Part 16

701 41 29
                                    

Part 16

(Lily's POV)

"Shakira, huwag ka ngang didikit sa akin kapag ganyang nag-spray ka ng pabango? Nakakainis naman, eh." Mabilis akong lumayo sa bestfriend ko at ipinaypay palayo sa akin ang hangin. Naiirita ako sa amoy ng pabango nito.

"Hoy, ano'ng pag-iinarte 'yan? Kelan pa nakakainis ang vanilla sa ilong mo? Pambihira naman, bestie! Dalawang araw mo na akong pinagdidiskitahan," sagot naman nito. Isinakbit na nito ang bag sa balikat nito. "Ano? Hindi ka pa lalabas? Nandiyan na si Blake."

"Sabihin mo sa kanyang umuwi na siya."

Napamulagat naman ang bestfriend ko. Kaming dalawa na lang ang natitira sa office. Nagsiuwian na ang mga kasama namin kanina. Nag-extend lang kami dahil hinintay pa namin si Blake.

"Ano ka? Bakit ko pauuwiin eh ikaw 'tong nagsabing tawagan ko siya dahil siya ang gusto mong sumundo sa'yo? Hello? Tapos pauuwiin mo na lang? Ano 'to?!" Sunud-sunod na wika ni Shakira.

"Ang tagal niya," matipid kong sagot.

"Matagal siya kasi galing pa siyang Tagaytay. Kung mas inagahan mo ang pagdesisyong patawagan siya, eh 'di mas maaga rin siyang narito. Effort ng tao, ignore mo lang? Tagaytay, ha!"

"Sabihin mo na lang sa kanyang sabay na tayo."

"Ano'ng sabay na tayo? Late na nga ako sa appointment ko dahil sinamahan kitang maghintay kay Blake tapos sasabay ka pa? Iikot na naman ako? Hala! Labas na nga!" Kinuha na nito ang bag ko at hinila na niya ako palabas ng office.

Nadatnan naman namin si Blake na kausap ang isang waitress sa restaurant sa ground floor ng building.

"Asus! Nakakita na naman ng maganda," wika ng kasama ko.

Bigla namang nanlisik ang mga mata ko. Inagaw ko ang bag ko kay Shakira at dire-diretsong lumabas ng building. Narinig ko namang tinawag ako ng bestfriend ko pero hindi ako huminto. Tuluy-tuloy lang ang paglakad ko nang padabog. Sunod ko na lang naramdamang may pumigil sa braso ko.

"Hey. Bad mood yata ang Bear ko."

Iwinaksi ko ang kamay ni Blake. "Umuwi ka na."

"Okay. Umuwi na tayo kung gano'n."

"No, Blake. Ikaw lang. Umuwi ka na." Iwinaksi ko ulit ang kamay nitong humawak sa akin.

"Bear naman. Binayaran ko lang 'yong in-order kong tea." Huminga na lang ito nang malalim. "Let's go."

Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Hindi rin ito umalis at naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.

"Is it your time of the month? Ang sungit mo yata kasi may period ka."

Bigla namang napaisip ako kung ano'ng date ngayon. And then I realized something.

Suddenly, my world froze.

☆☆☆☆☆

"Shakira, you can't tell anyone. Promise me, p-please." Hilam na ng luha ang mga mata ko. "Ikaw na ang bahalang magdahilan kung bakit hindi ako uuwi ng isang buwan. Tell my family about our article project. Don't say anything. Kailangan kong mag-isip. I c-can't do this. I c-can't do this to B-blake. Please, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya ang mga nalalaman mo. He will never forgive me."

Umiiyak ding yumakap sa akin ang bestfriend ko. "Promise me you'll be fine, Lily. Promise me you'll be okay."

"Oo. Kakayanin ko. He will never forgive me kapag nalaman niya. I don't want him to get mad at me, Shakira. I love him but he doesn't deserve me after what happened." Kusa nang lumabas sa bibig ko ang tunay kong nararamdaman kay Blake.

After him, hindi ko na naisip makipag-boyfriend sa iba. Si Blake pa rin ang mahal ko kahit pa kaliwa't kanan ang mga dine-date niyang babae. But just like what Shakira and Vicky said, iniiwan niya lahat ng mga kasama niya kapag nasa paligid na ako. Mas mabilis pa sa kidlat.

Alam kong marami ang naiinis sa akin lalo na 'yong mga babaeng naka-date at naging ex ni Blake especially sa modelling at sa showbiz. Pero hindi ko malaman kung bakit ni isa sa mga ito ay walang lumapit sa akin. Walang kumompronta o sumita sa akin. Wala pang umaaway sa akin. Wala ni isang lumapit sa akin para pag-usapan si Blake.

Shakira said na baka si Blake daw mismo ang gumagawa ng paraan kung bakit walang nakakalapit sa akin. I don't know how true that is but I want to believe him. Dahil hangga't patuloy na dumadami ang mga pangalan sa unang listahan nito, naniniwala akong hindi na mag-iiba ang pangalawang listahan niya kung saan ako lang ang nakalagay.

LILY BEAR.

But things need to change.

Blake doesn't deserve me anymore.

Kaya kailangan ko nang tapusin 'to as early as now.

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon