Part 17

768 42 29
                                    

Part 17

(Blake's POV)

"Kumusta na kayong dalawa?" Bumungad si Sean at umupo ito sa bakanteng silya sa gitna namin ni DM. Nag-fist bump kaming tatlo.

Nasa terrace kami ng bahay at dahil matagal nang naka-based sa Amerika si Mama, ako na lang ang nandito. Matagal na rin silang hiwalay ni Papa kaya nasanay na rin akong mga kasambahay lang ang kasama sa bahay. I'm lucky I met DM and Sean dahil kung hindi dahil sa kanila, sobra-sobrang pagrerebelde sana ang ginawa ko. But I met real and great friends so my life really did well, too.

"We're really sorry about what happened to your sister, DM." Bumaling si Sean kay DM. "Isipin na lang natin na mas maayos at mas masaya siya saan man siya naroroon ngayon."

Tumango lang si DM. "Of course. Michelle is in better place now."

"Lilipas din ang lahat ng ito, bro," wika ko naman. May isang linggo na rin ang lumipas mula nang mailibing ang nakababatang kapatid ni DM dahil sa isang aksidente.

After college, nag-umpisang maging busy ang lahat until umabot kami sa mga posisyon namin ngayon.

Nagtatrabaho si DM sa isang malaking hotel as part of the admin department. Nagma-manage na rin si Sean ng mga singers simula nang pasukin nito ang music industry. At mula noong fourth year college ako until now, I've been with a modelling agency. May mga lumabas na rin akong TV commercials at print ads ng men shampoo at perfume. Pero may iba akong pinagkakaabalahan ngayon, ang photography.

I suddenly started taking photographs everywhere since I heard that...

"Pare, dinala na ni Lily si Jorge sa bahay. Six months na pala sila."

Since I heard that Lily answered her long-time suitor, Jorge.

Bumaling naman si DM sa akin. "Thought you two were getting back together."

Umiling naman ako. "Bigla siyang naging malabo. Ginawa ulit niya 'yong one year na hindi pagpansin at pagkausap sa akin." Napangiti ako nang mapait. From warm, she went back to being cold. Until I heard na sinagot na niya si Jorge na simula pa college, hindi huminto sa panliligaw. Then she became a difficult thing to hold. Ginawa ko ang lahat para makausap ito nang maayos pero lagi niya akong ipinagtatabuyan. Maybe she already gave up on me. At sa lahat ng mga ginagawa kong pakikipag-date sa iba.

But Lily... Lily has always been my ultimate prize.

"Lesson of the story, lubayan mo na ang kapatid ko," walang kabuhay-buhay na wika ni Sean.

Napatingin ako rito na nakahalukipkip habang tila malalim ang iniisip. Napangiti ako. "Is that how you inspire me to never give up on her?" Kinuha ko ang canned beer sa harap ko at itinaas sa harap nito. "Sure, brother-in-law. I won't give up on her."

"Let's cheers to that." Kinuha rin ni DM ang canned beer nito at sabay kaming nag-cheers.

Iiling-iling naman si Sean na uminom sa beer nito.

(Lily's POV)

"Babe," nilingon ko si Jorge na nasa driver's seat, "may problema ba?"

Umiling ako. "Wala."

"Kanina pa ako may sinasabi pero it seems like you're not listening. Ang lalim ng iniisip mo."

"I'm fine, Jorge. Napagod lang ako sa pag-meet ng deadlines ko sa office."

Itinabi nito ang kotse at nag-park sa isang restaurant. "Hindi pa kasi ako nag-lunch. Can we have our early dinner here?"

Tinanguan ko lang ito. Nang makapasok kami sa loob, nag-order lang ito saka nag-excuse na pupunta sa men's room. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Nagdalawang-isip akong sagutin ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Blake sa screen pero dahil hindi naman ito tumitigil sa pag-ring...

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon