Part 2

1.4K 63 46
                                    

Part 2

(Lily's POV)

"Kapag hindi ka pa sumakay, iiwan ka na namin dito."

Nilingon ko ang nakatatanda kong kapatid at sinimangutan ito. "Teka lang, kuya."

Umismid lang ito. Isang taon lang ang agwat namin ni Kuya Sean pero talagang istrikto ito pagdating sa mga bagay-bagay. Kaya kapag may sinabi ito, 90% na tutuparin niya. This school year, inilipat ako nina Papa at Mama from an exclusive girls' school to Kuya's elementary school. Para isahan na lang daw ang hatid at sundo lalo pa't dumadami ang responsibilities ng parents namin sa mga trabaho nila.

Akmang papasok na nga talaga si kuya sa kotse nang makita ko si Dominic Marcus.

"Teka lang kasi, kuya!" Awat ko rito.

Alam kong sa direksiyon din namin pupunta si Dominic Marcus dahil katabi lang namin ang kotseng susundo rin sa kanya after classes.

Habang naglalakad ito palapit, tila ba bumagal ang pagkilos niya. Parang sa mga pelikula na may slow motion effect. Tila ba bumagal ang takbo ng oras.

Malapit nang matapos ang school year na 'to at si Dominic Marcus talaga ang nagbibigay kulay sa bawat araw na papasok ako sa school. Hindi kumpleto ang araw ko hangga't hindi ko siya nakikita. Siya ang rason kung bakit napakadali kong nakapag-adjust since my transfer.

Aminado naman akong marami rin ang nagkaka-crush sa kanya. Kagaya ko, nasa top ten din siya ng buong Grade Five. Matalino na, gentleman pa. Magalang at talagang napakagwapo. Marami naman ang matatalino at gwapo sa school pero si Dominic Marcus talaga ang nakaagaw sa atensiyon ko.

"Lily," narinig ko na naman ang tawag ni Kuya Sean sa akin, "we need to go!"

Sakto namang dumaan sa harapan ko si Dominic Marcus. Bigla itong napatingin sa akin at sa gulat, nabitawan ko ang hawak-hawak kong Science and Health Textbook. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko makuhang pulutin ang libro.

Nakita ko na lang na si Dominic Marcus na ang kusang pumulot nito saka nito iyon iniabot sa akin.

"Kanina ka pa tinatawag ng kuya mo, Lily," wika nito.

Napamulagat ako. "K-kilala mo a-ako?"

Kumunot naman ang noo nito. "Of course. We're classmates. Grade Five under Mrs. Javier, right?" Tila nawe-weird-uhan nitong sagot sa akin.

Tumango naman ako agad saka kinuha na ang libro sa kanya. "Oo nga pala. Thanks. Thank you. Salamat," natataranta kong sagot.

Tumango lang ito saka lumakad na papunta sa kotse nila. Nakasunod lang ako ng tingin dito. First time naming nag-usap. Three months before closing, saka lang kami may conversation na masasabi kong really close. Worth the wait.

"Lily, at the count of five!" Narinig ko na naman ang boses ni Kuya Sean and this time, alam kong inis na inis na ito kaya tumakbo na ako agad papasok ng sasakyan.

Hanggang umabot kami sa bahay, hindi nawala ang ngiti ko sa labi. At dadalhin ko pa ito hanggang sa pagtulog.

Kinausap ako ng crush ko.

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon