Part 15

818 40 32
                                    

Part 15

(Lily's POV)

After seven years...

"Lily, nasa labas na naman si Jorge. Kelan mo ba kasi sasagutin 'yon?" Wika ng isa sa mga kasamahan ko sa opisina, si Vicky. Nagtatrabaho kami sa isang sikat na magazine for twenty-something women.

"College pa lang kami, talagang crush na crush na ni Jorge si Lily," singit naman ni Shakira.

Magkasama kami sa office ng bestfriend ko. Mas nauna lang ito sa company dahil sa isang promotions agency ako unang nag-work. Pero nang sabihan niya akong may vacant sa team nila last year, I resigned and went to him.

"Kaya lang may malaking pader ang all-around na nakabakod sa bestie ko, in the name of Blake Formosa, kaya walang naka-climb in. Closed. Do not enter. No detour."

"Maalala ko, si Jorge ba 'yong binato ni Papa Blake ng basketball?" Tanong naman ni Vicky.

"Korek! Final answer!" Mabilis namang sagot ni Shakira. Naging matalim ang tingin ko rito pero inikutan lang niya ako ng mata. Umiling na lang ako.

"Naniniwala na talaga ako sa'yo na si Lily ang apple of the eye ni Papa Blake. Imagine, kasama na nga ni Blake ang girlfriend niya sa isang event one time, nang makita si Lily, wala. Hindi na ito humiwalay sa kanya. Kaya hayun, nakipag-break yata 'yong girlfriend niya that night kasi buntot siya nang buntot dito kay Lily eh siya dapat 'yong inaasikaso. Narinig niyo 'yon? 'Yong girl ay 'yong kasama niya sa commercial ng perfume," kwento naman ni Vicky.

"Ewan ko sa dalawang 'yan! Pauso sila. Simula nang nag-break kuno sila no'ng mabuking ni Tita Lacy ang secret relationship nilang dalawa noong unang panahon, mga two months lang sila hindi nagpansinan. After that, 'ayun. Sweet-sweetan na naman sila. Kahit naman ngayon! Parang sila pero unofficial. Gano'n!" Walang prenong kwento rin ni Shakira.

Tumikhim ako pero nagpatuloy pa rin ang dalawa.

"Pero 'di ba college pa lang kayo nang mag-start si Blake sa modelling? Since then yata talagang sobrang kaliwa't-kanan 'yong dine-date ni Blake, eh. May cheese pa nga na pati 'yong rising star na naging supporting sa highest gross movie last year, ex niya. True?"

"Hay naku, Vicky! Ito lang talaga ang sure ko. The whole truth and nothing but the truth! Kahit sino pang Eba ang kasama niyang si Blake kapag nasa paligid na si Lily, goodbye na siya agad! Naalala mo pa no'ng nag-feature tayo ng hottest bachelors? May party rin tayong in-organized for them, 'di ba?"

Tila nag-isip naman si Vicky. "Ay, oo! Two years ago! Oh my goodness! Busog na busog talaga ang eyes ko that whole month. Front, back and side-by-side bumaha ng mga Adonis!"

"Korek again! That time, my dear, nakipagsuntukan si Blake sa co-model niya under same agency dahil si co-model, hiningi ang cellphone number ng kanyang..." Sumenyas pa si Shakira gamit ang mga daliri nito para i-quote ang, "LILY BEAR."

Napailing na lang ako nang magpatuloy pa ang bestfriend ko sa pagkukwento, "Imagine ha, hindi talaga tinantanan ni Blake 'yong isa hangga't hindi binubura sa cellphone 'yong nakuhang number ni Lily. My God! Napaka-childish na possessive na player na wala talaga akong perfect description sa kanya!"

"Ay, grabe sila! I know that! Umabot sa akin ang cheese! Pati 'yong time na nag-cancel si Papa Blake sa isang photoshoot dahil pagkadating niya sa venue, narinig niyang bina-bad mouth si Lily ng isa sa mga female models na makakasama niya dapat sa shoot. Wala naman daw siyang harsh na ginawa pero napaka-manly daw ng pagkakasabi niyang, 'Don't say that to Lily. Never again.' Oh 'di ba? Talagang parang magnet si Lily na humihila talaga sa kanya. Ginayuma mo, 'no?" Tanong sa akin ni Vicky.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon