Ang kulit niyong dalawa."

"Sige na kasi, Bear. Ang tagal na. Maawa ka naman sa akin."

Marahan ko siyang hinampas sa kanyang braso. "Ilang oras pa lang 'yon, Blake. Alas singko na tayo natulog kanina."

"Sige na, please. Bear naman. Don't do this to me--"

Hindi na naituloy ng aking asawa ang sinasabi nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. Nalukot naman agad ang kanyang mukha at maingat na umalis sa aking ibabaw.

"See? For sure si Willa 'yan. Sinasabi ko na at wala siyang gagawing maayos." Tinungo niya ang pinto at binuksan 'yon. "Bakit ba?" maangas niyang tanong.

Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at nakisilip sa pinto. Si Willa nga ang nasa labas.

"Bakit wala ka pang damit, Blake? Ano ka ba? Kanina ka pa pumaparada na naka-towel lang! Hanggang ngayon hindi ka pa nakakapag-ayos? Hindi runway ang bahay namin." Nanlalaki ang mga matang wika ni Willa. "Ang sagwa!"

"Ano ba'ng kailangan mo?" tanong ulit ng aking asawa. "Sagot agad. Busy kami."

"Si Lily Bear. Siya na ang sunod na gagamit sa banyo." Tumingin ito sa akin. "Maligo ka na, Lily."

Si Blake naman ang sumagot habang ipininid niya nang bahagya ang pinto. "Ikaw na muna. Amoy okra ka. Hindi mo ba naaamoy ang sarili mo? Dali na. Maligo ka na."

"Buwisit ka talaga, Blake."

"Hayun si DM, oh." Itinuro ni Blake ang kaibigan na nakaupo lang sa sala. "P're, may sasabihin daw sayo si baby girl."

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon