Part 13

814 38 75
                                    

Part 13

(Lily's POV)

Araw ng Sabado at nadatnan kong mag-isang nanonood sa sala si Blake. Napakunot ang noo ko dahil narinig ko lang kanina ang boses ni DM sa kwarto ni Kuya Sean. Mabilis akong bumaba ng hagdan at lumapit agad ako sa boyfriend ko.

"Blake, bakit hindi mo kasama sina kuya sa taas?" Tanong ko rito. Pasimple kong iniikot ang mga mata ko sa paligid para tingnan kung may iba kaming kasama sa baba. Nang matiyak kong wala, umupo ako sa tabi nito. Agad naman itong umakbay sa akin.

"Masyadong conservative ang kuya mo. Simula no'ng malaman niyang tayo na, ang dami na niyang ipinagbawal." Pasimple din itong tumingin sa paligid saka ako mabilis na hinalikan sa labi. Ngumiti lang ito nang pagkatamis-tamis pagkatapos.

Dumistansiya naman agad ako rito nang may parang biglang kumaluskos sa kusina. Pero may pagkatuso talaga si Blake at mas lalo naman itong dumikit sa akin. Hindi ko na lang ito sinita dahil sigurado naman akong lumabas sina Mommy at Daddy. Si Yaya Rosa lang siguro ang nasa kusina.

"Bear, alam mo bang ito na ang huling araw ng hangout namin dito sa bahay niyo? Saka lang ulit kami pwedeng tumambay ni DM dito kapag 18 ka na," wika nito sa akin. Para itong batang nagsusumbong sa magulang. Hindi na sa TV nakatuon ang mga mata nito. Hinarap ko naman ito at hindi rin pinansin ang TV.

"Si kuya ba ang nagsabi niyan?" Tanong ko.

Tumango naman ito. "See? Siya talaga ang number one kontrabida sa love story natin, eh. Kung hindi ko lang siya matalik na kaibigan, tinadyakan ko na talaga siya sa pwet."

Tumawa naman ako nang mahina. "Eh di sa inyo muna ni DM ang Saturdays ninyong tatlo?"

"Oo. Pero kapag nasa bahay kami, magpapahanda ako ng mga ayaw niyang pagkain para mapraning 'yang gorilyang 'yan. Magpapahanda ako ng dinuguan at kare-kare para makaganti sa kanya."

Hindi naman tumigil ang pagtawa ko. "Ano pa raw ang bawal?"

"Bawal ako sa taas. Wala raw siyang tiwala sa akin. Baka puntahan daw kita sa kwarto mo kapag may chance ako," nakasimangot na sagot nito. Pero bigla itong napangiti at kumindat sa akin. "Which is gagawin ko talaga."

"Sira!" Hinampas ko ito nang mahina sa braso. "Ano pa? Ang dami namang bawal. Sana 18 na ako."

"Bawal kang sunduin at ihatid. Bawal tayong mag-date kung wala siya o si DM."

Napamulagat ako. "Grabe naman si kuya!"

"Sinabi mo pa. Kulang na lang sabihin niyang bawal na ring huminga."

Umiling ako. Hindi ako makapaniwala kay Kuya Sean. Napakaabnormal nito. Nasa gano'n akong pag-iisip nang bumaba ito kasama si DM.

"Hoy! Dumistansiya ka sa kapatid ko, Formosa!" Agad na sita ni kuya kay Blake na nakaakbay sa akin.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at sinalubong ko sila ni DM sa baba ng hagdan.

"Kuya, ano naman 'yong mga rules na binigay mo kay Blake?" Humalukipkip ako. Huminto naman ito sa harap ko. Dumiretso lang si DM at umupo sa tabi ni Blake.

"May problema ba?" Maangas na tanong ng kapatid ko.

"Malaki," mabilis ko namang sagot. "Kuya, bawiin mo ang mga 'yon. Ilang buwan na lang, 18 na ako."

Humalukipkip din ito. "Exactly. Kaya nga hintayin mo na lang."

"What? Kuya, hindi na ako bata! Don't do this to me!" Nagpadyak-padyak ako sa harap nito. Wala talaga itong konsensiya.

"Hindi ka na bata pero tingnan mo 'yang inaasal mo ngayon."

"Why can't you just give me space and freedom?" Nangingiyak kong sambit.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon