Special Chapter (2a)

627 16 63
                                    

(Lily's POV)

March 2017

Matapos ang anim na biyahe mula Cubao, nakarating din kami ng aking asawa sa Laoag. Hindi na kami nakapag-book ng flight dahil sunod-sunod ang nag-special request sa kanya para maging photographer ng events. Hindi kami nakakuha ng maayos na flight schedule.

Buti na lamang at hindi na siya tumanggap ng urgent projects kagabi. Inatasan na lamang niya ang kanyang team sa mga nakapilang happenings na ico-cover.

Pasado alas tres na ng madaling-araw at nakaupo lamang kaming mag-asawa sa isang gang chair na nasa terminal. Papunta na raw si DM para sunduin kami. Mas nauna kasi itong nakarating sa Ilocos via plane at tumuloy ito agad kina Willa.

"Bear," tawag ni Blake sa akin kaya napalingon ako sa kanya. "Ayos lang ba ang asawa ko?"

Ngumiti ako at tumango. "Okay na okay." Hinawakan ko ang kanyang kamay saka pinisil iyon.

"Sure? Hindi ka ba napagod sa biyahe? Matagal din 'yon. Sorry. Nag-eroplano na lang sana tayo. Ayaw na ayaw ko pa man ding nahihirapan ang Bear ko." Hinalikan niya ang aking mga kamay.

"Ayos nga lang ako. Saka komportable naman 'yong sleeper bus. Nakatulog naman ako nang maayos doon."

Hinila niya ako saka mabilis na humalik naman sa aking mga labi. "I love you, Bear."

Tumawa lamang ako nang mahina at hindi siya sinagot.

"I love you," ulit niya.

Nagkibit lamang ako ng balikat.

Humaba naman ang kanyang nguso. "Bear naman. I love you kasi."

"Oo na po. I love you too," nakangiti kong sagot.

Mabilis namang sumilay ang kanyang matamis na ngiti. "Ganyan dapat. Sumagot ka nang maayos. Alam mo namang you make my world brighter and more beautiful."

"Corny." Isiniksik ko na lamang ang aking mukha sa kanyang leeg nang yakapin niya ako. Hindi naman nagtagal at tumunog ang kanyang cell phone.

Sinagot niya ang tawag. "Bro." Binalingan niya ang isang itim na CRV na kararating lamang. Tumango siya. "Okay. Papunta na kami."

Tumayo na siya at kinarga ang mga gamit namin. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay saka niya ako bahagyang hinila. Napatayo naman ako. Nagsimula na nga kaming maglakad palapit sa sasakyan. Si DM na nga iyon.

Pinagbuksan ako ni Blake ng pinto sa likod saka siya pumunta sa kabila para makaupo.

"How was your trip?" tanong ni DM na nasa driver's seat. Pinatakbo na niya ang sasakyan nang masigurong maayos na kaming nakapuwesto sa loob.

"Akala ko ba aabutin ng ten hours? Six hours lang yata ang biyahe namin, pare," sagot naman agad ng aking asawa.

"Sleeper bus kasi ang sinakyan niyo. For ordinary trips, 8-10 hours 'yon. Air flights are around one and a half hours. Sanay ka kasi sa eroplano." Tumingin naman sa akin si DM mula sa rearview mirror matapos sagutin ang tanong ni Blake. "First time mo sa Ilocos, Lily?"

Tumango naman agad ako. "First time in Region 1 actually. Baguio pa lang yata ang napupuntahan ko rito sa North."

"Well, I hope you enjoy," wika nito.

"I surely will. Thanks."

"Nasaan si Willa?" tanong ng aking katabi.

"I didn't wake her up," sagot naman agad ni DM. "For sure, aawayin niya ako mamaya."

"Natulog ka sa pinagawa mong guest room?"

"Nope. Doon kayo didiretso para makapagpahinga."

Hindi first time ni Blake sa Ilocos. Pati na si Kuya Sean. Kapag may pagkakataon, pumupunta sila rito. Balita ko ngang nagpagawa ng guest room si DM sa bahay nina Willa para doon sila lalagi kapag nasa Laoag sila. Saka kapag nasa Laoag si DM para bisitahin ang nobya, doon din ito sa guest room tumutuloy at natutulog.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon