Part 14

757 43 28
                                    

Part 14

(Lily's POV)

"Your party is off. No more debut celebration for you. Everything about it is cancelled!" Galit na sabi ni Mommy sa akin.

Kaninang makita niya kami ni Blake sa restaurant, iniwan nito ang mga kasama sa news team kung saan ito nagtatrabaho at agad akong nilapitan para sabihing uuwi na kami. Sinabihan ko na lang si Blake na huwag na lang itong magsalita para hindi na lumaki pa. I assured him na ako na ang bahala.

Wala namang sinabi si Mommy kay Blake kanina aside fom umuwi na rin ito. Wala na lang din akong sinabi. On our way home, tinawagan ni Mommy si Daddy at sinabi ang nalaman nito sa amin ni Blake. Baka galit na galit na rin si Daddy.

Nang makarating kami sa bahay, I braced myself. Nasa living room na si Dad.

"For how long have you been keeping this?" Si Daddy naman ang nagsalita.

Tumikhim muna ako at pinigilan ang sarili kong huwag pumiyok dahil sa nagbabadyang luha. Nakayuko lang ako sa harapan nila. "Six months, Dad."

"See that? See that, Santi? I can't believe na magagawa ng anak mo 'yan!" Lumabas na ang mga luha ko matapos ang sinabi ni Mommy.

"Lacy, huminahon ka. It's Blake. At least, it's Blake," mahinahon namang sagot ni Dad.

"What is wrong with you? Don't you get the point, Santi? Even though it's Blake, the whole point is, hindi niya tayo sinunod." Bumaling naman si Mommy sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "I can't believe you lied to us, Lily! You broke our rules and lied to us! Ilang beses mo nang dinadahilan si Shakira just to be with Blake? Ha?"

Mas lumakas naman ang iyak ko. Gulong-gulo ang utak ko at hindi ko magawang sumagot.

"How would you even know kung six months mo na kaming niloloko ng Dad mo?! Nakalimutan mo na ba 'yong nangyari no'ng high school ka?"

"Lacy, that's enough. She's turning 18 and it's Blake so let's just be fine with it." Hinawakan ni Dad si Mommy pero umiwas lang ito.

"Don't you understand? Palalampasin mo na lang ang ginawa niya? What if it's not Blake? Paano kung maulit 'yong nangyari no'ng high school siya?"

"But it's Blake, honey."

Binitiwan ako ni Mommy pero sinapo nito ang mukha. "I can't believe na kaya niyang gawin ang ginawa niya!" Hinawakan ulit ako ni Mommy at pinilit niya akong tumingin sa kanya nang diretso. "Are you out of your mind? Alam mo bang 'yang edad mo ngayon ay nasa rurok ng kapusukan? Gusto mong matulad sa mga..."

"Lacy," hinawakan ni Dad si Mom at pumagitna ito sa amin, "let the kids be. Kung may hindi magandang mangyari, doon ka magalit."

"Paano ako hindi magagalit kung itinago niya sa atin ang isang napakaimportanteng bagay? Six moths, Santi? Six months? Kung kaya niyang gawin 'yon, ano pa ang kaya niyang gawin in the future? Sige nga. Kampihan mo 'yang anak mo until magulat ka na lang isang araw at uuwi na lang siyang buntis o naka-droga o lasing!"

Yumakap naman ako kay daddy. Hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko.

"Honey, the guys are doing great. The boys don't have any vice."

Tila naman biglang may naalala si Mommy. "Ang kuya mo. Alam ba niya ang tungkol sa inyo ni Blake?"

Sinalubong ko naman ang mga mata nito at tumango.

"Wow! So dalawang anak pala natin ang hindi na tayo sinusunod, Santi! Where is he?!" Dumagundong na naman ang boses ni Mommy.

"Lacy, stop it." Yumuko si daddy para tingnan ako. "You go to your room, sweetheart."

Tumingin naman ako kay Mommy at lumakad na ako patungo sa kwarto ko.

"Kampihan mo 'yang mga anak mo, I'm still cancelling Lily's debut party!"

"Fine. Kung 'yan ang makakapagpasaya sa'yo."

"I'm also cutting down her allowance pati si Sean! And talk to her na hiwalayan na si Blake!"

Nakita ko na lang si dad na iniwan si Mommy sa sala. Inilabas naman ni Mommy ang cellphone nito at hindi ko na inalam pa kung sino ang tinawagan nito. Bigla na lang mas bumugso ang damdamin ko at parang hindi na ako makahinga sa bigat ng nararamdaman ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, tinawagan ko agad si Kuya Sean. Agad naman itong sumagot.

"K-kuya, b-bumalik ka na s-sa bahay, p-please." Pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahang lumabas sa mga mata ko. "M-mom c-cancelled my p-party. Galit na g-galit siya. B-bumalik ka n-na rito, p-please."

Matagal-tagal din itong sumagot sa akin pero naulinagan kong tila may mga kausap ito sa kabilang linya. "Okay. Uuwi na ako."

"B-bilisan mo, k-kuya. P-please, umuwi k-ka na..." Patuloy pa rin ang pag-iyak ko at tila wala ng katapusan ang mga luha ko. Ang sakit-sakit lalo na't gusto ni Mommy na maghiwalay na kami ni Blake.

Bigla namang may nagsalita sa kabilang linya, "Bear, I know you're not fine but tingnan mo 'yong bag mo. Kanina sa restaurant, may nilagay ako sa bag mo. I hope it can make you smile right now."

Suminghot lang ako at pinilit ngumiti.

"Ibibigay ko na ang phone kay Sean. Pauwi na siya. I called him after Tita Lacy took you. Pinapunta ko siya rito sa restaurant and I told him what happened. Uuwi na rin kami ni DM. Take care, Bear."

Nawala na nga ito sa kabilang linya. Inabot ko naman ang bag ko at tiningnan kung ano ang inilagay ni Blake sa loob. Napansin ko ang isang asul na parihabang box na may maliit na ribbon. Binuksan ko ang box at tumambad sa akin ang isang Doraemon watch. May mga lumabas na namang luha sa mga mata ko. Inilabas ko ito sa box. Nagulat naman ako nang may lumabas ding linen paper nang kunin ko ang relo. Binuksan ko ang papel at tumambad sa akin ang sulat-kamay ni Blake.

Bear,

Sorry if this letter is not what you expect it to be pero I want to try. I've never written a love letter since my gorgeous birth except na siguro sa Valentine Card na ibinigay ko kay Mama noong kindergarten ako. Anyway, the thing is...

I want to thank you for making my world bright and beautiful.

Of course, lagi mo namang naririnig na sinasabi ko 'yan but I really mean it. I don't know how you do it but you really are the reason why my world is bright and beautiful, Bear.

Thank you also for choosing me as your prom date when we were in junior year. That night, hindi talaga lumiko 'yong mga mata ko. Sa'yo lang tumutok. Walang u-turn, walang right or left turn. Naka-one lane lang. You looked very beautiful that night, Bear. But then you chose not to attend our prom when we were in senior year. I guess, dahil sobrang inis na inis ka sa akin noon because nagseselos ka pa sa amin ni Keyyah. Hindi mo ako pinansin at kinausap sa loob ng isang taon. OUCH. Ooooppppsss! I know how you hate this topic kaya, skip...

Pero, Bear, just admit that you really got jealous. Sabi ko naman sa'yo, walang makakapantay sa'yo sa puso ko.

Then you suddenly surprised me when we started in college. From being cold, you turned warm. Until you finally said yes.

Naalala mo no'ng sinabi kong para tayong PATINTERO? Na ako 'yong habol nang habol, ikaw naman 'yong takbo nang takbo? Habang buhay, kaya kong maging taya at hindi ako mapapagod na huliin ka.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin pero masaya ako sa pangungulit sa'yo. Masaya ako kapag nasa paligid ka.

Wala pa akong pinagsabihan at for sure, sa'yo ko lang 'to sasabihin kahit gawin pa akong punching bag ng kontrabida mong kuya...

I'm in love with you.

I love you, Lily. Ikaw ang una, huli at nag-iisang pagsasabihan ko niyan.

Take care, Bear.

True Love Always,

B

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon